Chapter 5

1.4K 82 218
                                    

Nakasilip si Alexis sa kanyang mga anak na abala sa pag-iihaw ng isda sa labas ng bahay, kasama nito si Brix na nakaupo sa isa sa mga bench sa harap ng isang mahabang picnic table.
Habang siya naman ay nagluto ng kanin sa loob ng bahay ay naghanda rin siya ng salad at chicken nuggets, para siguraduhin na kakain ang mga anak niya. She was thankful at may refrigerator, dahil sa nakagawa siya ng iced tea.
She was very thankful for Brix’s company, hindi dahil sa nababagot siya na kasama ang mga anak, kundi dahil sa, napakalaking tulong ni Brix, na mabigyan ng memorable first time cabin vacation at fishing expedition ng mga anak.
Mabuti na lang at nakiayon din ang panahon ng araw na iyun, may mga kumpol man ng ulap at medyo, makulimlim ang panahon, ay nakatulong naman ito dahil sa hindi masyado mainit sa labas, at balak nila na doon na kumain sa labas.
She drizzled the avocado ranch dressing on her salad, naglagay din siya ng dressing sa isa pang bowl para sa dip ng nuggets. Dahil sa gumawa siya ng marami, ay inilagay niya sa maliit na container ang sobrang dressing at ibinalik niya sa ref, naalala niya na mag – iihaw pa sila mamaya ng mga anak niya ng hotdogs, burger patties, at steaks.
Then, ang dessert nila ay ang marshmallows na iroroast nila sa bonfire. Hindi naman na mahirap gawin ang mga activity nila mamaya kaya, hindi na niya kakailanganin ng tulong ni Brix. Ayaw niyang maging attached masyado ang mga anak kay Brix. Ayaw kasi niya na maghanap na ng father figure ang mga anak niya at hindi pa siya handa para roon.
Inaalala rin niya, na baka pagbalik nila sa kanilang bahay, ay panigurado na magkukwento ang mga bata tungkol sa lalaking tumulong sa kanila. At, ayaw niyang mag-isip ang kanyang mga in-laws na, para siyang isang sabik na babae and she let a complete stranger, spend a day with them.
“Mommy!” ang malakas na pagtawag sa kanya ni Casey, kaya naputol na naman ang kanyang pag-iisip, she turned around and look at her first born.
“Yes honey?” ang tanong niya, habang hinahalo ang vegetable salad niya.
“Tapos na po kami mag-ihaw, tito Brix, told me to help you, sa paglalabas ng mga gagamitin natin” ang sabi ni Casey sa kanya.
“Oh, sige, kaya mo bang dalhin ang mga spoons and forks?” ang sabi niya sa anak.
Mabilis itong tumangu-tango at dinampot ang mga plastic rectangular container na naglalakad ng mga kubyertos na baon nila. Ayaw niyang gumamit ng plastic spoons and forks, lalo na ng plastic knife, kaya nagdala siya ng kanilang mga gamit.
“Careful okey?” ang bilin niya sa anak, at sunod naman na pumasok si Niko.
“Mom, is there anything you want me to do?” ang umaasang tanong nito sa kanya, at napagtanto ni Alexis na mukhang nagkakaroon ng kumpetisyon sa magkakapatid.
“Pakilabas mo na lang ang dala nating napkins” ang sabi niya sa anak at itinuro niya ang folded napkins na nakapatong na sa kitchen counter. Excited naman nitong kinuha ang isang balot ng napkins at patakbo pa itong lumabas ng pinto. She carried the bowl of salad and extra dressing with her hands, at nakasalubong naman niya ang bunsong lalaki, na kamukhang – kamukha ng daddy nito.
“Mom, can I help you with that?” ang tanong nito sa kanya na umaasang, hahayaan niyang tulungan siya nito, gaya ng mga kuya niya.
She felt that, her boys were having competition, with their newly found friend’s approval. Nakaramdam tuloy ng lungkot sa kanyang dibdib si Alexis. Kung nandito lang sana si Trace, ang sabi niya sa sarili. She tried to shook off her thoughts, hindi na dapat siya nag-iisip ng mga ganun na bagay, at kaya nga niya ginagawa ito, ay para makausad na siya sa kanyang buhay.
