“Yes and we made snores!” ang masayang kwento ni Flyn.
“It’s smores! Not snores!” ang pagtatama ni Casey sa batang kapatid habang kumakain ng pancakes.
“Yes! Smores! Ooh its so yummy lola, and then we drink cocoa and eat roasted marshmallow” ang dugtong pa na kwento ni Flyn sabay subo ng malaking slice ng pancake na umaapaw sa maple syrup.
“Honey, your syrup's already dripping, please wipe it with some napkin? Thank you” ang sabi niya sa anak na namimilog ang mga mata sa pagkukwento ng mga nangyari noong nagbakasyun sila.
"Yeah, but it's sad that we have to go home early next morning, we're supposed to go boating, with tito Brix" ang nakangusong sabat naman ni Niko.
"Yeah, we didn't even say goodbye to him" ang malungkot na sagot din ni Flyn.
"We're coming back right mom? Maybe tito Brix will be there too!" ang excited na sabi naman ni Casey.Hindi sumagot si Alexis, nanatiling nakatikom ang kanyang mga labi, lalo pa at muling nabanggit ng mga anak ang hinahangaan nitong si Brix.
At mag-iisang linggo na, nga ang lumipas mula ng nagmamadali silang umuwi noong araw na iyun. Naalala ni Alexis na hindi pa pumuputok ang araw ay ginising na niya ang mga anak at sinabi niyang kailangan na nilang umuwi dahil sa hinahanap na sila ni Amora.
Iyun ang ginawa niyang dahilan, iyun ang pagsisinungaling niya sa kanyang mga anak. Dahil ang totoo, kaya siya nagmadaling umuwi, ay para mailayo ang mga anak sa lalaking nagiging malapit sa mga ito at mukhang unti-unting nahuhulog ang loob ng mga anak niya kay Brix, at ayaw niyang mangyari iyun. Ayaw niyang, maghanap ang mga anak niya ng father figure, hanggat kaya pa niyang ibigay sa mga anak ang kayang ibigay ng isang ama, ay gagawin niya.
She was scared, the moment his second born Niko, told her that he wanted Brix to be his daddy, she got scared. Hindi na halos siya nakatulog nang gabing iyun, at hinintay na lang na makakita ng kakaunting liwanag. Natakot siya, na magalit ang mga anak niya sa kanya, para sa isang bagay na hindi pa niya kayang ibigay sa mga ito. Ang magkaroon ng isang ama.
Alam niyang ang mga kaibigan nila ay pilit na pinupunan ang pagkakaroon ng daddy ng mga ito, bukod pa sa kanilang lolo at lolo chief na tumatayong mga ama rin ng anak.
Oo, alam niyang kahit papaano ay naiibsan ang pangungulila ng kanyang mga anak sa ama nito, pero, alam pa rin niya na, iba pa rin ang magkaroon ng sariling ama. Yung matatawag nilang, kanila. Pero, hindi pa siya handa, hindi pa handa ang puso niya na magkaroon ng panibagong iibigin, at hindi niya alam kung kailan pa siya muling magpapapasok sa kanyang puso ng panibagong lalaking mamahalin.“Wala ng tigil, isang linggo ng paulit-ulit ang kwento, pero nakakatuwa pa rin” ang nakangiting sabi ng mama Lea niya na napailing din. Habang nakaupo sila sa may kitchen isle, at umiinom ng kape, dinalaw silang muli ng kanyang in-laws dahil na rin sa weekend.
“Oo nga po, gusto nga po nilang umulit kaso, medyo, magiging abala na rin po ako nitong mga susunod na araw” ang sagot niya sa kanyang mama Lea, habang nakatingin ang kanyang mga mata sa tasa ng kape na yakap ng kanyang mga kamay.
“Magsusulat ka na ba ulit?” ang interisado na tanong sa kanya ng kanyang mother in law.
“Uh, hindi pa po, pero susubukan ko na rin na magsimula, yung tungkol po sa nabanggit ko na movie producer, yung gagawa po ng pelikula ng libro ko, sumagot na po kasi ako sa gusto nila pero, nagpadala po ako ng conditions, at nakatanggap po ako ng email kahapon na, payag na sila sa mga hiling ko at papunta na sila sa Pilipinas maybe this coming Tuesday, para sa signing ng contract” ang sagot ni Alexis sa kanyang mama Lea.
