“Ahm, Brix, sa, sa loob ba ng two years na nakasama mo sila ulit, si uh, Marcus, curious lang ako, kung may nagbago ba? kay Marcus? I.. I mean, physically? Kapag gumaling ba sa cancer may mga changes ba, also mentally?” ang pa simpleng tanong niya kay Brix, ayaw niyang mahalata nito na interisado siya sa katauhan ni Marcus.
Kumunot ang noo ni Brix, tila ba malalim ang iniisip nito, he likes Alexis, very much, but he cannot compromise the health history of Marcus, lalo pa ang pinagdaan nito na deliriums, insomnia, and forgetfulness. Ngayon pa nga lang ito nakabawi, when it comes to his mental health.
“Physically, may mga nagbago noon pero, sabi naman ni Divine dahil daw sa tapang ng mga gamot at series of chemo, kaya umuwi siya sa amin na parang nabugbog ang katawan nito, mabuti naman at nakarecover agad si Marcus physically, at mukhang, napaka healthy pa nga nito ngayon, and he looks even younger” ang paliwanag ni Brix.
Parang nabugbog? Hindi na siya makapag tanong pa ng husto, dahil sa baka mahalata na siya ni Brix.
Dahan-dahan niyang hinigop ang kanyang kape, saka niya muling ibinalik ang tasa sa ibabaw ng platito.
“Mabuti at nakakuha sila ng magandang hospital dito sa Pilipinas, saan ba siya na confine?” ang muli niyang tanong.
“Umm, honestly hindi ko alam kung saang hospital dito sa Pilipinas, hindi na nabanggit sa akin ni Divine, also, she kept Marcus's medical records from everyone, hindi na raw kailangan na malaman pa ang mapait na nakaraan” ang totoo na sagot ni Brix sa kanya.
“Ano nga pala ang nationality ni Divine?” ang tanong niyang muli.
“Divine is half Brazilian and Filipino, but she’s based abroad, and Marcus is same as her” ang saad ni Brix bago ito muling humigop ng kape.
“Ooh kaya pala blonde at gray eyes siya, yun ba talaga ang natural na kulay ng buhok at mata niya?” ang kunot noo niyang tanong kay Brix para hindi nito mahalata na interisadong – interisado siya.
Bahagyang natawa si Brix, “Uh, actually brown ang buhok ni Marcus, gusto lang ni Divine na gawin na ash blond ang kulay ng buhok ni Marcus para match daw sa mga mata nito na natural na kulay gray, yun nga daw ang asset ni Marcus sabi ni Divine ang mga mata nito, kung bakit daw siya nain-love kay Marcus” ang sagot ni Brix.
Bumagsak ang pag-asa ni Alexis. Pasok man sa kulay ng buhok si Trace pero mga mata nito? Natural na kulay abo. Ang sabi niya sa sarili at nakaramdam siya ng labis na kabiguan.
Her balloon of hope just popped in her face, her soaring spirit fell fast on the ground, and like a glass it shattered into many pieces.
He can’t be Trace, Marcus cannot be Trace, so lahat ay coincidence lang, nagkataon lang na, nakatagpo niya si Marcus na may mukha ng kanyang asawa.
Pero, bakit? Bakit ang tibok ng kanyang puso sa tuwing makakasama niya ito ay pamilyar at katulad ng pagtibok nito sa kanyang pinakamamahal na si Trace. Kaya lang ba niya ito nadama ay dahil sa binubulag ng kanyang mga mata ang kanyang puso? Dahil ba sa nakikita niya si Trace sa katauhan ni Marcus ay inakala ng puso niya, na ito ay si Trace?
Then, mali ang kanyang nadarama, hindi siya dapat naghahangad sa isang lalaki na pag-aari na ng iba. Maling magmahal ng may asawa na. Biglang bumigat ang kanyang pakiramdam at mukhang napansin iyun ni Brix.
“May? May problema ba?” ang alalang tanong ni Brix sa kanya.
She immediately looked straight to him and she forced a weak smile, then she quickly shook her head.
“No no of course not, I just can’t imagine the pain that they’ve been through, thinking that your love will be taken to you, but, the only conciliation, was, naalagaan pa niya si Marcus, nabigyan pa siya ng pagkakataon na makasama ang mahal niya at makita niya itong gumaling sa kanyang mga mata” ang malungkot na sabi niya.
“I know what you mean because you felt them too” ang sagot ni Brix sa kanya na may malungkot na ngiti.
Her heart swelled for Brix. Kaya siguro sa madaling panahon ay nagustuhan na ito ng mga anak, lalo na ni Niko, ay dahil sa taglay na kabutihan ni Brix.
Dapat ay tigilan na niya ang kanyang haka-haka na si Marcus ay si Trace. Siguro kailangan na rin niyang tumigil na umasa na buhay pa si Trace.
Masakit man ay sisimulan na niya, ang sabi niya sa kanyang sarili.
“So, ikaw? Anong nationality mo?” she asked Brix, she tried to sound lively, and she tried to show interests while she asked him.
Bigla naman nagliwanag ang mukha ni Brix, nang nagpakita siya ng interest rito.
“My father is pure American, while my mom is half Filipino and half English” ang magiliw na sagot ni Brix.
“Wow, and, bakit mo nga pala nasabi sa akin, back then, sa campsite, na sanay ka na humawak ng maiinit na bagay?” ang interisado na tanong niya, and she propped her left elbow on top of the table and she cradled her head on her left hand.
Brix folded his arms on top of the table, and he gave her a boyish grin, his dimple slightly showed on his left cheek.
“I’m a, I’m a chef, I own a chain of restaurants here and abroad, and other businesses” ang nahihiya na sabi nito sa kanya.
“Really?!” ang gulat na tanong niya, “no wonder you make good marshmallows” ang biro niya kay Brix, at pareho silang natawa, sa kanyang sinabi.
BINABASA MO ANG
TRACE The Way To His Heart book 2 (COMPLETED) Self-Published
RomanceTime will test Alexis' love for Trace, will she wait? Or will she give up? Knowing that his heart doesn't belongs to her anymore. Their love and promises to each other, will be put to an ultimate test. And someone, is going to give up. Self publish...