Halos magdampi na ang mga labi namin nang biglang tumama sa amin ang liwanag na nagmumula sa flashlight ng kung sino.
Kapwa kami napatalon ni brendt sa kinauupuan nang magulat dahil doon.
“kayo po pala ma’am briella, pasensya na po akala ko kasi may kung sinong nakatambay nanaman dito ng gabing-gabi” kakamot-kamot sa ulong ani manong enteng-asawa ni manang lucila at isa ring katiwala dito sa villa
“Ah hindi po, papasok na rin po kami maya-maya. Nagpapahangin lang kami saglit”
Nilisan na niya ang lugar kaya’t naiwan kaming awkward ni Brendt sa isa’t-isa. Hinatid na lamang niya ako sa kwarto para makapag-pahinga. Ngunit hindi ko alam kung bakit kumakawala parin sa pagkabog ang dib-dib ko kahit wala na siya sa paningin ko. Tuloy ay madaling araw na akong nakatulog, bahala na bukas kung iiwan nila ako.
“jame”
“jame, wake up!”
“Jame gising, breakfast is ready”
Magkasabay na katok at sigaw ni kuya ang gumising sa akin. Tamad na tamad pa akong bumangon dahil sa puyat ko kagabi.
“5 mins.” sigaw ko pabalik dito
“It’s your 20th 5 minutes lazy bunny”
Napilitan akong bumangon kahit nakapikit parin dahil tama nga si kuya, kanina pa nila ako ginigising at palagi kong sinasabing 5 mins. pero nakakatulog parin ako ulit.
“Fine, I’ll get up na kuya. Sunod ako sa baba”
Naligo na ako at nag-ayos ng mga gamit ko na idadala mamaya para sa camping dahil dun daw kami mag-o-overnight. Medyo malaking bag ang dala kong pang camping dahil nandito na yung kumot, unan at kung anu-ano pang gagamitin ko mamaya sa camp site. Nang maayos ko na ang lahat pati ang sarili ko ay bumaba na ako para sumalo sa hapag-kainan.
Naroon na ang lahat at bihis na bihis na rin sila. Ako nalang talaga ang hinihintay, medyo paimportante yata ako sa part na ‘yon.
“Good Morning guys” bati ko sa mga kaibigan ko habang naglalakad parin palapit
“Good Morning Mommyla”
Hinalikan ko sa pisngi ang ngiting-ngiting si lola na nasa dulo ng long table kung nasaan naka-harap ang lahat.
“Maganda yata ang gising ng eya ko ah” Nakangiti parin si mommyla sa akin hanggang sa humiwalay ako sa magkakayakap niya. Ginantihan ko nalang ito ng ngiti saka tumingin ng bakanteng upuan para makapag-umpisa ng kumain.
Dalawang nalang ang bakante sa mga upuan at nasa gitna ito ni Brendt at Addie. Kung sini-swerte ka nga naman, bat sa gitna pa nang dalawang to. Bahala naNang papalapit na ako sa dalawang upuang iyon ay sabay na tumayo sina Brendt at Addie, sabay rin sila sa pag-hila sa dalawang bakanteng upuan na ‘yon. Nalilito ako sa kinikilos ng dalawa, saan ba ako dapat maupo?
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa at sa mga kaibigan naming naroon. Awkward din ang mga tingin nila sa aming tatlo dahil kami nalang ang naka-tayo dito, ang mga itsura nila ay tila nanunuod ng isang kaabang-abang na teleserye, hinihintay kung sino sa dalawa ang pipiliin ko. Darn jaimee, wag ka ngang assuming
Mabuti nalang at dumating ang pinsan kong si Leinel, close din ito ni Addie kaya’t matapos bumeso kay mommyla ay nagtungo agad ito kay Addie para bumati. Walang anu-ano’y umupo ito sa upuang tabi ni Addie kaya’t sa bandang huli ay si Brendt ang naka-tabi ko.
Nakita ko ang matalim na titig ni Addie kay Brendt, gayon din ang tipid at nakakaasar na pag-ngisi ni Brendt sakanya pabalik. What’s going on? Seriously? Pati ba naman upuan. Ayysh parang mga bata.
![](https://img.wattpad.com/cover/225245706-288-k151674.jpg)
YOU ARE READING
She was bland (On going)
Non-FictionJaimee Briella Dominguez is an excellent student at St. Vincent Academy, she isn't that girly type because she grew up surrounded by boys. During her summer break vacation she will meet this green eyed jerk (Brendt Kleine Mullen) and eventually chan...