NATHALIE ZIN'S POV
"ayos ka lang?" tanong sa akin ni trinity na ikinainis ko
"ikaw barilin ko, tignan natin kung ayos ka lang" naiinis kong saad sa kaniya
Pano ba naman kasi! Sila thres at dos may away! Hindi lang yun simpleng away! Dahil nakasalalay 'daw' ang buhay ng mahal ni dos! Tapos nabaril pa ako nung isang araw! Kanina lang ako nagising! Tapos yung mga kaibigan ko! Randam ko yung takot nila sa akin at hindi na sila katulad ng dati!
Hindi na nga nila ako inaasar katulad ng dati!
Tapos kanina pa tong batang toh! Yakap ng yakap sa akin! Yung alaga ni trinity!
Napatingin kami sa pinto ng marinig naming magbukas yun at pumasok dun ang mga makukulay na tao
"hello! Master!! Nabaril ka daw??" energetic na saad ni blue at dumamba sa mga hita ko kaya nadaganan niya yung alaga ni trinity
Kasalukuyan akong nakaupo sa kama sa isang private room. Nandito rin ako sa hospital na pagmamayari ni lola, mad matutukan daw kasi ako dito kaya nilipat ako dito habang natutulog ako
"masaya ka pa eh noh?? Pano niyo nalaman na nadito ako?" tanong ko sa kanila at kumagat ng mansanas na binigay ni azul
Buti pa tong si azul maayos kausap! Samantalang toh si blue! Haistt! Nevermind!
"pinadala kami dito ni dos! Tinatanong niya kung 'ano daw mas masakit mabaril o ipaglaban ang taong hindi ka naman maalala' sabi niya! bwhaahahahahha!!" mahabang saad niya at tumawa ng tumawa at nakisabay na din sa pagtawa sina gray, red at trinity
Wow! Sino amo nila?? Ako o si dos??
Tinulak ko si blue dahilan para mahulog siya at agad kong niyakap yung batang sawa
"bad sila ah! Wag mo silang pakikinggan" sabi ko sa bata at tango lang ang sagot niya at niyakap na ako
Problema netoh??
Asaran at kulitan ang nangyari sa buong kwarto at napuno ito ng halakhak at tawa namin pero ganun na lang ang gulat namin ng biglang bumulagta si gray sa sahig!
Napatingin ako sa sumuntok at nakita ko dun sila aries!
Break na sila gino at vicky dahil pinapili ni gino si vicky, ako ba o siya. Eh pinili niya ako. Alam ko naman na hindi lang yun yung dahilan eh, gusto niya maibigay yung magiging kasiyahan ni gino na alam niyang hindi niya maibibigay
Nandito sila aries, martin, steve, gino at bea
Agad napataas ang kilay ko ng makitang aambahan pa ng panibagong suntok ni aries si gray
"hayup ka! Ang lakas ng loob mong magpakita dito! Pagkatapos mo kaming kidnapin! Ang kapal ng kalyo ng mukha mo!" sigaw ni aries na ikinatawa ko
Napatigil silang lahat sa pagaaway ng biglang pumagitna si trinity at walang kahirap hirap na pinatumba si aries na ikinabangon ko
Wala pang ilang segundo ay nasa harap na ako ni trinity at hawak ko siya sa kwelyo
Sa aming magkakapatid ako ang pinakamabilis kaya walang kahirap hirap sa akin ang mga ganitong bagay pero mahina akong sumuntok. Si dos naman mabagal pero sobrang solid manuntok pero si thres au pareho. Mabilis at malakas pero.....pake ko??
"wag na wag" bulong ko kay trinity na ikinatawa niya pero maya maya lang ay naramdaman ko na naman ang sakit ng likod ko
Bumuka ata tahi ko!!
Dahan dahan akong bumalik sa kama agad na bumalik sa dati kong pwesto na parang walang nangyari
"tsk....wag maingay" sabi ko at nilaro yung bata buti nga di nahulog kundi masasaktan siya
"uno! Bakita nandito yang mga yan! I dont fucking understand! Tapos may sinama pa siyang mga kasabwat!!" bulyaw sa akin ni aries na ikinangiwi ko
"you dont have to understand" kalmadong ko sabi sa kaniya dahilan para mainis siya at mag walk out
Galit ka na niyan??
Sumunod din sila martin at gino sa labas
Tsk....wala lang dito si vicky eh!!
"gaga ka uno! Ginalit mo sila!" pang aasar ni bea sa akin na kinairap ko lang
"di ka lang pinili eh" pangaalaska ko sa kaniya dahilan para irapan niya ko na tinawanan ko lang
Nakauwi na silang lahat maliban kay black na ngayon ay nakatingin sa akin gamit ang blanko niyang tingin
"may sasabihin ka?" tanong ko at sumubo ng ubas
"bakit binigyan mo kami ng schoolarship? Tirahan? Pera? At kung ano ano pa? Pagkatapos ka naming dakipin bibigyan mo kami ng ganun?? Nagtataka pa rin ako hanggang ngayon eh, sabi mo gusto mo lang magthank you? Ano yun nagtha-thank you ka dahil kinidnap ka namin? Ano ba toh gaguhan? Tapos sabi mo din ang kapalit lang nun at loyalty? Ano ba talaga ang gusto mong gawin?? Ano ba ta—" agad kong tinaas ang kamay ko para patigilin siya
Daming tanong eh! Isa isa lang kasi!!
"okay....easy lang, sasagutin ko lahat ng tanong mo" sabi ko at tinabi yung lalagyanan ng ubas sa gilid ko at uminom ng tubig
"una, kaya binigyan ko kayo ng schoolar ship dahil sa tatay ninyo. Actually sa kaniya dapat ako magpasalamat pero nalaman kong patay na siya tapos yung nanay niyo naman patay na rin kaya sainyo ko na lang binigay yung pagpasalamat ko. Pangalawa, sinong tangang magpapasalamat dahil kinidnap?? Nasan siya?? Papatayin ko" mahabang kong sabi na ikinatango niya pero maya maya lang ay nag tanong na naman siya
"anong connection mo kay papa??" napabuntong hininga ako dahil sa tanong niya
Ang pamilya ko at sila bea at vicky lang ang nakakaalam kung ano yun pero tingin ko karapatan niyang nalaman??
"nakidnap ako nung bata ako, tapos....ayun din yung unang besses na nakapatay ako ng ta—"napatigil ako sa pagsasalita ng may maramdaman akong presensiya ng isang tao sa likod ng pinto
Isang pamilyar na presensiya. Aries
Bumuntong hininga ako at nagpatuloy
"—ng t-tao tapos naglalakad k-kami ng tulungan kami ng t-tatay mo na m-makatakas. Sa lahat ng tao na d-dumakip sa amin, y-yung tatay mo lang ata ang nakonsensiya" pagpapatuloy ko pero damn. Nauutal ako!
Kailangan kong magingat dahil alam kong nanjan lang siya at nakikinig at ayokong maguluhan siya
"kami?? Kung ganun may kasama ka ng nga panahon na yun?" tanong niya na ikinatawa ko
Law ang kurso na kinuha niya, ano pa bang ieexpect ko from a law student like him
"bagay ka talagang maging abogado" papuri ko sa kaniye pero gusto ko lang talaga malihis ang usapan pero nakahalata siya
"thank you pero wag kong ilihis ang usapan, kung kila blue, red at gray ay gumagana yan pwes ibahin mo ako. Sino yung kasama mo noon?? Bakit ayaw mong sabihin??" tanong niya at lumapit sa paanan ng kama ko at pinaninkitan ako ng mata
Sarap tanggalan ng schoolarship ang puta!!
"fine!........he's my first and last love" sabi ko na ikinatango niya
"ah...so siya pala?? Si ar—" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng batuhin ko siya unan na tumama sa mukha niya
"—ano ba!!?"
"o-oo, tama si a-arsie" sabi ko sa kaniya at bumuntong hininga
Muntik na...
YOU ARE READING
Secretly Showing My Love For You [COMPLETED]
Teen FictionAko na ang nagfirst move, ikaw na ang bahala kung gusto mong magsecond move pero kapag nagsecond move ka magsisimula na akong umasa --------------------- Zup! Guys! Hehehehe basahin nyo na lang po kung trip nyo din po! Hehehe Love you all!! Gob ble...