CHAPTER 6

18 4 0
                                    


"OKAY GUYS THAT'S ALL FOR TODAY, YOU MAY TAKE YOUR LUNCH NOW" anunsyo ng dance instructor matapos ang limang oras na practice

Bagaman matamlay parin, ay medyo mas gumaan na ang pakiramdam ko ngayon dahil alam kong may nakaka-intindi sa akin at si brendt yun. 3 days na ang lumipas mula nang gabing iyon at 3 days na ring paulit ulit lang ang daily routine ko, after practice deretso uwi. Humahanap ako ng magandang chance para mag confess kay addie pero sadya yatang hindi pabor sa akin ang tadhana *sigh


"I'll be going to mall later, wanna come ?" Nakangiting bungad ni brendt habang galing sa shower room, he's wearing a black pullover crew neck sweater na lalong nagpatingkad sa kaniyang kaputian

Tumango naman ako dahil balak ko rin ngayon mamili ng dress ko para sa party dahil wala talaga akong susuotin pag nagkataon though may dress kaming pare-pareho para sa cotillion pero iba parin daw yung susuotin sa party

Gamit parin niya ang BMW ni des na siya namang sinakyan namin papunta sa SM, papasok pa lang kami sa entrance nang mag ring ang phone ni brendt


"What? Im here at the mall now des" medyo iritado niyang sabi sa phone


"w-wait, I don't know where is that place"

"Des.. des.. heyy" I heard the call hanged up

"Why is that?" I asked him with a curious look


He sighed "Des had an emergency and she want me to fetch dianne from her school" dianne is des's little sis, hindi ko alam kung bakit may pasok parin yung bata gayong bakasyon naman, siguro summer class ayysh she's just 6 years old yet she's studying too damn hard


We have no choice but to fetch her, kawawa naman yung bata kung pag-aantayin namin, isa pa lunch time na at paniguradong gutom na iyon. Itinuro ko kay brendt ang daan papunta sa St. Vincent Academy, dito din kami grumaduate ng highschool ng mga kaibigan ko, isa ito sa pinakamahal na eskwelahan dito sa Isabela at talaga namang napakalaki nito dahil mula kindergarten hanggang senior-high ang meron dito.


Since kilala ako nung guard dito at agad naman kaming pinapasok, Nang maglakad kami papunta sa building ng mga highschool ay nagulat ako nang magtilian ang mga ito, nang mapagtanto kong si brendt ang tinitilian nila ay napangiwi nalang ako


Awkward niyang nginitian ang mga ito dahilan para mas lalong lumakas ang tilian ng mga bata, ayysh kids nowadays. Binilisan nalang namin ang paglalakad patungo sa building ng kindergarten


"ate jaimee, I missed you" masiglang salubong sa akin ni dianne nang makita niyang paparating kami, agad naman akong lumuhod para salubungin ang yakap niya


"How 'bout me yanyan? " nakaluhod na ring sabi ni brendt habang kunyaring malungkot na agad naman nilingon ni yanyan

"oww, of course you too kuya tangkad" sagot niya na agad naman kumalas sa akin at lumipat kay brendt

Mula nang makasakay kami sa sasakyan ay hindi na naging tahimik dahil napaka daldal nang batang ito, nakakatuwa lang dahil napakarami niyang kwento at talagang nagkakaintindihan silang magpinsan, palibhasa'y parehong englishero't englishera


Excited naman siya dahil nalaman niyang pupunta muna kami sa mall bago siya ihatid sa kanila

"What do you want to eat yanyan?" tanong ni brendt sa kaniya

"I want chicken joy!" masiglang sagot nito kaya naman dumiretso na kami sa pinaka-malapit na fast food chain para doon kumain

Nang papasok na kami ay karga-karga na ni brendt si yanyan, agad naman kaming pimila para umorder ng food

She was bland (On going)Where stories live. Discover now