"Trace? Is that really you? What? But, how?" ang sunod-sunod na tanong ni Chief kay Trace, ang tono ng pananalita nito ay puno ng pagtataka.
"Chief, I survived the crash" ang sagot niya kay Chief, na tinulungan siya na tumayo ng maayos at sumandal siya sa pader.
"My God! This is a miracle, alam na ba ni Alexis?" ang tanong nito sa kanya.
Napapikit si Trace dahil sa hinagpis na kanyang nadama, naalala niya ang mga nangyari at ang mga masasamang salita na lumabas sa kanyang mga labi.
Kumirot ng husto ang kanyang puso, lalo na ng makita niya ang sakit sa mga mata ng asawa na siya mismo ang may gawa. Nangilid na ang luha sa kanyang mga mata.
"Kailangan ko po siyang makita Chief, I made a terrible mistake, ay labis ko siyang nasaktan Chief" ang naluluhang sagot niya.
"She suffered a lot Trace nang mawala ka" ang malungkot na sagot ni Chief sa kanya.
Tumangu-tango siya at pinunasan niya ang luha sa kanyang mga pisngi at mga mata.
"Labis - labis na po ang pasakit na dinanas niya sa akin" ang sagot niya.
"Bakit nga po pala kayo nandito sa hospital? May, nangyari po bang masama sa mga bata? Kina Ace at Autumn?" ang nag-aalalang tanong niya.
Umiling si Chief, "no - no, it was General Espina, he had a bypass operation, he's recovering now kaya dinalaw ko siya rito, and you bakit ka nandito?" ang taka na tanong nito sa kanya.
Hindi niya masabi sa kanyang mentor ang mga nangyari, hindi niya masagot ang tanong nito, at sabihin na may ibang babae na nasa loob ng private room kung saan sila nakatayo.
"Chief, pangako po, magpapaliwanag po ako sa iyo, pero, kailangan ko po talaga munang umalis para puntahan si Alexis, napakalaki po ng kasalanan ko sa kanya" ang pakiusap ni Trace, sa lalaking naging malapit sa kanyang puso.
Nabatid na niya kung bakit? Nakalimutan ng isipan at puso niya si Alexis, dahil sa mga huwad na katotohanan at pagmamahal na pilit na ipinakain sa kanya ni Divine, siya bilang Marcus. Si Chief, si Chief ang nagpabalik ng kanyang memorya, dahil, walang nakakuha o pumalit sa lugar nito sa kanyang puso at isipan, bilang isang boss, mentor, kaibigan, at pangalawang ama.
"Okey, kailangan mo na talagang puntahan si Alexis" ang sagot ni Chief sa kanya.
"Chief, I'm scared" ang kinakabahan na saad niya kay Chief.
"Why?" ang takang tanong nito.
"Because.... Because this time, I don't think I'll be able to get the girl" ang takot niyang sagot. Alam niya na maaaring hindi na niya makuha pang muli si Alexis. Kitang-kita niya sa mga kulay del-Carmen nitong mga mata ang labis na sakit na kanyang nilikha.
"You want me to help you?" ang tanong ni Chief sa kanya.
Umiling siya, kailangan niyang harapin ito ng siya lang mag-isa.
"I'll do this alone Chief, for now" ang sagot ni Trace sa matandang heneral.
"Then I wish you luck and God be with you" ang mariin na sabi nito sa kanya.
Tumango siya at mabilis ang kanyang mga hakbang papalayo ng muli siyang tawagin ni Chief.
"Trace!" ang pagtawag nito sa kanya.
Huminto siya at pumihit ang kanyang katawan upang humarap dito.
"Chief?" ang tanong niya.
"You made me believe in miracles" ang sagot ni Chief sa kanya. Isang matipid na ngiti ang isinagot niya kay Chief at mabilis siyang naglakad papalayo.
***
Mabilis ang kanyang pagmamaneho, he was hoping na nasa hotel pa ito, gusto niya munang makipag-usap kay Alexis bago niya ito puntahan sa kanilang bahay.
At parang dininig ng Diyos ang kanyang panalangin, nang makita niya si Brix at Akexis sa may harapan ng hotel. Naglakad na ang mga ito papalapit sa nakaparada na sasakyan ni Brix.
