Chapter 4

1.5K 88 54
                                    

Apat na pares ng mga mata ang mabilis na lumingon sa pinagmulan ng mababang boses ng lalaki. Mabilis na tumayo si Alexis at hinawakan ng dalawa niyang kamay ang fishing rod, bilang pang proteksyon niya sa mga anak. Bumilis ang pintig ng kanyang puso, dahil sa kaba at takot na nadama. Masukal pa naman sa lugar na iyun, ang sabi niya sa sarili at kung may masamang tao na may balak na gawa sila ng masama, walang makakakita sa kanila. But, she’s not going to let him harm her family, especially without a fight, kahit pa alam niyang wala siyang ibubuga rito. She let her guard up, instantly.
“Kids stay close, get your sister” ang mahina, ngunit mariin na sabi niya sa nga anak, but she tried to remain calm, ayaw niyang maalarma ang mga anak niya at magsimula ng takot at panic sa mga anak.
Mukhang napansin ng lalaki ang takot at alarma sa kanyang mukha, at pati na rin ang paraan ng pagkakahawak niya sa pangbingwit ng isda. She was gripping the fishing rod, like a baseball bat, ready to swing it, anytime that he made a wrong move. She didn't know kung makakalikha ito ng pinsala sa lalaking kaharap kung ihampas niya ito sa lalaki, but she's praying na hindi dumating ang pagkakataon na iyun.
He gave her a boyish grin, that showed a dimple on his left cheek, and from a grin it crept into an amused smile. The corner of his eyes crinkled and he put his hands on his hips.
“You don’t need to smite me ma’am, I assure you, I mean no harm or danger to your kids and YOU” ang nakangiting sagot nito sa kanya na mas nagpalalim pa ng dimple nito.
Hindi siya sumagot at nanatili siyang nakatayo sa harapan ng kanyang mga anak bilang proteksyon. Ano nga bang sabi ni Trace dati? A killer will charm his way hanggang sa makuha nito ang loob mo, then he’ll go for a kill, kahit pa wala sa mukha nito ang pagiging killer, mayron nga lang itong killer smile, pero, Raul and Nana, doesn’t even looked like one.
Mukhang nakuha nito na ayaw pa rin niyang magtiwala, itinaas nito ang mga kamay ang mga palad ay nakaharap sa kanya.
“Look, uh, ma’am, I’m also a camper here, and I was walking around, and I heard the distressed call from your kids, I really wanted to help you with those fishing rods” ang malumanay na sabi nito sa kanya at itinuro pa nito ang mga gamit pangisda.
“You know how to fix this?!” ang excited na tanong ni Niko at namilog pa ang mga mata nito.
“Uh Yes” ang sagot nito kasunod ang pagtango. At walang anu-ano ay nagtakbuhan ang kanyang mga anak na lalaki papalapit sa estranghero na lalaki.
“Boys!” ang sigaw niya, ngunit ang mga anak niya ay nagtatalunan na sa excitement, habang hinihila ang kamay ng lalaki papalapit sa may lawa.
Hawak ang kanyang fishing rod, hinawakan niya ang kamay ni Ember, habang hawak pa rin ng kanyang kanan na kamay ang gamit sa pangingisda.
“Really, we’ve been here for ages! Already!” ang angal ni Flyn.
“We really need your help, mommy doesn’t know anything about this” ang sabat pa ni Casey.
“Mom doesn’t have to know everything” ang nakangiting sagot naman ng lalaking estranghero at sumulyap ito sa kanya.
“I’m Casey” ang pagpapakilala ng panganay niyang anak.
“I’m Niko. Flyn!” ang sabat naman ng dalawa.
“Hello Casey, Niko, and Flyn, I’m Brix” ang pagpapakilala naman nito sa kanyang mga anak at nakipagkamay pa ito.
“And who’s the beautiful princess?” ang tanong ng lalaking nagngangalang Brix.
“She’s our mom” ang sagot ni Flyn.
Bahagyang natawa si Brix sa sinabi ng anak at lumabas na naman ang dimple nito.
“I know your mom’s beautiful, but, I was asking about the little princess” ang sagot nito, at di inaasahan ay namula ang mga pisngi ni Alexis nang sabihan siya nito ng maganda. Maybe because it’s been years na walang nagsabi sa kanya nito kaya ganun na lang ang reaksyon niya.
