CHAPTER 15

5 3 0
                                    


Villa Thalia here we come!

Sigaw ng mga kaibigan ko habang bitbit ang mga maletang dala nila.Ang o-oa samantalang ako isang bag lang ang dala ko at isang pares ng sapatos, kala mo naman ilang buwan silang mag-iistay dun, eh tatlong araw lang naman ang stay namin doon. Akala ko ay kaming dalawa lang ni kuya Bryce ang uuwi sa San Miguel pero nanlumo ako nang malaman na kasama pala silang lahat pati na si Brendt na ipinakiusap pa ni Des kay kuya para lang maka-sama dahil wala daw itong kasama sa condo niya kung maiiwan siya ng mag-isa at aalis kami. Kaya labag man sa kalooban ni kuya bryce ay pumayag ito dahil girlfriend na niya ang nakiusap. Wala na rin akong nagawa kundi manahimik nalang at makiramdam kung papansinin nila ako, okay na rin naman ako at tanggap ko nang hindi talaga para sa akin si Addie. Susuportahan ko nalang siguro siya sa gusto niya.


Nag-aayos na ngayon ng mga gamit sa sasakyan naming pick-up ang mga boys habang ang iba ay nagsisipag-picturan sa labas. Mag-isa ako dito sa loob ng sasakyan kaysa naman ma-out of place pa ako sakanila doon, nag-soundtrip nalang ako habang hinihintay silang makasakay. Bali dalawang pick-up ang gagamitin namin papunta dun dahil hindi kami kasya kung iisa lang ang gagamitin, Si kuya bryce ang magda-drive dito sa isa at si Addie naman sa kabila.


Hop in guys, aalis na tayo”  Sabi ni kuya bryce sa mga kasama namin at agad naman silang nakinig, pumwesto ako sa gilid, sa may bandang bintana sa likod, katabi ko si ash at sa kabilang side naman si brendt, nasa harap si Des kasama si kuya na siyang magda-drive. Sa kabilang sasakyan naman ay sina Addie, jon, shae, giz, iza at yannie. Nauna kaming umalis habang sila ay nakasunod lang sa amin. Sa kalagitnaan ng byahe ay eto nanaman ang mata kong sinusumpong sa pagka-antukin. Everytime na babyahe kami ay lagi akong tulog kaya wala akong natatandaang kahit ano sa direksyon ng lugar na pinupuntahan namin, maging ang pag-commute sa bus ay hindi ko rin kaya sa edad kong ito.


Halos isang oras ang naging tulog ko at nang magising ako dahil sa ingay ay nasa tapat na kami ng gasolinahan. Nag-stop over pala sila dahil nagugutom na daw ang karamihan sa amin. Hindi na ako bumaba dahil agad naman akong inabutan ni Brendt ng burger at drinks sa loob nang makitang gising na ako. Dalawa nalang kaming naiwan dito sa sasakyan dahil nasa labas ang iba at masakit na daw ang mga pwetan nila sa kakaupo


Do you want chicken?” alok niya sa akin nang makitang naubos ko agad yung burger dahil talagang gutom na rin ako, hindi rin kasi kami nag-agahan nang umalis kami kanina.

Agad kong itinanggi ang mga kamay ko nang ialok niya sa akin ang bagong bukas palang niyang pagkain “a-ah no Thanks, sayo yan eh” nasa chicken parin ang paningin ko at natatakam talaga ako ngunit mas lamang yung hiya ko


C’mon just get it, I don’t want you to get hungry, I have extra burgers here” inangat pa niya ang dalawang burger na nasa side niya, pinaghandaan niya ba ito? Hmm wag tayong assuming jaimee. May konting kilig na dulot sa akin ang ideyang iyon.


Wala na akong nagawa nang ipatong niya sa kamay ko ang buong lalagyan nung kinakain niya, sa sandaling ito unti-unti akong nagiging komportable na kasama at kausap siya. Hindi niya ako iniwan sa sasakyan hanggang sa bumalik na ang mga kasama namin, nagtataka pa sila dahil nadatnan nila kaming nagtatawanan. Ito kasing si Brendt ay kung anu-anong kinukwento sa akin, aliw na aliw naman ako.


Brendt, palit tayo ng pwesto, nahihiya nako istorbohin ka tuwing nawiwiwi ako” ani Ash na nanunuksong tumingin pa sa akin, parang tanga, ayysh maissue talaga ang mga to.


Sumunod agad si Brendt kay Ash na wala manlang karekla-reklamo. Yung matamlay na pagkaka-upo ko kanina ay naging tuwid nang tabihan ako ni Brendt. Parang naging consious ako bigla sa maaaring maging itsura ko lalo na kapag nakatulog ako.

She was bland (On going)Where stories live. Discover now