“We’re so proud of you anak” ang magiliw naman na sabi ng papa ni Trace sa kanya.
“Salamat po papa” ang sagot niya kay papa Gustavo na nakaupo rin kasama nila sa kitchen isle at umiinom din ng kape.
“Nga pala, lalabas kami ng mga bata ha? Yung tatlong gwapings kong apo, mag games daw kami sa mall” ang sabi ng papa Gustavo niya.
“Salamat po papa, dito na lang muna kami ng mga bulinggit” ang nakangiting sagot niya sa kanyang father in law.
“Boys, di pa ba kayo tapos kumain? Para makaalis na tayo at makapag laro na kayo, saan nga ulit iyun?” ang kunot noo na tanong ng lolo nito sa mga anak.
“Arcade po lolo” ang sagot ni Casey, na tumayo na at dinala sa lababo ang plato na pinagkainan nito. Sabay hugas ng mga kamay nito.
“You go on up to your room Casey, you brush your teeth first okey?” ang bilin niya sa anak.
Kasunod naman nito ang dalawa pang mas bata na kapatid na mabilis din na tumayo para ilagay sa lababo ang mga ginamit na plato. Naghugas ng kamay at mabilis at tumakbo kasunod sa kuya ng mga ito.
“Careful! Mahulog kayo sa hagdan! Niko! Flyn!” ang sigaw niya sa mga anak.
Napabuntong-hininga si papa Gustavo niya, “mabuti pa ay sundan ko na lang sa itaas” ang sabi ni papa Gustavo sa kanila, bago ito tumayo para sundan ang mga apo.
“Thank you po pa” ang pahabol na sabi niya sa kanyang father in law na naglakad patungo sa hagdan. Pinagmasdan pa nila ng kanyang mama Lea ang papaakyat na si papa Gustavo, hanggang sa tuluyan na itong nawala sa kanilang paningin. Tahimik silang naupo na magkatabi sa may kitchen isle habang uminom ng kape. Ilang minuto pa ang mahabang katahimikan na nagdaan sa kanila ng kanyang mama Lea, at pakiramdam ni Alexis, na nakikiramdam lamang ito at may gustong sabihin sa kanya, at mukhang may kutob na siya kung ano iyun.
“Uhm Alexis, anak, yung tungkol sa bakasyon ninyo ng mga bata?” ang panimula ng kanyang mama Lea, at kinabahan na si Alexis, mukhang may tutumbukin na ito na isyu.
“Ahm, ano po iyun mama?” ang patay malisya niyang patanong na sagot. Habang hawak ang cup ng kanyang mga kamay at sumulyap siya sa kanyang mama.
“Yung tungkol sa ikinuwento ng mga bata? Si Brix? Tito Brix?” ang tanong nito sa kanya.
She wet her lips with her tongue, wala naman silang ginawa na masama ni Brix, pero, nakaramdam pa rin siya ng hiya at kaba, ayaw kasi niyang isipin ng mga in laws niya na naghahanap na siya agad ng ipapalit sa namayapang anak.
“Ano po ang gusto ninyo na malaman kay Brix mama?” ang muli niyang tanong na sagot sa kanyang mama Lea.
Napabuntong-hininga ang mama Lea niya bago ito nagsalita.
“Mukhang, napalapit agad ang loob ng mga bata kay Brix” ang sabi ng kanyang mama Lea, magiliw ang boses nito at wala kang mababakas na pang-uusig sa boses ng kanyang mother in law.
“Ahm, siguro po kasi, dahil sa, naging malaking tulong po si Brix sa mga bata lalo na sa unang experience ng mga ito ng pangingisda, saka ng bonfire, pero, hanggang doon lang yun mama” ang giit niya sa kanyang nangingiting mother in law.
“Ha ha ha, ano ka ba naman Alexis, hindi mo kailangan na maging defensive anak, tinatanong ko lang naman” ang natatawang sagot ng mama Lea niya.
Napayuko si Alexis at ngumiti siya ng matipid sa kanyang mama Lea.
“Kasi po, ayokong isipin ninyo na… gusto ko ng palitan si Trace sa puso, isipan, at buhay ko” ang mahinang sagot niya.
Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ng kanyang mama Lea, at ang kaliwang kamay nito ay kinuha ang kanyang kanan na kamay para hawakan iyun ng mahigpit.
