Pumasok na ako agad sa loob ng gate huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa front door. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan pagpasok ko palang sa gate pero nandito na ako wala nang atrasan 'to.
Bumukas ang pinto at tumambad si Astro baby sa harap ko kaya nagulat ako. Hindi naman siya nagulat siguro expect na niyang ako ang kumakatok, nakatingin lang siya sa akin pero hindi ko mabasa ang emosyon na nakikita ko sa mata niya. Nang makabawi ako sa pagkakagulat napayuko ako at hindi nagsalita, ayaw kong mapagalitan ulit at masakit pa din ang pagsigaw niya nang hindi man ako pinagpapaliwanag.
"Umm-"
"Hyung nandiyan na ba si Erie noona?" sumulpot si Teiwon sa likod ni Astro baby saka siya napatingin sa akin sa akin at ngumiti. "ohh hello noona nandyan ka na pala, bakit hindi ka pa pumapasok?" tanong niya. Hindi na ako nakasagot dahil pumunta siya sa likod ko at tinulak tulak ako papasok sa loob ng bahay kaya nagpatangay nalang ako, nilagpasan namin si Astro baby na nandoon pa rin nakatayo sa may pintuan.
"I'm glad that you're okay now noona. I thought you'll leave us" napatingin ako ako kay Teiwon na nakanguso kaya natawa ako sa itsura niya. Ako? Iiwan sila? No way in this earth na mangyayari yun. Isa akong die hard fan kaya malabong mangyari yun, baka sila ang nga ang mangiiwan at yun ang hindi malabong mangyari dahil aalis din sila dito. Kahit handa na ako sa bagay na yun hindi ko pa rin maiwasang malungkot kaya susulitin ko ang mga araw na nandito pa sila kahit may konting problema lang kay Astro baby.
"Ano ka ba trabaho ko na 'to at sumusweldo ako. Kahit iwan ko kayo dito nasa tapat niyo lang naman ang bahay namin, pwede kayong pumunta" pagbibiro ko. Idadaan ko nalang sa biro ang mga naiisip kong kalungkutan kahit papaano nakakagaan din sa pakiramdam.
"Woah are you really inviting us? You said it, there's no turning back noona" ngiti ngiting sambit niya. Ang bilis niya talagang magbago ng mood.
Pero sandali nagbibiro lang ako dun eh, pero bukas na bukas naman ang bahay namin at ang kwarto ko para sa kanila hihi.
"Pero sabagay nakapunta na ako sa inyo" dagdag pa niya.
"At kailan ka naman pumunta sa amin?" nagtataka kong tanong at bakit hindi ko alam yun.
"When your brother saved me from those crazy girls na sinasabi kong tiring and long story kung bakit kami nagkakilala and When I deliver those basket of fruits" malapad na ngiting sambit niya. Teka bayani na pala ngayon si Clyden tapos hindi man niya chinika sa akin ang tungkol dito.
"Ha? Ikaw yung nagdeliver? Bakit walang binanggit sa akin si Cyden eh kilala ka naman pala niya" Hindi ko na inungkat yung crazy girls na sinasabi niya dahil ito yata yung kailangan ng mahabang paliwanag.
"Yes I was the one who delivered it" tapos natawa siya. "Noona, did Clyden knows us? Because I tell you noong ibinigay ko yun hindi niya ako nakilala at akala talaga niya delivery boy ako." Naku talagang Clyden akong nahihiya sa pinanggagawa niya.
"Hay pagpasensyahan mo na siya ganun talaga yun medyo makakalimutin. Actually hindi niya talaga kayo kilala." Tumango tango naman siya. Naalala ko nananaman yung pinagsasabi ng kapatid ko na kulto daw sila, syempre hindi ko naman sasabihin yun sa kaniya baka mamaya ma offend sila. Tumakas nga lang ako sa bahay namin dahil hindi ako pinapayagan ng kapatid kong pumunta dito, kung umasta para namang nakakatanda kong kapatid. Bago ako matulog kagabi sandamakmak na walang kakwenta kwentang bagay ang pinagsasabi niya at mabuti nalang tulog pa siya kaya nakaalis ako ng bahay namin.
BINABASA MO ANG
That being a Fangirl
FanfictionIlusyonada, adik, baliw at ambisyosa yan ang ilan sa mga katangian ng isang die hard fan, medyo harsh pero yan ang totoo. Ang babaing ito ang magpapatunay dahil makikita niyo talaga sa kanya at sa bibig niya pa mismo nanggaling. Siya pa ang nangung...