Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mata ko.Akala ko hindi na ako makakatulog sa sobrang pag iisip ko sa GalXTro, kung saan ako makakabili ng album nila dahil sa collections ko yun at kung nasaan sila.
Dali-dali akong bumangon habang kinukusot ang mga mats ko, kinuha ko ang cellphone ko at tinype ang website ng KakabogChizzBuzz pero wala pa rin silang update! Hindi to pwede!
Chinat ko ang bestfriend ko kahit hindi pa siya online, sigurado akong natutulog pa yun sa kanya nalang ako magpapasama sa paghalughog ng buong Pampanga.
Naligo na ako at nagbihis, wala dapat na sinasayang na oras. Pagbaba ko ng hagdan dumiretso akong kusina para uminom ng tubig, hindi na ako mag-aalmusal kasi dapat walang sinasayang na oras. Kila Venice nalang ako siguro makiki almusal. Nakita ko si mama busy sa pagbabalot ng bilao, sigurado akong pa-welcome niya 'to sa nagrerent ng bahay. Yan na ang lagi niyang ginagawa para daw suwertihin at siya pa mismo ang nagluluto.
Lumapit ako sa lamesa. "Ma, anong niluluto mo ngayon?" tanong ko habang dumudungaw.
"Halayang ube at putong puti" sa narinig ko bigla akong nagutom, mga favorite ko pa naman ang niluto niya.
"Meron pa pong tira?" tanong ko, nagbabakasakali lang."Patikim naman ma"
"Ay naku wala na, sakto lang itong naluto ko" tumingin siya sa akin. "Oh bakit bihis na bihis ka? May lakad ka ba?" nagtatakang tanong niya habang nagpupunas na ng lamesa.
"Opo ma, pupunta ako kina Venice may gagawin po kami." sabi ko sabay lapag ng baso na ininuman ko at pasimpleng sinilip ang laman ng bilao. Sayang sobra pa namang nakakatakam.
"Aba'y sakto dalhin mo muna ito sa nag rent ng bahay, pa-welcome natin sa kanila." Inilapag ni mama sa harapan ko ang bilao na may malapad na ngiti."mabuti nalang at lalabas ka rin, sumakit bigla ang kamay ko sa kakahalo" nangunot ang kilay ko.
"ma naman eh, kailangan ko ng umalis. Nagmamadali ako" sabi ko habang nag papadyak. Kailangan kong malaman kung nasaan ang GalXTro! Baka may concert pala sila hindi pa ako makapunta.
"Edi bago ka pumunta kina Venice. Idadaan mo lang naman yan sa bahay hindi ko namang sinabing makipagkwentuhan ka sa mga nagrent. Wag kang padyak padyak dyan Chelshie, saglit ka lang doon." May diing sabi ni mama habang nilalakihan ako ng mata.
Wala na akong nagawa, kinuha ko na lang ang bilao at mabilis umalis sa kusina baka kasi ipukpok pa sa akin ni mama ang kalderong nasa gilid niya.
Kinuha ko ang duplicate key sa ibabaw ng lamesa sa sala, dito ko kasi nilagay kagabi katapos kong maglinis.
Lumabas akong bahay na nakabusangot at naabutan kong nagdidilig ang kapatid ko ng tanim niyang halaman. As usual kinakausap nanaman niya ang mga ito kaya hindi na ako napansing lumabas.
Binuksan ko ang gate ng katapat naming bahay. Dumiretso akong likod ng bahay kasi malapit doon ang kusina nila, mukhang tulog pa mga tao kasi tahimik ang bahay. Malamang chels maaga pa! sabi ko nalang sa isip ko. Ilalagay ko sana ang susi sa doorknob pero nakabukas ito.
"Ano ba yan, napaka careless naman" asik ko. Paano kung manakawan sila! paano kung kuhanin lahat ng mga gamit sa loob ng bahay!Mahirap na sa panahon ngayon, marami ng magnanakaw. Ang mamahal pa naman ng mga gamit pero baka naman nakalimutan lang nilang isarado.Ang hirap din kapag overacting ang utak.
BINABASA MO ANG
That being a Fangirl
FanfictionIlusyonada, adik, baliw at ambisyosa yan ang ilan sa mga katangian ng isang die hard fan, medyo harsh pero yan ang totoo. Ang babaing ito ang magpapatunay dahil makikita niyo talaga sa kanya at sa bibig niya pa mismo nanggaling. Siya pa ang nangung...