Kanina ko pa nililibang ang sarili ko dito sa condo dahil summer break na at wala rin akong plan for any vacation, inikot ko ang paningin ko sa paligid at napansin kong magulo ang mga gamit ko. Super hectic kasi ng schedule ko lately lalo na't graduating ako sabay sabay ang mga requirements, thesis at college entrance examination kaya wala akong time para mag linis.
Tinali ko ng pa-bun yung buhok ko, plinay yung speaker saka nag umpisang maglinis. Kasalukuyan akong nagliligpit ng mga kalat na papel sa sahig nang madampot ko ang kulay blue na sticky notes
Teka parang familiar to ah, binasa ko ang laman nito at nangunot ang noo ko sa inis
"Brendt kleine Mullen - 09345678910"
ayshh, that green eyed jerk, naalala ko nanaman kung paano nya ako binadtrip kagabi
Flashback..
Matapos kong ipabalik yung drinks na pinabibigay nung lalake sa may bar ay akala ko magiging tahimik na ang mundo ko
Ilang sandali pa may matangkad na lalakeng pumasok ulit sa room namin at dahil madilim sa parteng iyon ay hindi ko makita ng malinaw kung sino iyon ngunit batid kong isa sya sa mga crew doon dahil suot nya ang uniporme na gaya ng suot nung lalaking nagdala ng drinks saaking kanina
"Hi miss" panimulang bati nya
Malalim ang kaniyang boses at lalaking lalaki , bakas din sa kaniyang pananalita na may foreign accent ito
Nang aninagin ko ng mabuti ang kaniyang mukha ay hindi nga ako nagkamali, may ibang lahi ito, makapal ang kaniyang kilay, mahahaba ang pilik-mata na syang nagdedepina sa malalim at t-teka.. kulay green nyang mata, sobrang tangos ng ilong niya at mapula rin ang kaniyang labi.
Namilog ang aking labi sa pagkamangha sa perpekto nyang mukha
Natauhan nalang ako nang marinig ko syang tumawa ng mahina
"w-what?" pinanlakihan ko sya ng mata dahilan upang bahagyang lumakas ang kaniyang tawa
"are you distracted?" he grinned
"N-no of course not! Ang kapal mo naman" I rolled my eyes saka ngumiwi
"Then why do you keep staring at me?" he smirked annoyingly
"Hoy ikaw tisoy na green ang mata hindi porket gwapo, matangkad at m-may abs ka--- distracted nako sayo" sigaw ko sakanya, sinadya kong sabihin ito sa tagalog para mainis din sya dahil di nya maintindihan yung mga sinabi ko
Hmft quits lang hahshs
"Owhh, so you have a crush on me huh?" he smirked again
Tila binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ko sa hiya ng mapagtantong nakaka-intindi sya ng tagalog
Napapikit nalang ako dahil sa kahihiyan, Darn it! Wrong move jame!
Pero hindi dapat ako magpatalo sakanya inumpisahan niya ito at hindi ako marunong umatras sa laban hmft!"ahh kaya pala pinuntahan mo ako dito, baka naman ikaw talaga yung may crush saken?" nang-aasar kong sabi
Nagulat ako nang yumuko ito at pagpantayin ang aming mga mukha
"If I say YES, what would you do?" bulong nya sa akin sa sobrang lapit ng mga mukha namin ay naamoy ko ang hininga niyang amoy mint
Nataranta ako at tinulak sya palayo
"C-can you please give me some privacy?"
He smirked again saka niya inilapag yung isang baso ng cocktail drink na dala nya sa table doon at naglakad na paalis
Nang tignan ko yung drinks na iniwan nya ay may nakita akong square shaped na nakadikit dito
Binasa ko ito at mas lalong nainis sa nabasa kong nakasulat dito
Dahil sa inis ko ay diretso kong ininom yung drinks na bigay nya, now this is great! Dahil sa lalakeng yan nabahiran ng alcohol ang lalamunan ko for the very first time!