“Yes, honey, and this is the most important job or task that I will give you” ang mariin na sabi niya sa anak na lalaki, nanlaki ang mga mata nang marinig nito na, pinaka importante na bagay ang ipagagawa niya rito.
“What is it mommy?” ang interisadong tanong nito sa kanya.
“I want, no, NEEDED you, to look after your sister Ember, okey you accompany her outside, then, you watch over her, it’s like, you’re her brother bodyguard” ang sabi niya sa anak.
“You mean like a police? Like daddy?” ang excited na tanong ni Flyn sa kanya. Bigla na namang kumirot ang kanyang dibdib, dahil sa naalala na naman niya si Trace. Ang mga panahon na, binantayan at prinoteksiyunan nito ang kanyang buhay.
Inilapag niya ang mga bowl na bitbit ng kanyang mga kamay at tumungko siya sa harapan ng anak, hinawakan niya ang magkabilang balikat nito at tiningnan niya ang anak sa mga mata nito.
“Yes, just like daddy” ang sagot niya sa anak sabay yakap niya rito ng mahigpit kasunod ang paghalik niya sa noo nito.
“I love you Flyn” ang mahinang sabi niya sa tenga nito bago niya ito muling hinagkan sa noo.
“I love you mommy” ang sagot nito sa kanya, at mukhang na miss ng kanyang anak ang kanyang mahigpit na yakap sa mga ito, lalo na kay Flyn, dahil sa, he reminded her of his daddy.
“Go on, be your sister’s police bodyguard, okey?” ang sabi niya rito at inalis na niya ang kanyang mga braso sa pagkakayakap niya sa anak.
Tumangu-tango ito at mabilis nitong nilapitan ang kapatid na si Ember na naglalaro sa may maliit na sofa.
Muli siyang tumayo, at sinundan niya ng tingin ang dalawa, kinuha niyang muli ang dalang mga bowl at lumabas na siya ng cabin.
Nakita siya ni Brix na pababa ng hagdan, dala ang bowl sa magkabila niyang kamay. Mabilis itong naglakad palapit sa kanya para, pinagpagan pa nito ang mga kamay.
“Alexis let me help you with that” ang alok nito sa kanya.
“Oh no, kaya ko na ito” ang tanggi niya habang pababa ng hagdan.
“Iyan na lang ba ang mga kailangan?” ang tanong nito sa kanya, pagkababa niya ng tatlong baitang na hagdan, at lumapat na ang kanyang mga paa sa lupa, na tuyo na ng mga sandaling iyun.
“Ah, meron pa akong naiwan sa loob mga plato, baso, saka yung”-
“Then again let me help you, akin na muna ito, tapos tulungan na kita sa iba pang mga ilalabas, para hindi ka pabalik-balik” ang putol nito sa kanya sabay kuha ng mga bowl sa kanyang kamay at dumampi ang mga daliri nito sa kanyang mga daliri.
Mukhang napansin din iyun ni Brix, dahil sa napasulyap ito sa kanya. Isang matipid na ngiti ang isinagot niya kay Brix, at hinayaan na lang niya na kunin nito ang kanyang mga dala.
She watched his retreating back, while he walked towards the picnic table. She watched her excited son’s, jumping with excitement.
Masakit sa kanya na pagmasdan ang ganung eksena. She felt hurt, that her children were so hungry for an attention of a man.
Tumalikod na lang siya para hindi na niya ito makita pa. Gaya ng mga anak niya ayaw niyang maramdaman muli ang ganitong familiarity sa kanyang buhay, ang magkaroon ng manly presence sa kanilang buhay.
She climbed up the steps, she pulled open the door, and she removed her flip-flops. Before entering the house, she was about to close the door ng makita niyang paakyat na ng hagdan si Brix. Ang buhok nitong kanina ay maayos, ay medyo magulo, na, but it didn’t ruin his looks, mas lalo pa itong naging gwapo, dahil mas naging rugged ang hitsura nito.
