Chapter 12

1.2K 81 81
                                    

“Trace” ang mahinang sambit niya, hindi siya pwedeng magkamali, kahit pa iba ang kulay ng buhok nito, batid niya na iyun si Trace.
“Trace” ang mas malakas niyang sambit, habang nagsimula nang humakbang ang kanyang mga paa. Papalapit sa lalaking, para sa kanya ay si Trace. Nakatayo ito at kinakausap ang driver ng isang sasakyan. May hawak pa ito na coffee tumbler sa kamay nito.
“Trace!” ang malakas na pagtawag niya, kasunod ang mabilis na paghakbang ng kanyang mga paa.
“Ma’am?” ang alalang tawag sa kanya ng security ng kanilang hotel, at sumunod ito sa kanya.
“Trace!” ang sigaw niya, habang ang mga paa niya ay mabilis ang bawat hakbang, kailangan niya itong maabutan. Bakit hindi ito lumilingon? Sigurado siyang naririnig nito ang kanyang boses, dahil lahat na nga ng tao na nakatayo roon ay lumingon sa kanya.
“Traace!” ang muling sigaw niya, at pinagmasdan niya ito na hinawakan ang door handle ng backseat ng itim na kotse. Hinila nito ang pinto, at akmang papasok na ito sa loob. Nang muli siyang sumigaw at malapit na siya rito.
“Trace!” ang muli niyang attempt na pagtawag rito at pagkuha niya ng atensyon nito.
He turned his head towards her at bigla siyang napahinto. She stood there, frozen like a statue. Their eyes locked, for a few seconds, bago ito tuluyan na pumasok sa loob ng passenger side ng sasakyan.
“Trace?” ang naluluhang sambit niya, hindi siya maaari na magkamali. Si Trace ang lalaking iyun.
“Trace!” ang muling sigaw niya at hinabol niya ang kotseng patuloy na sa pagtakbo papalayo sa kanya. Patuloy pa rin siya sa pagtakbo at pagsunod sa sasakyan, hanggang sa pinaharurot na ng driver ang itim na kotse, at tuluyan na siyang naiwan nito, lulan ang lalaking may mukha at katawan ni Trace.
“Trace” ang humihingal at naluluha na sambit niya. At tumigil na siya sa pagtakbo at tanging ang mga mata na lamang niya ang nakasunod sa papalayong sasakyan.
Hindi niya alam kung ang mabilis na pagtaas-baba ng kanyang balikat at dibdib, ay dahil sa paghahabol niya ng kanyang hininga o dahil sa luha na kanyang pinipigilan.
“Ma’am, gusto nyo po ba na habulin ko?” ang nag-aalalang tanong ng security ng hotel na sumunod sa kanya sa paghabol sa sasakyan.
Umiling siya, alam niya na imposible na itong mahabol pa.
“Hindi na” ang naluluhang sagot niya, hindi siya pwedeng namalikmata lamang. Si Trace ang nakita niya, sa tagal ng nawala si Trace, hindi maaari na ngayon lang siya namalikmata at nagkamali na may napagkamalan siyang si Trace. Ngayon lang ito, ngayon lang, dahil hindi siya nagkamali. Iba man ang kulay ng buhok nito, mas lumaki man ang katawan nito, agad siyang nakilala ng kanyang puso.
“Ma’am, yun pong hinabol ninyo, ay galing po ng hotel iyun, kung hindi po ako nagkakamali, dumating po ito kanina lang” ang saad sa kanya ng security.
She quickly swirled to look at the security. Kahit pa kamukha ni Trace ito, hindi nila iyun, makikilala, dahil hindi pa nakita ng mga empleyado ng Southern Italian Hotel si Trace, dahil sa naibalik lang ang hotel sa kanya, pagkamatay ni Trace.
“Sa hotel po?” ang gulat na tanong niya at tumangu-tango ang security.
“Nag check in po kanina ma’am, mga isang oras bago kayo nakarating” ang sagot pa nito sa kanya.
Naka check-in sa Hotel? Madali lang niya na matitrace kung sino ito, ang umaasang sabi niya sa sarili.
“Thank you po” ang mabilis niyang sabi sa security na sinabayan na siya maglakad pabalik ng hotel.
Aalamin niya ang pagkakakilanlan ng lalaking, may mukha ni Trace. She walked briskly, pabalik sa hotel, pero nang palapit na siya sa main entrance nang tumunog ang kanyang phone.
Huminto siya sa paglalakad at binuksan niya ang kanyang handbag, she fished out her phone at napabuntong-hininga siya nang makita ang pangalan ng caller.
She sighed once again, before answering the call.
“Brix?” ang bungad na tanong niya.
“I’m sorry did I disturb you?” ang nahihiyang tanong ni Brix sa kanya.
Alexis bit her lips, hindi naman niya magawang magalit kay Brix. Brix was so kind to her. At hindi naman ito nangulit, kung nagpakita siguro ito ng magaspang na ugali, ay baka iniwasan at pinagsalitaan na niya ito.
“No – no” ang mariin na sagot niya.
“Uhm, itatanong ko sana kung papunta ka na rito? Ayoko sanang, magmukhang nangungulit sa iyo, if you can’t come, then, we’ll understand” ang sagot ni Brix sa kanya.
“No I’m on my way, nagkaproblema lang sa hotel kaya, kinailangan ko muna na magpunta rito” ang sagot niya.
“Really? Sayang, hindi tayo nag pang-abot, bumalik kasi ako diyan pagkahatid ko rito kay Divine, dumating kasi yung asawa niya, it was a surprise for her, kaya sa kwarto ko na muna siya pinatuloy” ang saad ni Brix sa kanya.
“Ganun ba?” ang matipid na sagot niya, habang ang kanyang mga mata ay nakatanaw sa glass doors ng hotel, at gusto na niyang pumasok sa loob.
“Gusto mo bang sunduin kita?” I’ll convoy you” ang alok ni Brix sa kanya.
“No-no, I’m on my way, kumpleto na ba kayo?” ang tanong niya at tumalikod na siya, sa pagkakaharap sa malapad na salamin na mga pintuan ng kanyang hotel.
Nagsimula na siyang maglakad patungo sa parking ng hotel para magpunta sa kanyang sasakyan.
“Okey papunta na ako” ang matipid niyang sabi. She pressed the red button and placed her phone again inside her leather handbag. She fished out her car keys, push the button and a beeping sound was heard from her car, before she pull open the driver’s door, and climbed inside the car.
She slammed shut the car door and she tightly gripped the steering wheel.
Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili. And she tried to swallow the emotions that build up inside her.
Meron pa naman siyang oras, mamaya, she’ll stay for a while, then she’ll excuse herself, para makauwi na siya. Then, saka siya dadaan ulit dito sa hotel, she’s going to know him, she has to know him! Ang giit ni Alexis sa kanyang sarili. Pinaandar na niya ang makina ng kanyang sasakyan, at saka pinaandar iyun papalayo sa hotel.

TRACE The Way To His Heart  book 2 (COMPLETED) Self-Published Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon