Natutop ni Des ang kaniyang sariling bibig sa ginawang eksena ni kuya bryce. Napuno naman ng tilian ang buong hall dahil doon habang ang mga kaibigan namin at mga pinsan ni des ay sumisigaw pa ng “yeeeeees”
Luminga-linga pa si Des sa amin at nag thumbs up naman kami sign na susuportahan namin anumang desisyon niya. Nang ibaling na ni des ang paningin sa kaniyang pamilya ay seryoso ang mga itong nanunuod kaya’t natahimik ang paligid at tutok na tutok sa magiging reaksyon ng mga magulang ni Des.
Makikita sa mukha ni kuya bryce ang pagiging kabado nang magseryoso ang mukha ng mga magulang ni Des ngunit pinilit parin nitong ipakita ang kaniyang ngiti. Lahat kami ay natuon ang atensyon sa pamilya ni des nang unti-unti ay sumilay ang ngiti ng mga ito at tumango sa kaniya. Ang kaniyang mommy na si tita odessa ay maluha-luha ring nag thumbs up sa anak habang sunod-sunod na tumango na akala mo’y may nag propose na ng kasal sa kaniyang anak.
Matapos iyon ay ibinalik ni Des ang kaniyang atensyon sa lalaking nakaluhod sa kaniyang harapan habang maluha-luhang nakangiti na rin. Hinawakan ni Des ang dalawang kamay ni kuya bryce at magkakasunod na tango ang isinagot nito.
Tumayo na rin si kuya bryce saka nito isinuot sakaniya ang kwintas pagkatapos ay niyakap habang lumuluha sa tuwa. I’ve never seen my brother like this before, It’s like he got the most precious thing in the world, napakasaya niya and I’m more happy to see them like this. Kahit si des ay mababakas din ang labis na tuwa sa kaniyang ekspresyon. They’re lucky with each other and one thing for sure is I’ll be their number one supporter.
Taltong oras na ang nakaklipas at natapos na din ang 18 roses, 18candles, 18 treasure at madami pang 18 something na hindi ko na rin matandaan, dahil sa 18 candles lang naman ako kabilang kaya iyon lang ang naaalala ko. Mag-isa na lamang ako dito sa table dahil nagsialisan ang mga kaibigan ko at may kani-kaniya silang mga date. Ayysh, habang ako mag-isa dito umiinom ng juice dahil ayoko na ng alak. Nadala na ako sa nangyari nung isang gabi darn, ayoko na ulit malasing. Baka kung anong kahihiyan nanaman magawa ko pag nagkataon.
“Hi miss, would you mind if I join you here? Mukha kasing nag-iisa ka eh” Nakangiting sabi ng lalaking lumapit sa table namin, Matangkad din siya at maputi, singkit ang kaniyang mata na halos mawala na sa pagkakangiti niya. He’s cute tho ngunit isang bagay ang napansin ko sakanya. May kaunting kayabangan sa kaniyang katawan dahil hindi pa man ako pumapayag ay naupo na siya sa tabi ko na ani mo’y close kami kung umasta.
“by the way I’m Lance” Proud na pagpapakilala niya sa sarili niya saka kinuha ang kamay ko saka nito iginitna sa magkasaklop niyang mga kamay. Napaka-presko, hindi manlang inantay na ako ang kusang makipag shake hands sa kaniya
Pilit at naiilang akong ngumiti kahit na sa loob-loob kong naaasar na ako sa ginagawa niya
“Jaimee” maikling tugon ko nalang din dahil baka isipin niyang bastos ako. Matapos niyon ay pilit kong inagaw ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Nang mapansin niyang naiilang na ako ay natawa pa siya at saka binitawan iyon.
“Sorry na-starstruck lang kasi ako sa angelic beauty mo, your name fits you very well” pambobola pa niya na mas lalo kong ikina-ilang
“Thanks” Maikling sagot ko parin, sinasadya kong sagutin ng maiksi ang bawat sasabihin niya para mabored siya at nang lubayan na niya ako dito.
Nang lumapit ang waiter na may dalang hard liquor ay agad itong kumuha ng dalawang glass saka inilagay sa mismong harapan ko ang isa.
“No thanks, I don’t drink hard” kaswal at tipid ang ngiting tanggi ko sa drinks na kinuha niya para sa akin
YOU ARE READING
She was bland (On going)
Non-FictionJaimee Briella Dominguez is an excellent student at St. Vincent Academy, she isn't that girly type because she grew up surrounded by boys. During her summer break vacation she will meet this green eyed jerk (Brendt Kleine Mullen) and eventually chan...