CHAPTER SEVEN

8 4 0
                                    


"Nandito na ako" malamyang sabi ko ng makapasok sa loob ng bahay namin, ito na yata ang pinakapagod na naramdaman ko sa tanang buhay ko, nawala lahat ng energy sa katawan ko. Hindi pa man ako nakakapunta sa sala sumulpot na agad ang kapatid ko. Ano nanaman kayang sasabihin nitong kaabnormalan.

"Ate! Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nila sinaktan? Effective ba yung bawang? Ate sumagot ka! kinakabahan na ako sayo. Mama! Si ate hindi na niya tayo kilala!" Shemay 'tong kapatid ko paano ako makakapagsalita kung sunod sunod ang mga sinasabi niya. Hawak hawak pa niya ang kamay ko at natataranta. Hindi ko alam kung matatawa, maiiyak o maawa ako sa pinanggagawa niya.

"Ano ba yang sinisigaw mo dyan Clyden?" nakita ko si mama papalapit sa amin may hawak na sandok. Nagluluto na siguro siya ng panghapunan namin kasunod naman niya si papa na naka apron as usual magkatulong nanaman silang magluto hindi ko alam kung nagluluto ba sila o naglalambingan lang.

"Anak ginabi ka, saan ka nananghali? hindi ka namin nadalhan ng pagkain wala kasing maghahatid. Lahat ba nilinis mo? Dapat ipinagbukas mo nalang yung iba ayos lang naman daw yun sabi ni Mr. Teng." Sabi ni papa ng makarating sila sa sala. Paano ba naman kasi lahat daw linisin ko, as in lahat! Kaya pati bububong nilinis ko. Sobrang dami nilang kalat puro mga karton na malalaki na wala namang laman, mga bagahe na lahat nakabukas, yung mga damit nila nagkalat kaya tinupi ko lahat, bawat kwarto yung mga gamit nila nakakalat parang dinaanan ng bagyo pero syempre yung isang kwarto hindi ko nabuksan kasi nakalock. Mabuti nalang wala pa sila, sinikap ko talagang hindi nila ako madatnan.

"Okay lang papa doon na po ako nananghali, nagluto nalang po ako ng pagkain ko doon at tinapos ko na po lahat para isahan nalang ang pagod." Ang sakit ng katawan ko para akong binugbog ng sampong katao.

"Chelshie, baka pagalitan ka ng umuupa dahil nakialam ka doon" sabi ni mama habang nakalagay ang dawalang kamay sa baywang.

"Hindi po mama, okay lang naman daw po yun" syempre palusot ko lang yun para hindi ako pagalitan sa pagiging pakialamera ko, nilinis ko naman ang pinaggamitan ko para walang bakas ng krimen hehe. Krimen talaga.

"Hayaan mo na sweetheart atleast nakakain ang anak natin at hindi nagutom" paglalambing ni papa kay mama. Napangiwi ako hindi ko alam kung mandidiri ako o kikiligin. Okay ako na ang bitter! Kainggit kaya.

Nakita ko naman ang kapatid ko nakangiwi din siya. "SPG! mama papa tama na yan nagugutom na po ako" tingnan mo panira ng moment may patakip takip pa ng mata akala mo hindi lalaki. Natawa nalang sila mama at papa.

"Osiya, itutuloy na namin ang pagluluto at ikaw chelshie umakyat ka na sa kwarto mo at maligo, mukha ka ng basurera" natatawang sabi ni mama kaya napatawa din si papa. Hala! Dali dali akong umakyat ng hagdanan.

"Magpahinga ka muna tatawagin nalang kita kapag kakain na" pahabol ni papa habang natatawa.

Kung makatawa naman sila parang hindi nila ako anak haayss.

Pumasok akong kwarto at dumeretso sa banyo para tingnan ang sarili ko. My Goodness! Mukha nga akong basurera. Yung buhok kong tinali ko kanina ang gulo gulo na at may agiw pa, yung mukha ko nangitim dahil sa alikabok, inamoy ko naman ang sarili ko ang baho ko na rin dahil sa pawis at ang suot damit madumi na din.

That being a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon