CHAPTER 31

24 1 0
                                    

NATHALIE ZIN'S POV

bagong taon pero di ko maramdaman dahil sa away ng pamilya ko

At nang dahil dun sa away na yun, galet galet daw muna sabi ni thres

Pero netong mga nakaraang araw ay lagi akong nananaginip ng masama kaya parang ayoko ng matulog dahil ayokong malaman kung ano yun pero meron pa rin sa akin ang gustong malaman kung ano bang meron dun kaya minsan matutulog ako

Its full of blood.

Dead bodies.

Gun.

Katana.

And flatlines.

Ohh!! Shit!! Kukunin na ba ako?? Kaya ko toh napapanaginipan??

Its already night pero heto ako nakaupo pa rin sa lapag at nakatingin sa laptop ko

Si aries nasa taas na at nagpapahinga, lasing kasi siya pero ako hindi ako makatulog

Kasama ko sila aries, steve, gino kanina at nagcelebrate sila dito sa condo ni aries at wala dito si thres dahil minamanmanan niya na ng personal ang mga garcia

Nalaman ko na busy ang mga parents nila kaya kami-kami na lang ang nagcelebrate para salubungin ang bagong taon

Natalo na naman ako sa bato bato pick kaya sa sala ako matutulog

Pakiramdam ko, may kulang sakin, pakiramdam ko may nawawala, pakiramdam ko wala ako

Hindi ko magawang ngumiti ngayon at mas madalas na akong tulala napabuntong hininga na lang ako wala sa sariling tumayo at nagtungo sa kwarto

I have to stop this nonsense para matulungan ko na sila dos

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

sa isang madilim na kwarto ay natutulog ang binatang lasing dala ng alak at maya maya lang ay pumasok ang isang babaeng walang wala, pagod na pagod

Umupo ang babae sa lapag sa gilid ng kama kung saan nakaharap ang lalaki
Hinawakan ng babae ang mukha ng lalaki hinalikan ito sa noo dahilan para malipungatan ito

Nanatiling tulog ang katawan ng lalaki pero gising na gising ang diwa niya

"aries. Im sorry, im sorry for ruining your life. I just want to be with you again, i love you. Nakalimutan mo man ako pero ako hinding hindi kita makakalimutan dahil mahal na mahal kita"naluluhang saad ng babae sa lalaking akala niya ay tulog

Gusto man gumising ng lalaki at yakapin ng mahigpit ang babae ay hindi niya magawa. Parang nakakulong ang kaluluwa niya sa loob ng katawan niya at hindi siya makagalaw

'uno, anong ibig mong sabihin?' tanong ng lalaking nakahiga sa kama at parang nasa ilalim ng mahika dahil sa kondisyon niya

"i love you aries. Mahal na mahal. Malaya ka na, pinapalaya na kita. Pwede na kayong magpakasal ni galey, wala ng kasal. Tinigil ko na. Sana maging masaya ka na" bulong ng babae sa lalaki habang ang mga luha niya ay tuloy tuloy sa pag agos

Lumayo ng bahagya ang babae sa lakake at pinunasan ang mga luha niya at pinakalma ang sarili bago sabihin ang mga salita sa isip niya na hindi niya akalain na masasabi niya 'ayoko na, tapos na, wala na, ayoko ng mabuhay' mapait siyang ngumiti at sa huling pagkakataon ay hinayaan niya na maglandas ang mga kamay niya sa mukha ng binata at hinahayaan itong kabisaduhin ang bawat sulok ng mukha nito

Nang matapos siya ay niyakap niya ang mga tuhod niya at pinatong ang kaniyang baba sa kaniyang tuhod at hinayaang pagmasdan ang maamong mukha ng binata

Napatigil siya sa pagtitig sa mukha ng binata ng tumunog ang kaniyang telepono kaya agad niya itong sinagot para di na makagawa ng ingay

[uno, track my location and help me] saad ni dos sa kabilang linya, kambal niya at agad na pinatay ang tawag

Napabuntong hininga siya at muling sinulyapan ang lalaking mahal niya simula pagkabata, ang lalaking sinisigaw ng puso niya, ang lalaking minahal niya ng lubusan pero hindi niya makakatuluyan

At sa huling sandali naramdaman ng lalake ang malambot na labi ng babae sa kaniyang mga labi. Bumilis ang pintig ng puso ng lalaki nang maglapat ang kanilang mga labi, pakiramdam niya ay parang hinihigop ang buong kaluluwa niya at nagsisimula ng magulo ang buong sisyema niya

Samantalang ang babae naman ay kabaliktaran ang kaniyang nararamdaman dahil alam niyang ito na ang huli at nadudurog ang puso niya sa isiping mawawala nang muli ang kaniyang unang pagibig

Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay mapait na ngumiti ang babae at muling bumulong

"see you soon, sana maging masaya ka na. Mahal kita hanggang kamatayan"

Tuluyan ng nakalabas ang babae sa kwarto, dala dala ang dalawang baril

Habang ang lalaki naman ay nasa nakahiga pa din at naguguluhan ngunit isa lang ang alam niya, masaya siya sa hindi malamang kadahilanan

Ngunit kasabay ng pagdiriwang ng kaniyang damdamin ay hindi niya alam na yun na pala ang huli

Dahil kasabay ng paglabas ni uno sa pinto ay ang pagkawala ng buong villareal at hindi na muling nakita pa at ang pagdanak ng dugo. Dugo ng babaeng walang ginawa kung di mahalin siya

Secretly Showing My Love For You [COMPLETED]Where stories live. Discover now