NATHALIE ZIN'S POV
Malamig na hangin ang sumasalubong sa mukha ko habang nakaupo sa railings ng veranda na kinauupuan ko
Mahilig kaming magkakapatid na umupo ng ganito sa railings tuwing gabi dahil sa lamig ng hangin
Nakatingala ako sa langit habang nakatingin sa mga bituin
***FLASHBACK***
"ang ganda ng langit noh aries?" nakangiting sabi ko habang nakatingin sa kalawakan
Kitang kita dito ang mga kumikinang na bituin sa langit
Nandito kami sa ilalim ng puno sa may garden namin habang kasama ko siya—ang lalaking una at huli kong mamahalin
"diba grade seven na tayo?" tanong niya na ikinalingon ko pero ganun na lang ang gulat ko ng magtama ang ilong naming dalawa
"h-huh? A-ahh o-oo" nauutal kong saad at bahagyang lumayo sa kaniya dahil pakiramdam ko mahihimatay na ako kapag ganun siya kalapit sa akin
Ito ang last day ng vacation namin at bukas first day of school na namin, mararanasan ko na din ang high school life na sinasabi ni mama
"may sumpa ako"
"ano Yun?"
"tuwing titigin ka sa langit tuwing gabi ako ang maalala mo" nakangiti niyang saad at kumindat dahilan lara mapairap ako
Napaka chickboy!
"oo nga isa kang bituin sa langit" malumanay kong saad habang nakatingin sa langit. Kita ko naman sa gilid ng mata ko na ngumisi siya
"bakit?"
"kasi kahit na kitang kita na kita hindi pa rin kita kayang abutin"
Natahimik siya sa sinabi ko.matagal na akong may gusto sa kaniya pero para sa kaniya kapatid lang ang turing niya sa akin
Ngumiti ako sa kaniya para sabihing biro lang
"ikaw? Anong bagay ang mahahalintulad mo sa akin?" tanong ko sa kaniya at binaling ko ang tingin ko sa kamay ko na nakadapo sa damu
"lubid" maiksi niyang saad at hinawakan ang buhok ko at bahagya niyang hinila"bakit?"
"kasi ikaw ang lagi kong nakakapitan" sabi niya at malakas na hinila ang buhok ko dahilan para mapahiga ako sa mga hita niya
"tsk.....pwede mo ngang kapitan pero hindi naman pangmatagalan" sabi ko sa kaniya ay umirap
Kita ko naman ang pagdaan ng gulat sa mga mata niya
Kahit na mga bata pa kami parang matanda na kami magisip dahil kay mama
"wag mo kong iiwan" malumanay niyang sabi na ikinatulala ko
Ano ibig niyang sabihin?
***END OF FLASHBACK***
napabuntong hininga na lang ako sa naalala
Tsk..malala na ako
Akmang baba na ako ng bigla na lang sumulpot si vicky sa tabi ko dahilan para muntik na akong mahulog
Sinamaan ko siya ng tingin pero ang loka loka tinawanan lang ako
"tsk...di pa kayo nagpapasalamat sa akin! Mga letche kayo! Pagkatapos ko kayong itakas wala man lang oa thank you!" bulyaw ko at tuluyan na nga akong nakababa
Umupo kami sa upuan sa gulid nun at tumungga ng beer
"so...kailan tayo babalik?" tanong ko sa kaniya dahil isang linggo na kaming nandito sa resort na toh na pagmamayari nila bea
"bukas" maikli niyang saad at ngumisi
Siguro may balak toh bukas?? Monday bukas kaya ano naman kayang plano ng lukaret na toh??
Napataas agad ang kilay ko dahil sa mga ngiti. Isang ngiting demonyo
"anong ngiti yan?"
"isang ngiting hindi hindi niya makakalimutan" napangiwi na lang ako ng kinagat niya ang labi niya at bigla na lang tumawa na parang baliw
_________________
So....wazupp guys! Sorry sa mga wrong gramars and spelling
and sorry sa mga ibang words hehehehe! Peace! Enjoy!

YOU ARE READING
Secretly Showing My Love For You [COMPLETED]
Novela JuvenilAko na ang nagfirst move, ikaw na ang bahala kung gusto mong magsecond move pero kapag nagsecond move ka magsisimula na akong umasa --------------------- Zup! Guys! Hehehehe basahin nyo na lang po kung trip nyo din po! Hehehe Love you all!! Gob ble...