CHAPTER 16

23 1 0
                                    

NATHALIE ZIN'S POV

Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko at malabo ang nakikita ko pero may naaaninag ako na lalaking nakaupo sa kabilang puno at nakatingin sa akin

Hindi ko makita ang lalaki dahil nga malabo ang mukha niya

Kinuha ko ang lalagyanan ng contact lense ko at sinuot

Nang maisuot ko na iyon ay unti unti ng nag-aadjust ang paningin ko at nakita ko dun si gino na nakatingin sa akin

Tinaasan ko siya ng kilay dahil para niya akong papatayin sa mga tingin niya

"problema mo?" tanong ko sa kaniya at prenteng sumandal sa puno habang siya ay mas tumalim ang tingin sa akin

"bakit mo siya dinukot!? Kasalanan mo toh eh! Kung hindi mo siya kinuha edi sana okay pa kami!" sigaw niya at wala pang ilang segundo ay nasa harapan ko na siya at hawak ng mahigpit ang braso ko

Walang kahirap hirap na inalis ko ang mga kamay niya at tumayo

Tinignan ko siya ng blangko pero siya mas tumalim ang tingin sa akin

Kailangan ko si dos!

Umalis ako sa harap niya at tinawagan si dos

~~calling dossy pussy~~

[hello?] sagot niya at ngayon ay papunta na ako sa parking lot pero ramdam ko na sinusundan ako ni gino

Tae! Ang creepy niya!

"dos....available ka ba? Kailangan ko ang tulong mo" sabi ko sa kaniya at rinig ko ang di makapaniwalang tawa niya sa kabilang linya

[woah! Si uno the great! Nanghihingi ng tulong sa akin? What yhe fuck! Magpapamisa na ba ako? O mag papakain na ba ako?] natatawa niyang saad napairap naman ako dahil sa kayabanan niya

"tsk...ano pwede ka ba?" naiinip na tanong ko sa kaniya

Nakarating ako sa motor ko at dun ko lang napansin na motor ko at kotse ni gino na lang ang natitira

Tsk...di man kang ako hinintay ng mga loko

[siyempre oo! First time mo tong manghingi ng tulong sa akin kaya dapat hindi ko toh pinapalagpas! Grabe uno! Mailalagay ko toh sa history book!] sabi niya at tumawa, napairap na lang ako dahil sa kaniya. Kung di ko lang talaga kailangan ng tulong niya hinding hindi ko siya tatawagan

"okay then. I send you the location" sabi ko at bago ko patayin ang tawag ay rinig ko pa ang pagtawa niya at pag asik niya

Sigurado naman ako na nasa bahay na toh dahil gabi na

Hayss! Di na pala ako nakapasok sa mga klase ko

Tinignan ko ang location nila vicky at nakita ko na nasa numero's club sila

Sinabi ko sa mga tao ko sa bar na yun ay dapat may special treatment sila vicky at bea pati na rin ang mga kaibigan ni dos

Sinend ko na ang location ni vicky kay dos at alam kong papunta na yun

Oo. Nilagyan ko ng tracking device ang mga cellphone ng kaibigan ko. Bakit masisisi niyo ba ako kung madalas silang nasasabit sa gulo?

Lalo na ngayon na nakauwi na pala ang kuya ni vicky kaya alam kung mas madalas pa siyang mapapasama sa gulo

Nakarating ako sa bar at pagpasok ko pa lang sa loob ay parang gusto ko ng sapakin si tristan

Dahil sa pamamahala niya ay aaminin ko malakas ang kita ng bar at pwedeng pwede na akong magpatayo ng panglawang branch neto

Pumunta ako aa second floor at nakita ko sa baba si vicky na nakikipagsayaw sa ibang lalaki sa baba

Nahagip naman ng mata ko sila aries kasama yung couple at si steve at galey

Nagiinuman ang mga nangiiwan! Tsk...paalisin ko kaya ang mga toh dito??

Napatingin na lang ako kay dos ng tumabi siya sa akin at nagabot ng alak

Hindi namin tinatago na triplets kami hindi rin namin yun sinasabi. Its for them to find out

"ayun si vicky" turo ko kay vicky sa dance floor "at ayun si gino" turo ko kay gino sa isang sulok ng bar

Kung hindi ko kang talaga kilala si gino ay mapagkakamalan ko siyang killer dahil ang dilim ng mukha niya at nakakuyom ang kamao habang nakatingin dun sa lalaki na nakikipagsayaw kay vicky

"wow! Gwapo ng prince charming ng kaibigan mo ah!" sabi niya at tumungga ng alak

Napatingin ako sa kaniya ng may kinausap siyang gwapong lalaki at binigyan niya yun isang halik! Hindi lang isang halik! Dahil napaka tindi nun! Never pa nga akong nakipaghalikan ng ganun! For pete's sake!

Nang makabalik na siya sa tabi ko ay nakangisi na siya at pinapanood yung lalaki na palapit kay vicky

Agad ko siyang binatukan at kinurot sa tahiliran dahil sa kalandian niya!

"ah! Ano ba? Inaano kita?" asik niya sa akin. Sinaman ko siya ng tingin

"ano yun? Bakit ka nakikipaghalikan?" sabi ko sa kaniya. Inirapan niya ako at asar na iminom ng alak

"basta! Wag mo na alamin!" pinanliitan ko siya ng mata

"san mo natutunan yun?" bigla naman siyang naubo sa tanong ko at nahihirapang tumingin sa akin

"wag mo na alamin" sabi niya at bahagyang lumayo sa akin

"i want to play" nakangisi niyang saad at umalis

Napakunot ang noo ko at sinundan siya ng tingin at ganun na lang ang panlalaki ng mata ko ng pumunta siya sa tale nila aries at kumandong siya kay steve??

Kita ko ang pagkabigla ni steve pero si dos ay nilagay niya ang dalawang kamay niya sa balikat ni steve at bumulong siya kay steve dahilan para matawa silang dalawa

At mas lalo pang nanlaki ang mata ko ng halikan ni dos si steve!

Natigil ang lahat sa table nila at nakatingin lang kila dos at steve

Kita ko ang pag 'oohh' nila martin at bea habang si aries naman ay nakatingin lang at....nakakuyom ang kamao??

Di na ako nakapagpigil pa na bumaba ng makita ko na nagsisimula ng lumikot ang kamay ni steve

Nang makarating ako dun ay agad kong hinila ang buhok ni dos  dahilan para mapatayo siya

"tangina ka! Steve wag ang kapatid ko!" duro ko sa kaniya at kita ko naman ang lihim niyang pagngisi

"why not? Edi ikaw na lang" nakangisi niyang saad at lumapit sa akin

Ilang inch na lang ang lapit ng mukha niya sa akin pero di ako lumayo

"gusto mo ko?" nangaakit na tanong ko sa kaniya. Kita ko naman na mas lumawak ang ngisi niya at bahgyang tumango

"oo. Gustong gusto" sabi niya at mas nilapit ang mukha sa akin pero ako lumihis ako at bumulong sa tenga niya

"in your dreams" bulong ko at lumayo. Parehas kaming natawa at inakbayan niya ako at inaya ako sa labas. Rinig ko pa ang sigaw ni dos na ikinatawa naming dalawa

"gumamit ng kapote para di madisgrasya!"

Secretly Showing My Love For You [COMPLETED]Where stories live. Discover now