“Anak, hindi ka na namin huhusgahan, kung nagawa man namin iyun dati ay humingi na kami ng tawad at nakilala ka na namin ng husto at minahal na parang anak at asawa ng anak namin” ang sagot ni mama Lea habang nakatingin ito sa kanya.
Hindi sumagot si Alexis at nanatili siyang nakayuko at hindi makatingin sa kanyang mama Lea.
“Alexis, iha, tumingin ka sa akin” ang malumanay na pakiusap ng kanyang mama sa kanya.
Dahan-dahan na umangat ang kanyang mukha mula sa pagkakayuko at tiningnan niya sa mga mata ang mama ni Trace. Ang mga mata nito na parang kay Trace din.
“Anak, Alexis” ang mariin na sabi nito sa kanya, “masakit din sa amin ang pagkawala ni Trace, hindi ba dapat ang anak ang maglilibing sa magulang? Pero sa amin kabaligtaran” ang giit nito sa kanya.
“Pero, mama, oo at pilit kong tinatanggap ang pagkawala ni Trace, pero, paano ko lubusan na matatanggap, kung ni hibla ng buhok ni Trace walang nakuha na patunay na patay na ito?” ang giit niya sa kanyang mama.
Napabuntong-hininga ang kanyang mama Lea, “Hindi ba si chief na rin ang nagsabi sa atin na imposible na may mabuhay? Kaya halos lahat ng kasama niya ay hindi na rin nakuha?” ang mariin na sabi ni mama Lea sa kanya.
Kinagat ni Alexis ang kanyang ibabang labi, napakasakit pa rin sa kanya, sa tuwing maiisip ang pinagdaanan ni Trace.
“Ito lang naman ang sa amin anak, Alexis, iintindihin mo, napag-usapan na namin ito ng papa Gustavo mo, Alexis, na kung sakali na ikaw ay magkakagusto na muli sa isang lalaki na mamahalin ang mga anak mo at mamahalin ka, ay tanggap namin iyun, at wala kang maririnig na kung anuman na masama sa aming mga bibig, susuportahan ka namin Alexis, lalo pa at ang mga bata ay naghahanap na rin ng ama” ang paliwanag ng mama niya sa kanya.
Umiling si Alexis pero mabilis na nagsalita ang mama Lea niya.
“Alexis, hindi ka namin minamadali na makahanap ng bagong asawa at tatay ng mga bata, ang sa amin lang ay kung muli mang tumibok ang puso mo, huwag mong labanan, hayaan mong lumigaya kang muli, kahit pa ibig sabihin nito ay sa piling na ng iba at hindi na kay Trace” ang giit ng kanyang mama.
Napabuntong-hininga si Alexis, at dahan-dahan na gumuhit ang isang matipid na ngiti sa kanyang mga labi.
“Tatandaan ko po iyan mama, pero, matagal pa po iyun na mangyayari, salamat po sa pag-intindi ninyo sa akin at sa pagsuporta ninyo sa amin ng mga anak ko” ang sinserong sabi niya sa kanyang mama.
“Mahal na mahal ka namin Alexis lalo na ang mga apo namin, hanggat nandito kami, hindi ka namin pababayaan” ang nakangiting sagot sa kanya ng kanyang mama Lea at nagyakap sila ng mahigpit.***
Nakatayo si Alexis sa may harapan ng The South Italian Hotel, nakatayo siya sa main entrance, kung saan humihinto rin ang sasakyan ng mga parating na guests. She looked at her wristwatch sa kanyang kanan na braso. Ang relo na iyun ay regalo sa kanya ni Trace, at hindi na siya gumamit pa ng iba pang relo, kahit pa hindi iyun mamahalin.
Thirty minutes late na ang kanyang hinihintay, pero alam naman niya na malilate ito, dahil na rin sa delay ang connecting flight nito from Hong Kong, dahil na rin sa masamang panahon doon.
She looked down at her floral yellow dress, hindi na katulad ng dati ang mga isinusuot niya, although it still shows a bit of cleavage, pero, hindi na ganun kalalim ang neckline ng kanyang mga dress, dahil na rin sa kahilingan noon ni Trace.