“I’ll help you, oh, kailangan ko pa pala na hubarin ang sapatos ko, can I just stay here? Just give me the other things na kailangan ilabas” ang sabi sa kanya nito.
“Okey” ang matipid niyang sagot at tumalikod na siya rito. She knew na hindi iyun ang dahilan, kung tutuusin madali lang alisin ang suot nitong sapatos, he’s making a gentleman’s decision, na hindi pumasok sa loob ng kanilang cabin na silang dalawa lang, at napangiti siya.
“Do you think it’s practical kung ilalagay ko pa ang kanin sa bowl? Or ilabas na lang natin ang buong pot ng rice cooker?” ang malakas na tanong niya kay Brix.
“Wala naman tayo sa fine dining, kaya, ilabas na lang natin” ang nakangiting sagot sa kanya ni Brix.
“Yeah, you’re right” ang nakangiting sagot rin niya she carried the pot, covering it with a towel, dahil sa medyo mainit pa ito.
“Here” ang sabi niya kay Brix sabay abot ng rice pot.
“Ito lang ba? Kaya ko pang magdala kung mayron pa” ang sabi ni Brix.
“Uh, but you have to hold that with both hands at mainit” ang alalang sagot niya, at kumunot pa ang kanyang noo.
“No problem, sanay ako sa ganito, they paid me to handle hot stuff” ang nakangiting sagot sa kanya ni Brix, kaya lumabas na naman ang dimple nito.
“Really?” ang patanong na sagot niya habang nakataas ang kanyang mga kilay.
“Really, really” ang sagot sa kanya nito na mas lumapad pa ang mga ngiti nito sa labi.
“You’re joking” ang giit ni Alexis, at bahagya siyang natawa.
“Ha ha ha, halata ba? Then I’m not good in lying” ang natatawang sagot sa kanya nito.
“OK, I’ll let you carry the tumblers” ang sagot niya sabay talikod niya rito.
Pagbalik niya ay iniabot niya ang stack of tumblers, she lifted in eyebrow at him, challenging him kung paano nito dadalhin ang mainit na kaldero at ang stack ng tumblers.
Tinaasan din siya ng kilay ni Brix, binalot nito ng towel ang katawan ng pot, saka niyakap gamit ang kanan na kamay nito at idinikit sa kanyang tagiliran. Then he extended his hand to her, and flick his fingers, para ibigay niya ang mga tumblers dito.
Muli siyang nagtaas ng isang kilay rito, at napangiti siya bago niya iniabot ang mga baso.
“Now, I believe, that they pay you to handle hot stuff” ang nakangiting sabi niya kay Brix.
At isang tawa lang ang isinagot sa kanya nito.

Puno ng tawanan at kwentuhan ang kanilang pananghalian sa labas ng cabin. She found Brix to be a good listener and conversationalist, and he’s very patient with her kids, lalo na sa mga tanong nito.
Nang matapos na ang kanilang pananghalian ay tinulungan din sila ni Brix na magligpit, pero tinanggihan na niya ang offer nito sa paghuhugas ng kanilang mga pinagkainan. He has has done enough if not too much already para sa kanila.
“Ahm, thank you for inviting me for lunch, at salamat masarap na pananghalian Alexis, lalo na yung salad mo, ang sarap ng dressing” ang papuri ni Brix sa kanya.
“It’s the least we can do Brix, and thank you, for spending time with us” ang sinserong sagot niya rito.
“I love spending time with your family” ang nakangiting sagot nito sa kanya habang napako ang kanilang mga mata.
“Tito Brix, we’re going to build a bonfire later, will you join us? Please?” ang umaasang tanong ni Niko.
Nagulat si Alexis sa ginawa ng pangalawang anak, ayaw niyang makaabala pa ang mga anak niya rito, nagpunta rin si Brix sa lugar na iyun para magbakasyon at hindi para mag-alaga ng isang biyuda na may apat na anak, na sabik sa ama.
“Niko” ang mariin na saway ni Alexis sa anak at tinaasan niya ito ng kilay.
“Uh Niko”-
“I’m sorry, I’m sorry po, hindi ko po gusto mangulit” ang nakatungo na paghingi ng paumanhin ni Niko.
