"Chelshie, anak! Gumising ka na dyan at mag aalmusal na tayo" agad akong napabalikwas ng bangon sa lakas ng katok ni mama mula sa pintuan ng kwarto ko.
Napanguso ako, sayang magkikiss na sana kami ni Astro baby kaso naudlot pa. Napatingin ako sa malaking poster na nakadikit sa mga dingding ng kwarto ko at sa likod ng pintuan, biglang gumaan ang pakiramdam ko ng makita ko ang mga mukha ng kinahuhumalingan kong boy group na Gal-X-Tro.
"Opo, lalabas na" sabi ko at lumabas na ng kwarto. Pagbaba ko ng hagdan nakita ko ang kapatid ko na nagdidilig ng mga pananim niyang mga bulaklak sa labas ng bahay. Lumapit ako sa bintana at tinawag siya.
"Clyden! Tara na kakain na raw"pukaw ko sa kaniya. Tiningnan niya lang ako saglit at bumalik ulit sa ginagawa niya.
"Wait lang ate, kinakausap ko pa yung mga halaman ko. Pakisabi kay mama susunod na" Tiningnan ko pa ng matagalang kapatid ko, iniestima kung nagbibiro lang siya. Napailing nalang ako, ang weird talaga niya kahit kailan.
Pumunta nalang ako ng kusina at nakita kong nakahanda na lahat. Umupo ako sa pwesto ko.
"Mama, susunod nalang raw si Clyden" sabi ko sabay kuha ng fried rice, hotdog at toccino, sobrang gutom eh.
"Haay naku yan talagang kapatid mo kanina ko pa tinatawag pero nakatuon nanaman sa mga tanim nyang halaman" medyo natatawang sabi ni mama at umupo narin. Sanay na kasi siya pero noong una gusto pang ipaalbularyo si Clyden kasi kinakausap niya yung mga halaman.
"Osiya nga pala, si papa mo lumuwas kanina kasama si ninong Orlando mo pumunta silang Baguio titingnan nila ang pinapagawa nating rent house doon" sabi ni mama sabay subo ng kanin at ulam.
"Anong oras sila umalis ma?" tanong ko, kaya pala walang maingay hehe, madaldal kasi si papa halos lahat ng nangyayari sa kanya kinukwento niya. At naikwento na niya buong nangyari simula noong nagkaisip at lumaki siya.
"Kaninang madaling araw, para daw hindi hassle ang pagbyahe nila" napatango nalang ako kaya pinagpatuloy ko nalang ang pagkain.
"kaya naman, ikaw ang maglilinis ng rent house natin ngayon" nakangiting sabi ni mama. Nanlaki ang mga mata ko at nabilaukan kaya agad akong uminom ng tubig. Hindi ba alam ni mama kung anong meron ngayon?
"Ma! Hindi mo ba alam kung anong araw ngayon?"
"Aba'y alam ko, sabado ngayon kaya wag mo kong masigaw-sigawan dyang bata ka baka gusto mong hindi kumain ng isang linggo." Pinanlakihan niya ako ng mata.
"Ma naman eh, ngayon ang release ng bagong album ng GalXTro, kailangan ko yung panoorin" pagmamaktol ko kay mama habang nakanguso.
"Aba, uunahin mo pa yan kesa sa business natin? saka mamayang gabi na dadating ang magrerent. Galaxtro galaxtro ka dyan, magtigil ka" ngayon ay seryoso na siya. Sabi ko nga hindi niya alam kung anong meron ngayon at wala siyang pakialam huhu. Ano ba yan masisiraan akong ulo kapag hindi ko napanuod ang album nila at hindi makokompleto ang araw ko kapag hindi ko nakita si Astro baby.
"Gal-X-Tro yun!" pagtatama ko. Sakto namang pumasok ang kapatid ko sa dining area. "ayan ma, si Clyden nalang tutal wala naman siyang gagawin" tinuro ko pa ang kapatid ko habang nakanguso.
BINABASA MO ANG
That being a Fangirl
FanfictionIlusyonada, adik, baliw at ambisyosa yan ang ilan sa mga katangian ng isang die hard fan, medyo harsh pero yan ang totoo. Ang babaing ito ang magpapatunay dahil makikita niyo talaga sa kanya at sa bibig niya pa mismo nanggaling. Siya pa ang nangung...