CHAPTER 5

23 4 0
                                    


Nauna na kaming umuwi ni kuya bryce dahil pagod na ako sa maghapon at medyo magdidilim na rin

"You okay?" nag-aalalang tanong ni kuya bryce dahil pansin na niya ang pananamlay ko mula pa kaninang pagkatapos namin mag-lunch

"Yeah Im cool" pilit ang ngiting sagot ko

Tahimik na kaming bumyahe pauwi kahit na medyo natagalan dahil sa traffic sa may cauayan city. Nang makarating na kami sa tapat ng building ay agad naman akong ibinaba ni kuya bryce saka na rin siya umuwi. Nagshower lang ako pagkatapos ay dumeretso na sa kama upang matulog, masyadong nakakapagod ang araw na ito

Nagising ako sa malakas at paulit ulit na pagdoorbell ng kung sino man sa condo ko "who the hell was that?" I uttered in a raspy voice as I rubbed my eyes, darn it! It's just 6 o'clock in the morning

Tulog pa ang diwa ko nang naglakad ako patungo sa pintuan at kukurap-kurap paring binuksan ito

"Good morning" kaswal na bati ng isang lalake saakin na nasa tapat ng pintuan ko

Natigil ako sa pagkusot ng mata ko nang tingalain ko ang lalaking nasa harapan ko

DARN IT! BAT ITO NANDITO? Nagising bigla ang diwa ko nang mapagtantong si brendt ang lalaking nasa harap ko natatawa itong nakayuko saakin habang tinitignan ang itsura kong bagong gising, shit naka pajama parin ako at ewan ko kung may muta pa at nanigas na laway sa muka ko. Agad akong tumakbo sa banyo para maligo.

Ano ba kasing ginagawa nung tisoy na yun dito ang aga-aga. Mahigit 30 minutes akong nagbihis sa banyo bago lumabas ng naka-tuwalya parin ang buhok

Naabutan ko siyang nakatayo na sa may kitchen island at may kung anong hinahanda, pumunta lang ba siya dito para makiluto? Ayysh istorbo sa tulog

Nilampasan ko lang siya sa kitchen at dumeretso na sa kwarto para mag blow dry ng buhok

Paglabas ko sa kwarto ay nakahain na sa dining table ang mga niluto niya at hindi ko maikakailang mabango ito

"Did you just bother me from sleeping for this? Seriously?" nakangiwing sabi ko sakanya

"Your brother asked me to fetch you" kaswal parinng sabi niya

"My brother?" turo ko sa sarili ko "as in kuya bryce?" gulat na tanong ko

He nodded, hmm this is so not him, no way! Ang harsh niya sa ibang lalaking umaaligid saakin pero itong tisoy na hindi pa niya lubos na kilala ay pinagkatiwalaan niyang sunduin ako. Darn it! Why not addie instead? lagot talaga sa akin yun mamaya

Nakahain na sa table lahat nung niluto niya, may fried rice, bacon, egg at milk. Did he cooked all of this for me? Hmm nevermind

Habang kumakain ay ikinuwento niya yung dahilan kung bakit napag-utusan siyang sunduin ako. Pinatawag daw si des ng maaga nung event organizer niya para magsukat ng gown para sa party niya kasama ang escort kaya naman hiningan siya ng favor ni des at kuya para sunduin ako.

"I'm full" sabi ko pagkatapos sumubo ng dalawang kutsara ng rice at saka uminom ng gatas.

Kunot noo siyang tumingin sa akin "Do you really eat like an ant? You always seem to have no appetite" nakangiwing tanong niya sa akin "next time I'll cook something more delicious for you" dagdag pa niya


Ahuh! May balak pa talaga siyang bumalik balik dito darn this jerk! "None of your business, besides I don't eat for taste, Im eating for my stomach" Irap ko pa saka ko siya nilayasan

She was bland (On going)Where stories live. Discover now