“Oh, she’s our sister Ember, and we also have another baby sister, but she cannot come with us because she’s still a baby that’s why, she’s in our lolo and lola’s house” ang pagkukwento ni Flyn, na kung bakit talaga naman lumalabas ang kadaldalan ng anak.
“Uhm, may I know the mommy’s name?” ang tanong nito, ngunit ang mga mata nito ay nakatuon sa kanya.
Napabuntong-hininga si Alexis, mukha namang matino ito, kung may balak ito na na masama, hindi ba dapat kanina pa nito ginawa? Ang tanong niya sa sarili. O baka naman tumitiyempo lang ito? Ang dugtong na tanong niya.
“Uhm, I’m Alexis” ang matipid na sagot niya.
“It’s nice to know you” ang sagot nito sa kanya sabay lahad ng palad nito, para makipag kamay sa kanya. Tiningnan niya muna ang kanang kamay nito na nakaabot sa kanya.
She sighed and extended her arm to clasp her hands with his for a handshake at isang matipid na ngiti ang iginawad niya rito.
“You don’t have to worry ma’am, I really want to help your kids” ang mariin na sabi nito sa kanya, tila ba gusto nitong palagayin ang kanyang loob. Nagtaas pa ito ng isang kilay at muli nitong ipinakita ang dimple sa kaliwa nitong pisngi.
“Okey, ayaw lang namin na maabala ka, mister”-
“Brix, please, and can I call you Alexis?” ang tanong nito sa kanya na paghingi nito ng permiso.
Tumangu-tango siya, “ayaw ko lang na makaabala sa iyo Brix” ang giit niya.
Umiling ito, “I offer didn’t I? Saka, wala na rin kasi akong magawa kaya naglakad-lakad ako, hanggang sa makarating ako rito” ang paliwanag nito sa kanya.
Tumango lang siya bilang sagot at naputol ang usapan nila ng hikitin ni Niko ang braso nito para kunin ang atensyon ni Brix.
“Sir? Can you help us now, we really wanted to go fishing” ang pakiusap ni Niko kay Brix.
Inalis nito ang mga mata sa kanya at tiningnan ang anak na nasa kanan nito, at mukha naman na hindi ito naiinis.
“Sure let me and call me tito Brix” ang sabi nito kay Niko at kinuha nito ang fishing rod sa mga kamay ng anak, “hindi nyo ba kasama ang asawa mo?” ang biglang tanong nito sa kanya.
“Ah, umalis lang sandali may binili lang” ang mabilis niyang sagot at nakita niyang kumunot ang mga noo ng anak.
Tumangu-tango ito at naghanap ng pwedeng maupuan, maya-maya ay naupo na ito sa isang malaking ugat ng puno, at inumpisahan na nitong ayusin ang gamit na pangisda.
“You should have waited for him” ang sabi nito sa kanya, without glancing at her at abala na ang mga kamay at mata nito sa ginagawa.
“Uh, hindi na kasi makapaghintay ang mga bata gusto na nilang mangisda” ang pagsisinungaling niya, binitiwan na niya ang hawak na fishing rod at naupo na rin siya sa kaninang kinauupuan niya at ikinalong niya ang anak na si Ember.
“How come you know all about this?” ang interisadong tanong ni Casey kay Brix na nakaupo sa harapan nito at manghang-mangha sa ginagawa nito.
“My dad and I used to go on fishing, since when I was a little kid, like you” ang nakangiting sagot nito sa anak.
“Really? Where is your dad now?” ang tanong naman ni Niko na nakaupo rin sa tabi nito.
“Uhm, he’s in heaven now” ang malumanay na sagot nito sa anak.
“Just like our dad” ang malungkot na sabi ni Flyn. At nakita niya na natigilan si Brix sa ginagawa nito, at dahan-dahan umangat ang mukha para tingnan siya sa mga mata. Nagtama sandali ang kanilang mga mata at mabilis niyang iniiwas ang mga mata niya rito.
“I’m sorry to hear that” ang mahinang sabi ni Brix.
“That’s why we’re glad that you’re here, para tulungan kami, kasi wala na si daddy na gagawa niyan for us” ang sagot pa ni Flyn.
“I’m glad to be here to” ang mariin na sagot ni Brix, “here, you can use it now, oh wait, is this your first time to go fishing?” ang tanong pa ni Brix sa mga anak.