Mabilis niyang inihinto ang kanyang sasakyan sa tabi at mabilis siyang lumabas ng driver's side.
"Alexis!" ang malakas na pagtawag niya sa pangalan ng asawa, bigla itong tumingin sa kanya at nakita siya ang sakit sa mga iyun.
"Alexis wait! Mag-usap tayo!"ang malakas na pakiusap niya habang mabilis ang bawat hakbang niya papalapit sa mga ito.
At nang lumapit si Alexis sa kanya ay nakita niya ang pasa sa mga braso nito siya ang may likha. Pati na rin ang mga kalmot ng sugat sa mga braso at kamay nito.
Nangilid ang luha sa kanyang mga mata nang makita niya ang mga iyun.Tiningnan ni Alexis ang papalapit na si Trace, at mabilis na humarang si Brix sa kanyang harapan.
"Alexis mag-usap muna tayo, hayaan mo ako na makapag paliwanag" ang giit ni Trace.
"Brix, kausapin ko lang siya" ang mahinang sabi niya kay Brix at hinawakan niya ito sa braso nito.
"Sigurado ka ba?" ang paniniguradong tanong ni Brix sa kanya.
"Oo, I'll be okey, alam kong lagi kang nasa tabi ko" ang sagot niya kay Brix.
Ngumiti si Brix sa kanya at tumangu-tango. Tumayo ito sa gilid ng sasakyan nito at siya naman ay naglakad palapit kay Trace.
"Marcus kamusta ang baby mo?" ang pauna niyang tanong.
"Trace, ako si Trace, Alexis" ang biglang sagot nito sa kanya.
"Trace?" ang sambit niya, at pinagmasdan niya ang pagtango ng ulo nito, "I remember, I remember everything! I'm Trace your husband" ang giit nito sa kanya.
Isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi, napabuntong-hininga at napailing siya.
"My husband died, two years ago" ang malumanay na sagot niya, na ikinagulat din niya. Sa kabila ng labis na emosyon na kanyang nadarama sa kanyang dibdib ay kalmado pa rin siyang nakatayo at nakaharap kay Trace.
Umiling si Trace, "hindi, ako ito, Alexis, please, pakiusap patawarin mo ako" ang pagmamakaawa nito sa kanya at akma itong lalapit sa kanya para lapitan siya nito, ngunit umatras siya at umiling.
"You're not my husband Marcus, you can never be Trace, dahil kung ikaw nga si Trace, ang lalaking pinakamamahal ko, tumutupad iyun sa pangako, na, hindi niya ako makakalimutan. But, you did forget about me, I understand, you had an amnesia and your mind forgot me, pero, nakalimutan din ako ng puso mo, I tried to get into your heart Marcus, I tried to dig out Trace's love for me from your heart, that's why, I did everything, even stooping down so low, as to become your other woman, pero" ngumiti siya ng malungkot, "may iba ng nilalaman ang puso mo" ang malungkot na sabi niya.
"You're not my husband anymore" ang malungkot na saad ni Alexis.
Mabilis ang bawat pag-iling ni Trace, "no, hindi yan totoo" ang mariin na sagot nito at nakita niya ang mga luha sa mata nito.
"I'm letting you go" ang sagot niya.
"No! Ayoko! Mahal kita Alexis, ikaw lang!" ang mga hiyaw nito, at pinagtinginan na sila ng mga dumaraan na hotel guests.
"Go to Divine Marcus, go to your wife, and be her husband, she needs you, your baby needs you" she paused and sighed.
"I'm sorry if I endangered your child Marcus, but if you wanted to sue me, nakahanda ako at haharapin ko ito, may magaling akong abugada na tutulong sa akin" ang sagot niya na may malungkot na ngiti.
"Alexandria" bulong nito.
"Goodbye Marcus" ang pamamaalam niya, at pinigilan niya ang mga luha na nangilid sa kanyang mga mata. Pumihit na ang kanyang katawan para talikuran na si Trace at mabilis ang kanyang bawat hakbang papalayo rito.
BINABASA MO ANG
TRACE The Way To His Heart book 2 (COMPLETED) Self-Published
RomanceTime will test Alexis' love for Trace, will she wait? Or will she give up? Knowing that his heart doesn't belongs to her anymore. Their love and promises to each other, will be put to an ultimate test. And someone, is going to give up. Self publish...