“Jaimee Briella! I told you to know your limitations diba?” Galit na sigaw ni kuya bryce habang ako ay nakahilata palang sa kama ko dahil sa hang-over. Galit na galit na talaga siya dahil binanggit na niya ang buong pangalan ko, eh hindi ko naman kasalanan kung bakit nagkagulo sa bar kagabi, it was those two jerk’s fault.
“Kuya, pwede mamaya mo na ako pagalitan, inaantok pa talaga ako eh” Usal ko saka nagkumot ulit dahil masakit talaga ang ulo ko at ang bigat ng pakiramdam ko. It’s not my first time tho but still I’m not used to it.
“Okay, I’ll call dad then”
Agad akong napa-tayo nang marinig iyon “Kuya, don’t, pleeeaseeee” naka-kapit na ako sa braso niya habang nagpa-puppy eyes pa para hindi niya na ako isumbong kay dad or else pareho kaming mananagot. Mas ok na si kuya bryce nalang ang manermon sa akin kaysa si dad. Baka hindi na ako pabalikin dito sa condo ko kung malaman niyang may kalokohan akong ginawa.
“Tell me, what happened? Bakit nag-away yung dalawa at bakit ka lasing na lasing kagabi?” Sunod-sunod niyang tanong
“Wait lang naman kuya, pwede isa-isa lang?”
“Okay. Explain everything then.”
Inexplain ko kay kuya bryce ang lahat ng nangyaring natatandaan ko bago ako mag pass out kagabi, humupa na rin ang galit niya sa akin dahil wala naman talaga akong kontrol sa dalawang iyon but still, grounded parin ako at hindi daw ako pwedeng lumapit nino man sa kanilang dalawa, hindi ako pwedeng lumabas today dahil babantayan daw niya ako dito maghapon. Ang wrong timing naman! Ngayon pa naman ang book signing nung favorite author ko, wala na hindi na ako makaka-punta, darn those jerks!
Nakwento na rin ni kuya na nung sinundo pala niya ako kagabi ay dinala daw ng mga pulis sina Addie at Brendt sa police station kagabi dahil sa gulong ginawa nila sa bar. Hindi ko lang alam kung naka-uwi na din sila, kung ano-ano kasi ang pinag-gagagawa nung dalawang ‘yon pati tuloy ako ay nadadamay.
Wala akong nagawa kundi ang maghapong tumunganga sa kwarto ko habang nakatitig sa labas mula sa bintana, hindi ngayon maaraw ngunit hindi rin makulimlim, eksakto lang kaya naisipan kong mamayang hapon ay bababa ako para maglakad-lakad sabay jogging na rin dahil medyo nawalan na ako ng exercise sa katawan mula nang mahinto ang training ko ng kick-boxing. Pinahinto na kasi ako ni dad dahil kailangan ko na raw mag-focus sa pag-aaral ko lalo na’t magkokolehiyo na ako sa susunod na pasukan. Pwede parin naman akong mag-laro paminsan-minsan pero hindi na kagaya ng dati na sumasali pa ako sa mga kompetisyon, ngayon ay icoconsider ko nalang siguro itong libangan.
Madaming nagtataka kung bakit ito ang napili kong sports, ako nga rin mismo ay nagtataka kung paano akong napunta sa pagkahilig dito. Basta nalang akong lumaki na hilig ang sports na ito, siguro ay dahil na rin sa impluwensya ni dad sa amin ni kuya bryce. Dating sports trainor ng kick boxing si daddy ngunit nahinto lang ito nang mamatay si mommy at matanggal siya sa pagiging trainor kaya maisipan niyang mag-business nalang dahil halos mawalan siya ng focus nung mga time na ‘yon. Kagaya ng sabi ko si kuya bryce lang ang naging sandalan ko nung mga oras na ‘yon, mas nakatulong pa nung dumating rin si Addie at tinulungan akong maka-limot sa lahat ng sakit na pinagdadaanan ng pamilya namin.
Hindi ko namalayang naka-idlip ako kaya nang magising ako ay agad kong tinignan ang oras ay alas kwatro na ng hapon, hinawi ko ang kurtina ng bintana at tinanaw ang labas, ganun parin, walang masyadong tao sa daan at hindi din gaanong maaraw dahil palubog na ito. Agad akong nagbihis ng damit, napili kong suotin ay yung leggings na may pares na sando, palagi kong sinusuot ito tuwing mag-gi-gym kami dati nila kuya bryce, hapit na hapit ito sa katawan ko kaya lalong nadedepina ang kurba ng katawan ko. Itinali ko lang ng pa-ponytail ang buhok ko saka na nagsuot ng sapatos bago lumabas ng kwarto.
YOU ARE READING
She was bland (On going)
Non-fictieJaimee Briella Dominguez is an excellent student at St. Vincent Academy, she isn't that girly type because she grew up surrounded by boys. During her summer break vacation she will meet this green eyed jerk (Brendt Kleine Mullen) and eventually chan...
