CHAPTER 12

7 2 0
                                    


hey, what’s your problem? Bitiwan mo nga ako” Patuloy parin siya sa paghila sa akin patungo sa parking lot. Hindi ko maintindihan kung bakit parang galit na galit siya kay lance gayong nalaman kong mag-pinsan naman sila. Siguro dahil taga ibang-bansa si brendt kaya ganun nalang ang treatment nila sa isa’t-isa, hindi talaga siguro sila close mula pa nung mga bata sila.


Tumingin siya sa akin “Stay away from that guy, can you?” inis na sabi niya bago ako nilayasan saka binuksan ang pintuan ng kotse para pasakayin ako


Hindi ako makapaniwala sa inaasal niya, ano bang big-deal sa paglapit dun sa lance na yon at isa pa hindi naman ako ang lumapit ah, bakit ba siya galit na galit, dinaig pa tatay ko kung maka-galit. Weird ka talaga kahit kailan. Iiling-iling nalang akong sumakay sa kotse at nang makauwi na.


Almost 3 hours ang tulog ko kaya chineck ko ang oras at 4 o’clock na pala ng hapon. Agad akong nag-ayos bago lumabas para tignan kung nasa sala parin si brendt na iniwan ko kaninang natulog ako dito sa kwarto ko. Hindi pa man ako nakakalabas nang may marinig akong ingay mula sa sala kaya nagtaka ako kung bakit may ibang tao gayong si brendt lang naman ang iniwan ko kanina dun.



Pagbukas ko ng pintuan ay naabutan ko si brendt kasama ang mga kaibigan ko na nanunuod ng movie at kalat-kalat ang mga pinga-kainan ng snacks nila. Nag-init ang ulo ko lalo na nang makita ko si shae na naroon din, hindi ko alam kung may karapatan ba akong magalit sa kanila, wala naman akong karapatan in the first place, pero nasaktan din ako at hindi naman siguro masamang masaktan dahil may feelings din naman ako.



Who the hell gave you the permission na pumasok dito sa condo ko?” Galit sa sabi ko sa kanila dahilan para matahimik sila at mapalingon sa akin.


Walang nagtangkang umimik sa mga sandaling iyon kaya nagsalita uli ako. “Ikaw ba brendt?” Baling ko kay brendt na na nag-aalangan ding sumagot “What? Im asking!” sigaw ko na sa inis


I invited them here” Kalmadong sagot ni kuya bryce na galing sa kitchen bitbit ang plate na may lamang meryenda


I rolled my eyes saka ko sila tinalikuran at naglakad pabalik sa kwarto. Hindi pa man naisasara ang pinto ay may kamay na agad pumigil dito, pumasok si kuya bryce saka mariin akong tinignan. “They want to talk to you, hindi ka na daw sumasama sa kanila lately. Hindi ka rin daw sumasagot sa mga chats and calls nila. Jame, may problema ba?


Yumuko ako para hindi niya makita ang ekspresyon ng mukha ko sabay iling. “Nothing, its just that I’m not feeling well


Addie told me everything, bakit hindi mo sila subukang kausapin para malinaw ang lahat. Look, nadadamay ang ibang mga kaibigan niyo na walang alam sa nangyayari between you and shae. Hindi kailanman makakatulong ang pag-iwas jame


I-i just don’t want to see them, pauwiin mo na sila kuya please” pagmamatigas ko, hindi pa ako handang harapin si shae, alam kong hindi niya kasalanan dahil hindi niya naman alam na may gusto ako kay addie pero nasaktan kasi ako, yun ang point ko


Maya-maya pa’y bumukas uli ang pinto at pumasok silang lahat dito maliban kay brendt, nagtataka ang mga tingin nilang lahat, hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil nandito na din lang naman silang lahat



Pumagilid si kuya bryce para bigyan kami ng space na makapag-usap.


Alam na namin lahat jaim, shae told us everything” panimula ni jon


Nagtaka akong tumingin sa kanilang lahat na malungkot na ang mga ekspresyon ng mukha.


Oh alam niyo naman na pala lahat e, edi magsi-uwi na kayo” Sagot ko dahil pakiramdam ko pinagkakaisahan nila ako


She was bland (On going)Where stories live. Discover now