Brix crouched down in front of Niko and he held his small shoulders with his large hands.
“No don’t apologise, its just that, I didn’t want to intrude in your family bonding Niko” ang malumanay na sagot ni Brix.
“You won’t! Right mom?!” ang umaasang tanong ni Niko sa kanya.
“Uhm, Niko, ayaw nating maistorbo si Brix sa bakasyon niya” ang nag-aalangan na sagot niya.
Nakita niyang bumagsak ang mga balikat ng anak, at nakaramdam na naman siya ng kirot sa kanyang dibdib. May mga bagay ba talaga na hindi kayang ibigay ng isang ina na katulad niya? Ang masakit na tanong niya sa kanyang sarili.
Tumayo si Brix and he looked straight into her eyes.
“Niko? Will you leave us for a while? I wanted to talk to your mom please” ang malumanay na pakiusap ni Brix sa anak.
Malungkot ang mukha nito na tumangu-tango, bagsak ang mga balikat at nakatungo ito, na tumalikod sa kanila at naglakad palayo.
“Brix”-
“Look Alexis, hindi ninyo ako naaabala, it is me who was thinking na nakakaabala sa pamilya ninyo, now, if I’m not, I really wanted to spend time with your kids, I enjoy spending time with them, with YOU, so please, let me, let me spend time with you” ang giit nito sa kanya.
Nabigla si Alexis sa sinabi nito, hindi niya inaasahan na sasabihin iyun ni Brix, she was expecting na, magpapaalam na ito, at pakikiusapan siya nito na magpaliwanag sa mga anak niya, pero, hindi, hindi iyun ang narinig niya sa mga labi nito, ang sabi niya sa sarili.
Napabuntong-hininga siya, she knew that he meant good for her kids, but she has to be frank and honest with him, for the sake of her kids.
“Brix, I knew you meant well, it’s just that, ayoko na masanay sila sa ganito, at hahanap-hanapin nila ang bagay na hindi ko kayang ibigay sa kanila” ang mariin na sabi niya kay Brix.
Brix sighed and put his hands on his hips, saka ito tumingin sa kanya.
“Alexis, I’m not trying to be a father to them I’m just trying to be a good friend” ang sagot ni Brix sa kanya.
Hindi sumagot si Alexis at nanatiling nakatikom ang kanyang mga labi.
“Please Alexis, I’m so bored in my cabin” ang pakiusap nito sa kanya. And he gave her those goofy eyes na nagpatawa sa kanya.
“OK, pwede ka ba”-
Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin, dahil umiling na si Brix.
“Ako naman ang mag-iimbita sa inyo sa aking cabin” ang putol ni Brix sa sasabihin niya.
Umiling siya, “naku Brix, napakalikot ng mga anak ko, dito na lang”-
“Please Alexis, I impose, para naman ako ang matikman ninyo ang luto ko” ang giit ni Brix sa kanya.
Natawa siya sa sinabi ni Brix, saka siya tumangu-tango.
“Alright”
“Okey, sunduin ko kayo mamaya, mga five, would that be okey?” ang tanong ni Brix sa kanya, while he looked at her with those crinkling eyes of his.
“Yeah five o clock would be perfect” ang sagot niya.
He turned his body halfway, at muli itong lumingon sa kanya.
“Oh, meron ka pa bang avocado dressing?” ang umaasang tanong nito sa kanya.
“I’ll bring some” ang nakangiting sagot niya kay Brix.
Tumangu-tango ito at isang malapad na ngiti a naman ang gumuhit sa mga pisngi nito, na nagpakita na naman ng dimple nito. Saka ito tuluyan na tumalikod sa kanya at naglakad patungo muna sa kanyang mga anak, na nakaupo sa harapan ng picnic table. Pinagmasdan niya na kinausap muna niya ang mga ito, at kasunod nito ang malakas na hiyawan ng kanyang mga anak na may kasama pang pagtalun-talon.

And a tear fell from her eyes.

TRACE The Way To His Heart  book 2 (COMPLETED) Self-Published Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon