May kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang tumama ang siko ko sa braso niya nang maupo ako sa tabi niya. What the hell was that? Darn, bakit may kung anong bagay ang kumikiliti sa loob ng tiyan ko? At hindi pa nakuntento dahil nagwawala din ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito.Gusto na nga ba talaga kita brendt? I gazed at his perfectly shaped chin, up to his tamed turquoise green eyes, it wasn’t my first time looking at his face but every time I look at it, it feels like the first time our eyes have met.
“Why? What’s up?” Inosenteng tanong ni Brendt sa akin habang nakikitawa na rin sa kanila kahit na hindi naman niya alam yung tinitilian ng mga girls
“uh nothing, don’t mind them” iiling-iling nalang din siya habang mahinang tumatawa
Umalingawngaw sa paligid ang tunog ng gitara nang umpisahan itong tugtugin ni jon kasabay ng pagkanta ni yannie. Sinasabayan naman ito ng palakpak ng iba pa naming mga kaibigan hanggang sa gumitna ang kanta at nagsi-tayuan ang lahat para sumayaw. Wala na rin akong nagawa kundi sumabay nang abutin ni brendt ang kamay ko para tumayo at makisabay sa trip nila.
Saksi ang nagliliyab na apoy sa gitna kung gaano kaming nagkasiyahan, tinignan ko silang isa-isa, mula kay ash patungo kay des. Ganito pala talaga ako ka-swerte dahil may mga kaibigan akong nakakasama sa kasiyahan man o sa kalungkutan, they are really my treasure.
Inilipat ko ang paningin ko kay kuya at addie na nag-iihaw ng barbeque, Napaka-swerte ko rin pala sa dalawang ito. Yumuko ako para itago ang mapait na ngiting namuo sa labi ko nang isiping binigyan ko ng kahulugan ang pagiging kuya sa akin ni addie na hindi naman dapat bigyang kahulugan. Ngunit ngayon, malinaw na sa akin ang lahat at alam ko na kung ano talaga ang pakiramdam ng inlove, na noon ay wala akong ideya kaya’t akala ko inlove ako sa bestfriend ko.
Ibinaling ko ang paningin ko sa napaka-gwapong nilalang sa harapan ko na masayang sumasayaw. Napaka-ganda ng kaniyang ngiti, nakakahawa. Hindi ko alam kung paano at kailan nag-umpisa ang lahat. This green eyed jerk is driving me crazy. Totoo pala talaga yung sabi nilang you’ll fall inlove with the unexpected person at the most unexpected time.
He’s just an annoying stranger yesterday, yet he’s now my favorite view to stare at. Napaka-bilis, pero paano kung ma-reject lang ako? Handa na ba talaga akong sumugal sa pag-ibig? This will be my first kaya hindi parin maalis ang pag-aalinlangan sa akin.
“Guys barbeque is ready!”
Nagsi-alisan ang mga kaibigan ko para kumuha nung barbeque na iniihaw nila kuya. Naiwan ako sa kinauupuan namin dahil gusto ko lang silang titigan na nagkakasiyahan.
Kulitan, kantahan at kung anu-ano pang kasiyahan ang naganap ng gabing iyon. Madami man kaming hindi pagkaka-unawaan ay isa lang ang kagustuhan ko at yun ay ang manatili sa tabi ng mga taong ito kahit na ano pang mangyari.
Maaga kaming bumalik sa villa kinabukasan ‘coz this will be our last day here in San Miguel at dahil pagod ang lahat ay hapon na nang muli silang mag-silabasan sa kani-kanilang rooms para muling makapag bonding
Nandito kami ngayon sa backyard garden ng villa. May isang maliit itong swimming pool sa gitna at sa may palibot naman nito ay may mga cottage na gawa sa puro salamin, may mga couch sa loob nito at may KTV rin kung saan pwedeng kantahan habang nag-iinuman.Isang cottage lang ang na-okupa namin dahil sadyang pinasara muna pansamantala ni mommyla para daw masolo namin ang lugar. Habang nag-iinuman ang mga boys ay nag-iihaw naman kami ng barbecue ni brendt dahil ang ibang girls ay nasa pool na.
“It’s so nice here huh” Manghang ani brendt
Tumango ako at ngumiti na para bang sinasang-ayunan ko lahat ng sinabi niya “Yeah, way too far from the city” bumuntong hininga ako saka ipinagpatuloy ang sinasabi “This is the only place where I can find peace, maliban sa rooftop” Muli akong lumanghap ng malamig na hangin sa paligid dahil open na ito hanggang sa may forest. Ang tanging nagbibigay lang ng marker kung hanggang saan pwedeng pumunta ay ang mga punong may led lights, sa parteng madilim na ay restricted area na at hindi pwedeng puntahan ng mga guest.
YOU ARE READING
She was bland (On going)
Non-FictionJaimee Briella Dominguez is an excellent student at St. Vincent Academy, she isn't that girly type because she grew up surrounded by boys. During her summer break vacation she will meet this green eyed jerk (Brendt Kleine Mullen) and eventually chan...