She smoothed her hands on her balloon skirts, ang kanyang flouncing skirts, accentuates her small waist. Malaki rin ang ibinaba ng kanyang timbang, lalo pa noong sariwa pa ang pagkawala ni Trace na halos hindi siya kumakain, kung hindi lang niya naisip ang kanyang anak na nasa sinapupunan pa niya ay hindi niya magagawa na sumubo kahit kapiranggot na pagkain. Ngayon lang siya ulit nagbabawi ng kanyang timbang.
She didn’t wear a lot of make-up, na nakagawian naman niya, just a dusting of peach colored blush sa kanyang natural ng mapulang pisngi at kulay pink na lipstick na halos kakulay na rin ng natural na kulay kanyang mga labi. She wore her hair into a high ponytail, and she looked clean, fresh, and young.
Nanatili siyang nakatayo at matiyaga na naghintay, kahit pa kung tutuusin ay hindi naman na niya kailangan pang gawin ito. Pwede naman na tawagan na lang niya ang staff ng hotel para maasikaso ang client niya. Pero, she’s acting like a good hosts, at wala rin naman siyang iba pang gagawin sa bahay at nasa eskwela ang mga bata at ang lolo at lola ng mga ito ay hiniram naman ang dalawang maliit na apo ng mga ito.
Ilang mga sasakyan pa ang dumating lulan ang mga guests ng nasabing isa sa mga four star hotel sa metro. Pinagmasdan niya ang mga guests ng hotel na bumababa sa mga taxi or grab na mga sasakyan, ang iba naman ay mukhang may mga sarili din na sasakyan. May mga foreigners of different nationalities at mayron din mga Filipino na mukhang mga balik bayan. Pinagmasdan niya kung paanong magiliw at magalang na binati ng security ang mga papasok na bisita ng hotel. Mabilis din na may mga hotel employees na sumasalubong sa mga ito, para dalhin ang nga luggage at maleta na dala ng guests.
Maganda ang serbisyo ng hotel, kaya nga isa ito sa mga rising hotels sa metro, at hinding-hindi siya mapapahiya sa kanyang bisita.
Maya-maya ay may isang SUV na pumasok sa pakurbang driveway ng hotel, huminto ito sa main entrance at mabilis na lumapit ang mga Hotel securities para buksan ang pinto at isang concierge ang lalapit para batiin ang guests.
Isang mahabang tanned legs ang unang bumaba mula sa backseat, kasunod ang isa pa, at maya-maya pa ay ang kabuuan na ng isang matangkad at magandang babae ang lumabas. Mahaba ang nakaloose wave nitong buhok, she was wearing a short black skirt, kaya kitang-kita ang mahabang legs nito.
Her long sleeved black dress also have a deep v neckline, that showed a lot of cleavage. She used to wear those kind of dresses, pero, ng dahil kay Trace ay, nag toned down na ang pananamit niya. Her face was well made too, she’s got those cat’s eye look sa mga kulay brown din nitong mga mata at ang pouty lips nito ay kulay pula.
May sinabi ito sa concierge at itinuro siya nito sa babaeng bumaba ng sasakyan, at bahagya itong nagulat at napataas ang mga kilay. She walked towards her, her black high-heeled pumps, makes a tapping sound on the tiled floor. Her smile widened as she approached her. At namukhaan na niya ang babaeng papalapit. Naglakad na rin siya papalapit rito, para salubungin ito.
“Alexis? Alexis deLuca?” ang nakangiting bati nito sa kanya.
“Alexis Velasco” ang pagtatama niya sa pangalan na sinabi ng babaeng kaharap at ang hinihintay niyang bisita.
“It’s nice to finally and personally meet you” ang magiliw na bati nito sa kanya.
“It’s a pleasure also, for me to finally meet you Miss Salvador” ang magiliw din na sagot niya at idinaop niya ang kanyang palad sa nakalahad na kamay nito, para batiin ng pakikipagkamay.
“It’s Mrs. Salvador” ang sagot nito sa kanya.
“It’s Mrs. Velasco too” ang sagot niya rito.
BINABASA MO ANG
TRACE The Way To His Heart book 2 (COMPLETED) Self-Published
RomanceTime will test Alexis' love for Trace, will she wait? Or will she give up? Knowing that his heart doesn't belongs to her anymore. Their love and promises to each other, will be put to an ultimate test. And someone, is going to give up. Self publish...