Chapter 9

1.2K 79 58
                                    

“Oh Mrs. Velasco indeed” ang nakangiting sabi ni Divine, sa maganda at mas batang writer. She looked so pretty in her flouncing dress and minimal makeup, and her body, was something every woman will get envy, Divine said to herself.
She worked so hard, just to maintain her hourglass shape, she's very disciplined in what she eats and by working out religiously.
“Please, follow me, I’ll accompany you to your room” ang nakangiting sagot nito sa kanya.
“Oh, thank you” ang magiliw din niyang sagot rito, at hinayaan niyang mauna muna ito na maglakad para mapag-aralan naman niya ang back profile ng writer.
Hmm, her back profile was as good as her front profile, ang sabi ni Divine sa sarili. All of a sudden, she felt threatened or insecure, with the much younger woman, na ngayon pa lang niya naramdaman.
Maya-maya pa ay nilapitan siya ng isang bellhop.
“Ma’am let me help you with your luggage” ang magalang na sabi sa kanya ng lalaki.
“Oh, thank you” ang matipid niyang sabi sa bellhop na kinuha ang kanyang luggage sa kanyang mga kamay.
Napakaganda ng hotel na ito, ang sabi ni Divine sa sarili, hindi siya makapaniwala na four star pa lang ang hotel. Sa lobby pa lang ay mamamangha ka na, ang wall na nagsilbing focal point ng lobby, ay may isang napakagandang painting ng mga bulaklak, at nagmukhang isang malaking canvass ito na may oil painting na mamamangha ka talaga sa ganda. The lobby was so spacious, at may mga sofas na maayos na nakalatag sa bawat sulok para sa mga bisita. At ang chandelier sa gitna ng lobby ay parang mga crystals na nagkikislapan.
Nakita niyang huminto sandali si Mrs. Velasco para hintayin siya, at nang magpang – abot sila ay muli itong nagsalita.
“Those are Henry 8th commissioned crystal chandeliers” ang nakangiting sabi ni Alexis sa kanya nang napansin siya nito na nakatingin sa itaas at humahanga sa ganda ng chandelier.
“I’m sorry?” she asked, and she regretted it because she sounded stupid, “oh the chandelier? They’re beautiful” ang tanging sagot ni Divine.
Tumangu-tango si Alexis sa kanyang sinabi, “How’s your flight? I’m sorry to hear about the delay, but, you can’t really challenge a weather” ang sabi sa kanya nito habang magkasabay na silang naglalakad.
“Oh yeah, I know what you mean, Mrs. Velasco”-
“Please, just call me Alexis” ang nakangiting sabi sa kanya nito.
“Then please call me Divine” ang magiliw naman niyang sagot rito.
“I will” ang matipid na sagot nito sa kanya at pinindot nito ang button ng elevator pagtigil nila sa harapan nito.
“Good morning ma’am” ang bati sa kanila ng isang bellhop.
Narinig niyang matipid na sumagot si Alexis, at ngumiti ng matipid sa bellhop na tumangu-tango sa writer.
Pagbukas ng elevator doors, ay binati rin sila ng isa pang bellhop na palabas ng elevator at magiliw.
“Good morning po ma’am Velasco” ang bati kay Alexis ng papalabas na na bellhop, at katulad ng nauna, ay isang matipid na ngiti ang isinagot ni Alexis sa employee ng hotel.
Pumasok sila ng elevator, at pinindot ni Alexis ang button sa fifteenth floor.
Hmm, mukhang patron ang writer sa lugar na ito? Ang sabi ni Divine sa sarili, at mukhang kilala siya ng mga empleyado sa hotel. Pero, paano ang isang writer lang ay can afford na mag check-in sa ganito kagandang Hotel? Velasco is not even a rich surname, huh, hindi kaya, may rich, side dude si Mrs. Velasco? Ang malisyosang sabi ni Divine sa sarili.
