CHAPTER 9

44 4 0
                                    

Napuno ng tensyon ang paligid nang mag agawan sa upuan sina addie at brendt. Matagal pa munang nagtitigan ang dalawa nang basagin ni jon ang awkwardness sa makahulugan nitong pag-ubo


"This one is my seat" nakangiti ngunit kaswal na sabi ni brendt


Napabuntong hininga nalang si addie saka ito tumango at umupo nalang sa katabing upuan niyon.


Bahagya akong yumuko upang maka-iwas sa awkward na tingin ng aking mga kaibigan. Seriously? what are they doing? I didn't expect this to happen at sa harap pa talaga ng mga kaibigan ko huh darn! Kuya bryce where are you na? Save meeeeee huhuhu


Nadatnan kami nina ash at giz sa ganoong eksena kaya naman inosenteng nagpalipat-lipat ang tingin ng dalawa sa amin na naiwan sa table. Nang maramdaman nila ang awkwardness ay inilapag nila sa table ang mga dala nilang marshmallow, bread sticks, chocolates at kung anu-ano pang sweets na galing sa chocolate fountain.



Nag-agawan ang mga kaibigan ko sa mga iyon na siyang tumapos sa awkward moment. Bumalik na sa kani-kanilang pinag-uusapan ang mga ito gaya ng kanina maliban sa aming tatlo nina brendt at addie na tahimik parin at tila nagpapakiramdaman. Gustuhin ko mang kausapin sila ay hindi ko magawa dahil hindi ko alam kung matatagalan ko ito



Ilang minuto pa ay nag announce na ang emcee na malapit ng mag-umpisa ang debutante's ball kasunod ng pagtawag sa amin ni kuya bryce sa dressing room upang makapag ayos na kami para sa cotillion. Nabakante ang table namin nang lahat kami ay umalis doon upang magpalit ng damit at dahil hiwalay ang room ng babae sa mga lalake ay mas nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko makakasama yung dalawa. Those guys made me uncomfortable



"guys get ready na okay, magpeperform na kayo any minute" paalala ng event organizer, nakaupo nalang ako sa couch habang hinihintay ang iba na nagsisipag-retouch ng kani-kanilang mga make-up. I'm already contented sa make-up ko kaya hindi na ako nagretouch besides hindi din ako marunong maglagay ng kung anu-ano sa mukha ko


Inip na inip na ako sa pag-aantay nang matapos sila at nag-aya nang bumalik sa venue dahil naroon na na daw ang mga lalaki at kami nalang ang hinihintay. Pagkarating namin doon ay nasa kabilang side na ng nakalaang dance floor ang mga lalaking pulos naka kulay pink na long sleeves. Gaya ng napractice namin ay hiwalay ang pwesto ng mga lalaki sa babae sa entrance ng sayaw. Habang hinihintay ang paglabas ni Des ay nagsipag-suot na kami ng kani-kaniyang mascara. Pare-parehong kulay itim ang ibinigay sa aming mascara ngunit may iba-iba itong disenyo, makinang ang akin dahil mayroon itong mga beads na kapag tinamaan ng ilaw ay kumikinang at halos kalahati ng mukha ko ang natatakpan nito.



Paglingon ko sa gawi ng mga lalake ay agad na tumama ang mga mata ko sa pinaka-matangkad na lalaking naroon. Hindi ko malaman kung bakit siya agad ang hinanap ng mga mata ko, bigla akong kinabahan sa naisip at lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko nang sumilay ang ngiti sa mga labi niya habang kinakausap ang mga kasamahan niyang lalaki doon. Darn it! Ano itong nararamdaman ko? Si addie ang gusto ko diba? Bakit ako nagkakaganito sa ibang lalaki? Posible bang magka-gusto ka sa dalawa sa parehong panahon? Im confused, nagsunod-sunod ang mga tanong sa isip ko ngunit kahit isa dito ay wala akong masagot. Isang bagay lang ang pumasok sa isip ko. This can't be, I like addie and it's imposible to fall for another guy habang may minamahal akong isa. Unless this feelings for addie was just an infatuation. Ayysh ang gulo-gulo na ng utak ko, ayoko na munang guluhin ang utak ko dahil baka masira ang performance ko mamaya.


Maya-maya pa'y umalingawngaw sa buong paligid ang instrumental music na siyang hudyat ng paglabas ng debutante. Lahat kami ay napatingala sa grand staircase ng venue hall kung nasaan si Des na glamorosong tignan sa kaniyang color peach sequin ball gown na off shoulder, makinang ang kabuuan nito na siyang mas nagpalitaw sa ganda ni Des. She's undeniably gorgeous, nagmistula siyang prinsesa sa kaniyang suot at masasabi kong siya ang pinaka-maganda sa gabing ito. Nasa tabi niya ang kaniyang escort na si kuya bryce na gwapong gwapo rin at tila isang prince charming sa disney movie dahil sa kaniyang suot na puting tuxedo. Damn bagay na bagay silang dalawa. Kinilig ako sa sariling ideya


She was bland (On going)Where stories live. Discover now