“Yes” ang sabay-sabay na sagot ng mga anak.
“Hmm, alright I’ll teach how to do it okey if, it’s okey with your mommy, that, I could spend more time here, with you guys” ang sabi nito sa mga anak.
“It’s okey mom, right?” ang tanong ni Casey.
Hindi nakasagot si Alexis, at muling nagsalita si Brix.
“Casey, you ask permission first, politely please” ang utos nito sa anak, sa malumanay na boses nito.
“Opo” ang sagot nito kay Brix, sabay tingin naman ng anak niya sa kanya.
“Mommy, pwede po, mag stay si tito Brix here, with us to teach us sa pangingisda?” ang paghingi ng permiso ng anak sa kanya.
Ngumiti naman siya sa anak at tumangu-tango, kailan ba niya natanggihan ang kanyang mga anak, lalo pa at magalang ang pagsabi nito sa kanya.
“Of course’ ang nakangiting sagot niya at sabay-sabay na naghiyawan ang kanyang mga anak na lalaki at pati si Ember ay nakisigaw rin, without even knowing the reason why her kuyas were so excited. Basta nakita nito na masaya ang mga kapatid ay natutuwa at nakikisaya rin ito.
“You want me to help you with that?” ang tanong sa kanya ni Brix sabay turo sa kanyang fishing rod na inilapag na niya sa may lupa sa tabi ng kanyang paa.
Mabilis siyang umiling, “I won’t even bother, wala talaga akong alam sa pangingisda, it’s just my attempt to give my kids a good time here sa lake” ang sagot niya.
“Mind if I use it?” ang tanong ni Brix sa kanya na unti-unting naglakad palapit sa kanya. She looked up to him at umiling siya.
“It’s all yours” ang sagot niya at narinig niya ang marahan na pagtawa nito, he crouched down in front of her para kunin damputin ang fishing rod, and he stayed that way for a while, at kinausap nito ang anak na si Ember na nakaupo sa kanyang mga hita.
“How about you? Pretty princess? Would you like to go fishing too?” ang malambing na tanong nito kay Ember.
Mabilis din itong tumangu-tango kahit pa hindi naintindihan ang gagawin nila.
“Uh dito na lang kami sa tabi” ang pagtanggi ni Alexis.
“C’mon, it’ll be fun, you can sit near the water and watch your kids go fishing” ang giit nito sa kanya.
Napabuntong-hininga si Alexis, he’s right iyun naman talaga ang ipinunta nila rito, so palalagpasin pa ba niya na makita ang mga anak na mangisda, ang unang experience ng mga ito na makapangsida? Of course not.
“Okey” ang matipid niyang sagot rito. Tumayo na si Brix at tinulungan nito na makatayo si Ember, at nang siya naman ang tatayo na ay mabilis nitong hinawakan ang kanyang mga kamay para marahan siyang hilahin patayo.
“Here let me help you” ang sabi nito then he held her hands and gently pulled her up. And she stood close in front of him that she could see the gold specks in his brown eyes. She cleared her throat at mabilis siyang humakbang paatras para hawakan ang kamay ng anak na si Ember.
“Thank you” ang mahinang sabi niya kay Brix na ngumiti at tumango bilang sagot. Tumalikod na ito sa kanila at naglakad na palapit sa tatlo niyang anak na nagsimula ng ilublob ang mga pisi ng kanilang pangisda sa tubig.
“Guys, that’s not how you do it, here let me show you” ang sabi nito sa mga anak.

Ilang oras pa silang naghintay sa tabi ng lawa, ang apat na lalaki, ang kanyang mga anak at si Brix, ay nakaupo sa gilid mismo ng tubig, matiyaga ang mga ito na naghintay na makabinggwit ng isda, habang siya ay naupo sa ilalim ng isang puno, habang pinagmamasdan ang anak na si Ember na naglalaro ng mga halaman at bulaklak.
Muling natuon ang kanyang mga mata sa apat na nangingisda sa tabing lawa. Humanga siya ng husto sa tatlong anak, sa ipinakita nitong pagiging matiyaga at pasensiyoso sa paghihintay ng mahuhuli na isda. Pero, hindi niya rin maiwasan na mas humanga kay Brix, dahil sa haba ng pasensiya nito, hindi lang sa paghihintay ng mahuhuli na isda, kundi na rin sa walang humpay na pagtatanong ng mga it kay Brix. Ang nakakapagtiyaga lang sa mga tanong at kakulitan ng mga anak ay ang lolo nito, si chief, ang limang tito nito, at syempre si Trace.