Ughhh! Bat parang umiikot yung nakikita ko? Darn it! di ako makatayo! Malabo na rin nakikita ko
End of flashback...
An hour later nalinis ko na ang buong condo, I decided to prepare breakfast
I opened the fridge at nakita kong ubos na ang stock ko kaya no choice mag go-grocery ako later
I cooked bacon saka isang piece ng egg then fried rice. Mabilis ko naman itong tinapos kainin saka naghanda sa pagpunta ng grocery
---
At the grocery..
Una kong hinanap ay yung sa kitchen necessity ko kaya nagpunta ako sa vegetable section pumulot lang ako ng pumulot hanggang sa wala nakong maisip kunin doon, next is dun sa mga instant food kasi minsan pag gabi tinatamad nako magluto kaya cup-noodles nalang kinakain ko. After ko dun ay nagpunta ako sa mga personal necessities like face powder, alcohol at mga sabon.
One hour later...
Puno na yung cart ko kaya pumila na ako sa counter nang biglang may lalakeng sumingit sakin sa pila aba gago to ah
"hoy mister! Nakikita mo naman sigurong may pila diba hindi ka ba marunong sumunod o baka dika marunong magbasa sabi don oh (please fall in line!)"
Humarap ito sakin ngunit bigla akong nagulat nang makita kung sino ito
Si tisoy na berde ang mata! Darn it! kung minamalas nga naman oh!"Excuse me miss, kung ikaw ang nauna then bakit ako ang nasa harapan mo? So technically I got here first" nakangising sagot niya saka ako tinalikuran na parang walang nangyare
ayshh, this green eyed jerk really annoys me to the max level bwiset panira ng araw! Ayoko na gumawa ng scene kaya diko nalang sya pinatulan
Nang makalabas ako sa grocery store ay bitbit ko ang madaming eco bags ng pinamili ko. Pagtingin ko sa watch ko ay quarter to 12 na pala kaya medyo nagrereklamo na ang tyan ko. Nag decide akong dito na sa mall kakain para di na ako magluluto mamaya sa condo.
Habang naglalakad ay biglang may sumabay sakin saka kinuha ang bitbit kong eco bag napapikit nalang ako sa inis nang marealize ko kung sino ito ayyysssh si tisoy nanaman kailan ba ako lulubayan ng ulupong na to!
"Excuse me, bat mo kinuha yang mga grinocery ko?" mataray na sabi ko sakanya
"Don't worry miss just wanna help you, youre too small to carry these heavy stuffs" pabulong nyang sinabi yung huling linya habang nakangisi kaya naman mas lalo akong nainis
"wow! Nasa vocabulary mo pala yung pagiging gentleman no? Aysh plastic!" konting konti nalang masisipa ko na tong tisoy na to!
"By the way Im bre...." diko na pinatapos ang sasabihin niya
"Im not interested!" sigaw ko sa mukha nya saka hinablot yung eco bag ko at linayasan sya.
Nakakainis talaga wag na syang magpapakita sakin ever! Kung hindi sisispain ko na talaga yung harap nya.
Kuya bryce texted me na tatambay daw sila ni addie sa condo ko
Excited naman akong umuwi kaya nag take-out nalang ako ng foods sa fast-food chain, bumili na rin ako ng snacks at drinks nila dahil di ako nag-i-stock dun ng mga snacks hindi din kasi ako pala-kain masyado
Tonight I'm planning to confess my love for addie, bahala na kung anong magiging resulta nito. I cant keep it anymore, I really love him more than friends
yeah right, I fell in love with my bestfriendTo be continue...
YOU ARE READING
She was bland (On going)
Non-FictionJaimee Briella Dominguez is an excellent student at St. Vincent Academy, she isn't that girly type because she grew up surrounded by boys. During her summer break vacation she will meet this green eyed jerk (Brendt Kleine Mullen) and eventually chan...