“Napaka galang naman ng mga employees dito” ang sabi niya.
“Uh-hmm, magiliw at mababait ang mga empleyado rito, I know you’ll enjoy your stay here, free breakfast sa hotels restaurant, buffet style” ang sagot sa kanya nito.
“I don’t really eat breakfast, but I sure will enjoy a cup of coffee” ang sagot ni Divine.
“May bar din sa ibaba, just in case you wanted to unwind and have a drink” ang sagot rin sa kanya nito.
“I’d love that, may co – producer will definitely love that” ang sagot ni Divine.
“Oh, speaking of your co-producer, where is he? I’ve reserved a room for him also, next to yours” ang sagot niya, “It’s Mr. Ford right?” ang tanong ni Alexis.
“Yes, nauna lang ang flight ko ng, about five hours earlier, later this noon pa ang dating niya, may mga inasikaso pa kasi siya” ang sagot ni Divine.
Tumangu-tango si Alexis, bumukas ang pinto sa fifteenth floor at pinaunang pinalabas ni Alexis si Divine. Paglabas nila, ng elevator kasunod ang bellhop, ay muling nauna na naglakad si Alexis sa carpeted hallway.
“This way please, this is the topmost floor where the “el presidente” suites are located” Alexis said to her, with that very professional voice of hers.
“I guess there were only, five guests in this floor, the two of you included” ang sabi pa nito sa kanya.
“How much does it cost for each room? The el presidente?” ang interisado na tanong niya.
“Hmmm, about fifty thousand per night” ang matipid na sagot nito sa kanya.
Fifty thousand? Kahit pa noong may mga negosyo siya ay hindi kailanman siya nag check-in sa mamahaling room ng isang hotel, it was too high a price for her. Eh mas lalo na siguro sa isang writer lang na si Alexis? Wow, the extent of her, hospitality was admirable, pero, saan niya kukunin ang pambayad sa hotel rooms nila ni Brix? Lalo pa at magtatagal sila rito ng ilang linggo.
Hindi kaya, she checked her in in this expensive suite, tapos siya rin ang pagbabayarin nito? My god, she’s almost destitute, at wala na siyang ipambabayad sa kwarto na ito.
Pero, ito ang nag-offer ng kwarto sa kanya, Alexis offered their accommodation, for her and Brix, but, she didn’t expect this luxurious of a suite, coming from a writer. Can she afford these? Ang tanong ni Divine sa sarili, mukhang masyadong nagpapa-impress sa kanila ang writer na ito.
“Here we are” ang sabi ni Alexis sa kanya pagtigil nila sa harapan ng pinto ng isang suite na may pangalan ng isang presidente na sa tunog ng pangalan ay Italian.
She watched Alexis, get a card key from her handbag and placed it in in front of scanner, then a beeping sound was heard. She watched Alexis held the knob, and pressed the button the pushed it open.
“Welcome” ang nakangiting sabi ni Alexis sa kanya, habang hawak nito ang pinto mula sa loob para buksan iyun at hinintay siya na pumasok sa loob.
Halos lumuwa ang mga mata niya pagpasok sa luxury room ng hotel. The wall was covered in dove gray wallpapers. Matataas ang nga bintana kaya pumapasok ang liwanag sa loob. The white heavy curtains gave the room, a fresh and clean feeling. The furnitures were all of cream colored, kaya malinis tingnan ang loob n kwarto. There was a small living area, a small dining area, at may isa pang pinto na sa tingin niya ay ang kwarto.
May small bar kung saan may maliit na refrigerator. At sa gitna ng dining table ay may nakalatag na cheese platter at Italian wine na nakalubog sa ice bucket, and wine glasses.
“Would you like to check the room? It has a personal toilet and bath, with jacuzzi inside, but, I guess, iiwan ko na sa iyo ang pagtour sa bedroom mo” ang nakangiting sabi ni Alexis sa kanya.
