FINAL CHAPTER

42 1 0
                                    

NATHALIE ZIN'S POV

nagsimula na akong kumanta habang nagtitipa sa piano at kita ko ang pagtayo ng karamihan para sumayaw kahit ang groom at bride ay nakikisayaw na din sa gitna

Karamihan sa mga dumalo ay mga kaibigan ni aries sa negosyo at ang iba naman ay mga classmate namin nung elementary at yung iba siguro classmate niya nung high school? Nandito din yung ibang mga relatives nila aries at yung nanay ni galey pero...pake ko?? Ikakasal din ako sa hinaharap kaya hindi ako maiinggit

Habang kumanta ako ay nagtama ang mga mata namin ni steve na ngayon ay nakakrus ang mga braso at nakatingin sa akin

Nginitian ko siya na ikinatango niya pero maya maya lang din ay tumawa din siya at lumakad patungo sa direksyon ko

Nang makatapat na siya sa pwesto ko ay umusog ako ng kaunti, inviting him to sit beside na agad din naman niyang ginawa

"ako na" bulong niya sa tenga ko na ikinapula ko

Tae! Ramdam ko yung labi niya sa tenga ko! Shett!!

Kinuha niya yung mike at siya ang nagpatuloy sa pagkanta na ikinamangha ko

At habang nagtitipa ako ng piano ay di maiwasang ngumiti dahil ang lalake na ng pinagbago nilang apat

Mula sa mga pagiging loko loko ay parang naging isa silang respetadong mga bussinesman na akala mo walang ginagawang mga kalokohan nung college. Sigurado ako kapag nagkaanak kami ni steve magiging maganda ang bo—ha?? Ano daw?? Sino nga ulit magkaka anak??

Pinilig ko ang ulo ko para maalis ang kung anong maduming bagay ang pumapasok sa isip ko. Tskk....na broken ka lang uno! Di ka pa nasisiraan ng bait!

Nang nililibot ko ang tingin ko sa buong paligid ay nahagip ng mata ko si maureen na ngayon ay kinukuhanan kami ng litrato ni steve at nang makita niya akong nakatingin sa kaniya ay bigla niyang binaling sa iba ang camera niya na ikinatawa ko

Baliw talaga.

Nang muli kong nilibot ang paningin ko ay nakita ko naman si andrei na nakaupo sa isang sulok habang sumisimsim ng alak at mariing nakatingin kay maureen na pinagtaka ko

Problema netoh?? Remember andrei?? Andrei dela tore?? Ang isa sa mga kilalang negosyante at ang nagnakaw ng first kiss ko! Pero....pake ko?? Ang mahalaga ay yung pano huli diba??

Natapos ang kanta pero patuloy pa rin sila sa pagsasayaw sa gitna

Nang lumingon ako kay steve ay ngumiti siya sa akin at ngumisi ng nakakaloko

Bago ako muling nagtipa sa piano at ang tittle lang naman ay 'the one that got away'

"summer after high school, when we first met

We make out in your mustang to radiohead

And on my eighteen birthday, we got matching tattoos

Used to steal parents liquor and climb to the roof

Talk about our future like we had a clue

Never planned that one day i'd be losing you" kanta ni steve sa umpisa na ikinatawa ko pero yung iba na sumasayaw sa gitna ay sinamaan kami ng tingin pero yung iba natatawa lang at yung iba naman ay patuloy lang sa pagsasayaw

Ngumisi ako at sinimulan kantahin ang chorus

"in another life, i would be your girl

We keep all our promises, be us against the world

In another life, i would make you stay

So i dont have to say you were the one th—" hindi ko na natapos ang pagkanta ko ng may lumipad na plato papunta sa akin at nakita ko dun ang masamang mukha nila martin at gino na tinawanan ko lang

Secretly Showing My Love For You [COMPLETED]Where stories live. Discover now