Isa lang ang masasabi ko. Napakalakas ng loob ng babaeng humarang sa dinadaanan namin at ang mas nakakakaba si Astro baby ang nasa harap. Hindi ko makita nag reaksyon niya pati ang mga kasama namin pero kitang kita ko ang reaksyon ng babae para siyang kinikilig na naiihi na ewan na nakatayo sa harapan. Parang nakita ko na ang reaction na yan, teka parang sa akin yata.
May hawak siyang poster at album ng mga GalXtro.Hindi niya pinapansin ang mga body guards na nagpapaalis sa kaniya. Fight girl!Kaya mo yan! Kapwa fan ko yan kaya support ko.
"I'm your super fan. Please! Pwede pong pirmahan niyo ang posters at album" inilahad niya ang mga hawak niya at may pentel pen na inilabas.
Dumaan muna ang dalawang minuto bago may sumagot sa babae. Grabe ako ang nangalay sa kaniya.
"We're not available right now" si Astro baby ang sumagot. Dahan dahang ibinaba ng babae ang mga hawak niya. Ang sakit nun, yung ginawa mo lahat lahat pero nabalewala lang. Dereretso lang kaming lumakad. Nilingon ko naman si Teiwon na nasa gilid ko pero nagkibit balikat lang siya. Mukhang sangayon naman ang lahat sa sinabi ni Astro baby dahil wala namang nagsalita kahit ang leader na si Xenon.
Nilagpasan namin ang yung babaeng naghihingi ng autograph, lakas talaga ng loob niya ako nga hindi ako nakakahingi ng pirma sa kanila teka nga bakit pala hindi ko pa ginagawa yun. Tiningnan naman niya ako ng masama at inirapan, hala attitude ka gurl?
"Bakit may kasamang yaya ang GalXTro? Gosh nakakasira siya ng image ng idol ko" kausap niya yung mga kasama niya. Nakakainis ah hindi ako yaya! House keeper lang. Hindi ko nalang pinansin yung pinagsasabi niya at yumuko nalang.
Inakbayan naman ako ni Teiwon at bumulong "Don't mind them noona" tumingin naman ako sa kaniya at tumango. "And I have something to tell you, yung tatlong babae na nilagpasan natin those are crazy girls na humabol sa amin ni Clyden." Nagulat ako sa sinabi niya.
"Ha! Talaga?" napalingon naman sa amin yung mga kasama namin, napalakas yata pagkakasabi ko.
"Noona secret lang yun, malalagot ako kay Xenon hyung kapag nalaman niyang lumalabas ako ng bahay" bulong niya sa akin. Magisip ka ng palusot Chelshie.
"Ah hehe talaga? Gusto mo din yung brownies with fries tapos sabay mo silang kakainin? Wow parehas pala tayo hehe" pagpapalusot ko tapos nilingon ko sila, sana tumalab. Napailing sila at nagsimula ng maglibot libot sa loob ng supermarket habang kaniya kaniyang kuha ng push cart. Napahinga naman ako ng maluwag.
Lumapit sa amin si Layrix na parang nagtataka. "Masarap ba yun clumsy girl? Gusto ko ding matikman baka bagay siya sa Delight" nakangiting sambit niya na walang bahid ng pagbibiro.
Nagkatinginan naman kami Teiwon at nagpipigil naman siya ng tawa. "ah oo masarap yun hehe. Oh bili ka na ng Delight baka maubusan ka, sa pagkakaalam ko mabenta yun"
Napatayo naman siya ng tuwid "Oh you're right" at mabilis siyang kumuha ng push cart sabay takbo papuntang Cold and Beverages section. Natawa nalang kaming dalawa ni Teiwon kay Layrix mukha kasi siyang bata na mauubusan ng pagkain.
"Wooh muntik na yun" sambit ng katabi ko. Kumuha ako ng push cart pero kinuha niya at siya ang nagtutulak. "Mabuti nalang agad kang nakaisip ng dahilan" natatawang dagdag niya.
"Bakit kasi tumatakas ka pa, hindi ka nalang magpaalam kay Xenon" sambit ko sa kaniya habang nakasunod lang ako sa kaniya.
"Ikaw ba noona kapag may pupuntahan ka lang na malapit nagpapaalam ka ba?" tanong niya kaya napaisip ako.
BINABASA MO ANG
That being a Fangirl
Fiksi PenggemarIlusyonada, adik, baliw at ambisyosa yan ang ilan sa mga katangian ng isang die hard fan, medyo harsh pero yan ang totoo. Ang babaing ito ang magpapatunay dahil makikita niyo talaga sa kanya at sa bibig niya pa mismo nanggaling. Siya pa ang nangung...