“Yes thank you” ang tanging naisagot ni Divine. The suite really exceeds her expectations.
“I’ll leave you now, so you can rest, alam ko naman na masyado mahaba ang oras ng biyahe mo, we’ll see tomorrow then? Sa office na lang ng abugado ko, I’ll call you early morning tomorrow para ibigay ang address and the hotel’s car service will take you there” ang sagot sa kanya ni Alexis.
“I think we’ll find a rental car instead” ang sagot ni Divine.
Tumangu-tango si Alexis sa kanya, “I’m sorry but I won’t be able to wait for Mr. Ford”-
“Oh no, don’t worry about him” ang sagot ni Divine.
Tumangu-tango muli si Alexis, “Alright then, I won’t disturb you any longer, you can call for room service any time you want or you can go to the restaurant, all expenses will be in my tab” ang dugtong pa nito.
“Thank you” ang tanging naisagot ni Divine, nagulat siya na pati pagkain nila ay si Alexis ang sasagot. Nasobrahan na sa pagpapa impress ang babaeng ito, ang sabi ni Divine sa sarili. Sigurado na mababaon sa utang ang writer na ito, sa kwarto pa lang nila ni Brix.
Lumapit ang bellhop kay Alexis at nakita niyang may sinabi ito sa bellhop, at tumangu-tango ito.
“I won’t keep you any longer Divine, I’ll see you tomorrow” ang sabi ni Alexis sa kanya bago ito lumabas ng kwarto kasunod ang bellhop pero pinigilan niya ito.
Sigurado na may malalaman siya sa bellhop na ito, kumuha siya ng pera sa kanyang wallet para ibigay na tip. Alam niyang masyadong malaki ang tip niya na iyun, pero para sa kasagutan sa itatanong niya kailangan.
“Uhm, excuse me” ang sabi niya sa bellhop, na naglakad pabalik sa loob ng kwarto.
“Yes ma’am? Do you need something?” ang magalang na tanong nito sa kanya.
“Here” ang sabi niya sabay abot ng pera.
“Oh no, ma’am, sinabihan po ako ni ma’am Velasco na huwag na daw po ako tumanggap ng tip mula sa inyo, at siya na po ang bahala sa amin” ang magalang na pagtanggi nito sa kanya.
“Why was she so generous? Is she a patron here? Obviously kilala siya ng halos lahat ng nagtatrabaho rito?” ang takang tanong niya.
“Kilala po si ma’am ng lahat ng nagtatrabaho rito, ma’am” ang pagtatama sa kanya ng bellhop.
Divine was startled, and she frowned. Kilala ng lahat ng employees?
“Why? Why is that? Na kilala siya ng lahat ng employees dito sa hotel?” ang takang tanong niya.
“Mrs. Velasco owns the hotel” ang nakangiting sagot sa kanya ng bellhop.
***
“They’re on their way now” ang sabi ni Alexis kay Alexandria. Nasa loob sila ng  opisina nito, it was the day na magpipirmahan na sila ng kontrata. Alexandria reviewed the contract that was sent to her earlier though email. At pumayag sila sa kanyang kundisyon.
“So how is she?” ang interisado na tanong ni Alexandria while sipping her coffee.
“Who?” she asked, innocently, while sipping her coffee.
Alexandria scoffed, “the producer?” ang mariin na sagot ni Alexandria sa kanya.
“Beautiful, like, Victoria Secret model” ang sagot niya kay Alexandria, whose lips formed an o.
“Oh” ang nakangiting sagot ni Alexis, at bahagya siyang natawa sa naging reaksyon ng kaibigan.
“Sinong kasama niya, husband niya?” ang tanong muli ni Alexandria sa kanya.
Umiling si Alexis, “no, a certain friend of hers, Mr. Brixton Ford” ang sagot ni Alexis.
“And how is Mr. Brixton Ford?” ang tanong muli ni Alexandria, her eyes twinkling.