Nakaramdam ng kirot sa dibdib si Alexis, mukhang sobrang namimiss ng mga anak ang ama nito, dahil sa naghahanap ito ng atensyon ng isang lalaki. Mabuti na lang at mahaba ang pasensiya ni Brix sa kanila, ang sabi niya sa sarili.
Pinagmasdan niya si Brix, taimtim itong nakikinig sa sinasabi ng anak at paminsan na tumatango ito at minsan ay natatawa, bago ito magsalita.
He is very good looking, ang sabi niya sa sarili, he’s got that dirty blond hair, straight nose, full lips, pero ang pinaka asset nito ay ang dimple nito sa kaliwang pisngi. He’s tall too, halos kasing taas siya ni Trace at medium built din ang katawan. He’s not that muscular pero well toned ang katawan nito, just by the looks of his arms and chest na humahapit sa malambot na t-shirt nito, at ang mga hita nito na hapit rin sa suot nitong maong na pantalon.
But, nothing can compare with Trace, she loves Trace’s features, ang sabi niya sa sarili. At biglang naputol ang kanyang pag-iisip ng makita at marinig niyang nagtalunan at naghiyawan ang mga anak niya, at maya-maya pa ay iniangat na nila sa tubig ang mga bingwit ng kanilang pang-isda at nakita niyang may mga nahuli na ang mga ito.
Tumayo siya ng makita niya si Flyn na tumatakbong palapit sa kanya, namumula ang mga pisngi nito sa labis na excitement na nadarama.
“Mommy! Mommy! We caught a fish! Ha ha ha! We caught a fish!” ang excited na sabi ni Flyn sa kanya at hinawan nito ang kanyang kaliwang kamay para hilahin siya.
“Come Mommy, halika po! Look at our fish!” ang malakas na sabi nito habang hinihila siya.
“Wait hon, Ember come here!” ang malakas na tawag niya sa kanyang anak na babae.
Sinalubong naman ito ni Flyn at kinausap ang kapatid, sinabi nito na may nahuli silang isda at hinawakan ni Flyn ang kamay ng kapatid at patakbo silang bumalik sa may tabing tubig.
Nakangiti niyang pinagmasdan ang mga anak at naglakad na rin siya palapit sa mga ito. At nakita niya ang mga huli ng anak na inaayos ni Brix. Malalaki rin ang mga isda na nahuli ng mga ito.
“Wow! Ang galing naman ng mga anak ko!” ang masayang papuri niya sa mga anak na ngumiti ng malapad sa kanya.
“Mom can we cook them?” ang umaasang tanong ni Casey.
“Pwede ba iyang kainin?” ang di siguradong tanong ni Alexis.
“Uh yes, these are edible freshwater fish” ang sagot ni Brix sa kanya, “you just have to clean the insides, gutted it” ang sagot ni Brix sa kanya.
Napangiwi si Alexis sa sinabi ni Brix, at nakita iyun ng mga anak, and they sighed and looked up.
“Oh no! Mom doesn’t know how to clean the fish!” ang angal ni Niko.
“The only fish she knew was that in the freezer section of the supermarket” ang sagot pa ni Casey.
“Oh sorry” ang sagot niya sa anak sabay nagpamewang siya.
Natawa naman si Brix, “ako na ang maglilinis ng isda” ang alok nito.
“Would you join us for lunch? Please tito Brix, please?” ang pakiusap ni Flyn.
“Please” ang sabat naman ng mahinang boses ni Ember at marahan na natawa si Brix and he crouched down in front of Ember.
“I would love to, but…. It depends on your mom” ang sabi nito sabay tingin sa kanya ng mga kulay brown din nitong mga mata.
Sino ba naman siya para tumanggi, he has shown her that he was no threat to her family, he’s been very helpful and patient with her kids. The least thing she could do is to invite him for lunch.
“We would be happy if you join us for lunch Brix” ang nakangiting sabi niya kay Brix.

TRACE The Way To His Heart  book 2 (COMPLETED) Self-Published Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon