CHAPTER 4

22 4 0
                                    

Its already 2 a.m yet Im still up darn it! Naka limang baso na ako ng milk pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Kasalanan ito ng tisoy na yun e

"Kasalanan mo to self! Kung hindi ka kasi isa't kalahating tanga e!" asik ko sa sarili ko, paano kung may gawin siyang... arrrghhh subukan niya lang ifa-flying kick ko talaga yung pagmumuka niya

Sinalpak ko nalang yung earphones sa tenga ko saka nag soundtrip baka sakaling ito ang makapag-patulog sa akin. Hindi nga ako nabigo dahil wala pang 30 mins. ay hindi ko na namalayan ang sarili kong makatulog

Kinaumagahan gulat na gulat ako sa biglaang pagtunog ng malakas na ring sa tenga ko dahil nakasalpak parin pala ito sa tenga ko "darn it!" usal ko


Nang tignan ko ang phone ko ay napabalikwas ako ng tayo, Chineck ko yung calendar sa phone ko "March 18, 2020" Darn it! Nawala sa isip ko ang birthday ni Des!

Agad agad akong nag ayos nang hinigaan ko saka naligo para pumunta sa mall, ayysh wala pa akong gift for her

Saktong paalis na ako ng condo nang tumawag si ash

On call:

"Jaim, where are you?" she asked

"Im on my way to mall ash need to buy some present for des, I forgot kasi ayysh" mahabang paliwanag ko

"I see, we're on our way there na rin e, sunod ko nalang sa condo ni des okay?"

"Okay 'gotta go ash, see yah later" then I hang up the call


Tumakbo ako pababa ng building then nag abang ng taxi, agad din naman akong nakasakay at bumaba sa SM Cauayan, Tumingin tingin ako ng pwede kong iregalo kay des pero naka ilang ikot na ako ay wala parin akong makita na pwedeng iregalo


Naalala ko naman na mahilig siya sa make-up kaya nagtungo ako agad sa shop ng mga make-up para tumingin doon, kaya lang hindi ako marunong tumingin ng magandang make up darn it babae ako but it's not my thing, wala akong interes sa mga kolorete sa mukha. Tinawag ko yung isang staff nila doon saka ako nagtanong kung alin ang pinaka magandang quality ng make up ang meron sila


Inassist naman ako kaagad nung isang saleslady nila na sa tingin ko ay nasa middle 20 ang age, matangkad ito at ayos na ayos ang mukha

Humarap siya saakin saka ngumiti at nag-umpisa nang ipakita saakin isa-isa ang mga make-up products na nandoon, may lipstick, foundation, eyeshadow palette at kung ano ano pa na hindi ko na matandaan ang pangalan


"Ma'am we have our special promo for summer , if you avail our limited edition MAC eyeshadow palette, you'll have a free make-over" paliwanag nung saleslady
Pinag-isipan ko naman kung iaavail ko iyon, since birthday celebration naman ni des ang pupuntahan ko hindi naman siguro masamang mag-ayos din ako


Sa huli ay yung limited edition MAC eyeshadow palette na by 15 ang binili ko. Paalis na ako ngayon sa shop na binilhan ko at nakaayos na rin ako, tinawagan ko naman si kuya bryce para magpasundo

kasi naman I can have my own car anytime but kuya bryce won't let me drive ayysh he's still babying me 'till now, hindi naman na ako umaangal kasi I know that he's just 'doing it for my own sake


After almost 20 mins. ay nakarating na siya dito sa mall gamit ang yellow porsche nya, agad naman siyang bumaba ngunit kunot noong tumingin saakin habang pinagbuksan ako ng pinto. Nang makapasok na kaming pareho ay kotse ay pinaandar nya ito ngunit seryoso parin ang mukhang nakatingin sa daan


She was bland (On going)Where stories live. Discover now