Napailing si Alexis, her friends were trying to play matchmakers to her this past few weeks, pati mga pinsan nina Deven at Ace ay gusto sa kanyang ipakilala ng mga ito.
“I didn’t get the chance to meet him yet, kagabi lang yata siya dumating” ang sagot ni Alexis.
“Hmm, tuloy ba tayo mamaya?” ang tanong ni Alexandria.
“Not unless may mga lakad kayo? Then hindi tayo tuloy” ang sagot ni Alexis.
Napabuntong-hininga si Alexandria, they missed the old Alexis, natatandaan pa niya na kapag nagtanong sila rito noon tungkol sa kung tuloy ang lakad nila, ang isinasagot nito palagi ay, “guguluhin ko mga buhay ng asawa ninyo kapag di tayo natuloy” and those big brown eyes of her twinkling with mischief. Pero ngayon, masyado na itong seryoso. She lost her glow, her life and her fire.
“Of course tuloy tayo, how about that coffee with Creed?” ang umaasang tanong ni Alexandria.
Napabuntong-hininga si Alexis, “who’s Creed?” ang tanong niya.
“Friend ni Lyndon, may-ari ng chain of hotels, the Houghton Hotels?” ang sagot ni Alexandria.
“Five star hotels” ang sagot niya. At tumangu-tango si Alexandria.
“Pag-iisipan ko pa” ang sagot niya at nakita niyang bumagsak ang mga balikat ni Alexandria.
“Magiging busy ako this coming week, at kapag may spare time naman ako, I’ll spend it with the kids, kaya, next time na iyang coffee with Mr. Creed Houghton” ang sagot niya kay Alexandria.
“KJ” ang bulong nito.
“Thank you” ang nakangiting sagot naman niya.
“Oo nga pala, naibalik na namin halos lahat ng businesses mo na kunwaring binili ni Raul from Nana, the estates and businesses na nasa Italy at Spain” ang balita sa kanya ni Alexandria.
Tumangu-tango si Alexis, isa ang South Italian Hotel sa mga naibalik sa kanya na pag-aari ng kanyang papa Rafael deLuca. Noong una ay wala siyang pakialam sa mga negosyo na nawala sa kanya, pero ngayon na nawala na ang hilig niya sa pagsusulat at ang kanilang padre de pamilya, naisip niyang imanage na rin ang ibang negosyo na naibalik sa kanya. Para sa kanyang mga anak.
“How about the case?” ang tanong niya kay Alexandria.
Napabuntong-hininga si Alexandria, “I don’t know, I know we have a hard evidence against him, pero” Alexandria sighed, “I’m not feeling good about this Alexis” ang mariin na sagot nito sa kanya.
“I believe in you Alexandria, kahit ano pang kalabasan ng case, I know na, ginawa mo ang lahat, para makuha ang hustisya” ang giit niya kay Alexandria.
“Thanks” ang nakangiting sagot ni Alexandria sa kanya.
Maya-maya ay tumunog ang telepono ni Alexandria. She watched her held the receiver in her pink colored lips.
“Yes?” Alexandria answered, “okey, let them in” ang matipid na utos nito sabay balik ng receiver sa cradle ng telepono.
“They’re here” ang sabi ni Alexandria sa kanya.
Tumangu-tango si Alexis at tumayo siya para salubungin ang papasok sa loob ng opisina. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto. At pumasok si Divine, looking gorgeous as ever, she was wearing a gray suit and skirt, at wala itong panloob sa suit jacket nito kaya labas ang cleavage nito. Her hair was meticulously done, her soft curls bounces with her every step, and she wore that cat's eye look in her eyes and red lips.
At kasunod nito ang isang pamilyar na mukha. At nanlaki ang mga mata niya ng mapagtanto kung sino iyun.



TRACE The Way To His Heart  book 2 (COMPLETED) Self-Published Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon