Pagkatapos naming kumain ay ako na ang naghugas ng pinggan, syempre alangan naman sila paghugasin ko gusto nga nilang tumulong except kay Astro baby na agad umalis katapos kumain kaso tumanggi ako, ako ngang kinuhang taga linis tapos ipapalinis ko pa sa kanila at tsaka alam kong may ginagawa din sila. Tsaka ko lang naalala may pinapractice sila, baka may concert sila dito. Kailangan ko yung mapaghandaan at magipon na rin dahil siguradong mahal ang bayad dun.
Nagmo-mop ako ngayon ng tiles na sahig sa sala medyo malayo kina Gavin na nasa sofa ngayon dahil nagpapractice sila ng kung ano. Hindi naman sila kumakanta at wala silang hawak ng instrument kaya hindi ko masabi kung para sa concert ba yun.
"Erie noona!" tawag ni Teiwon kaya napalingon ako sa kanila. Palapit siya sa akin.
"Bakit Teiwon?" tanong ko. Itinigil ko muna ang pag mop."We badly need your help noona" parang nawawalan ng pagasang sambit niya.
Nagunot noo naman ako. "Ano ba yun? Para saan? Ang seryoso naman yata niyan""Yes it's serious. At kailangan naming ipractice ng perfect 'to" pinakita naman niya sa akin ang bond paper na naka fastener at maraming pages din, hindi ko makita ang nakasulat.
"Ano ba yan? Tsaka ano namang maitutulong ko?" sabihin lang nila agad baka mamaya nakakaistorbo pala ako sa ginagawa nila."This is a script sa gagawin naming music video para sa bago naming irerelease na kanta" OMG! Bago nanaman silang kanta. Excited na akong irelease yun.
"O edi magpractice na kayo. Hindi muna ako maglilinis dito kung naiistorbo ko kayo" sambit ko kasi baka nahihiya lang nilang sabihin sa akin. Aalis na sana ako ng harangan niya ako."Noona kailangan ka namin sa practice. Ikaw muna ang gaganap sa babaeng kasama namin sa music video" mabilis pero maliwanag pa sa sikat ng araw na sabi niya. Napaderetso ako ng tayo at hindi makapaniwala.
"Si..sigurado ba kayo dyan?" tanong ko pa para malinawan lang ako. Baka mamaya trip trip lang nila."Very sure noona. Ikaw lang kasi ang babae dito, ang hirap kasi kung lalaki sa lalaki hindi mafi-feel. Tsaka si Gavin hyung ang kapartner mo siya kasi sa part na may babae." Nakahinga naman ako ng maluwag mabuti naman at hindi si Astro baby ang may babaeng kasama dahil kapag nagkataon baka magpakatiwakal na ako sa sobrang inggit at selos.
"Okay payag na ako" mabilis kong pag sang-ayon. Sandali lang naman siguro tsaka practice lang naman yun. "Ano bang gagawin ko?" hindi ko pinahalatang naeexcite ako shemay talaga! Kailangan kong maitago ang kilig ko.
"Yehey! Come on noona doon tayo" hinila niya ako papunta sa may sofa. "Hyungs, pumayag na si noona." Masayang sabi niya nang makalapit kami."Nice! Thanks God kanina pa kami nahihirapan, napapagalitan na nga kami ni X." sambit ni Razor na parang nakahinga ng maluwag. Ito pala yung pinapractice nila kanina nung dumating kami ni Layrix.
"Okay let's start" seryosong sabi ni Layrix at tumayo mula sa pagkaka upo. Ngayon ko lang siya nakitang seryoso, ganito pala siya kapag about na sa grupo ang pinag uusapan. "Clumsy girl come here ipapabasa ko sayo ang script, don't worry wala ka namang sasabihin para lang alam mo yung mga scene." Pumunta ako kay Layrix at inabot ang bond paper, binasa ko naman at inintindi more on acting lang kaya kailangan ng matinding emotion. Feeling ko tuloy part ako ng music video nila kahit practice lang 'to.
BINABASA MO ANG
That being a Fangirl
FanficIlusyonada, adik, baliw at ambisyosa yan ang ilan sa mga katangian ng isang die hard fan, medyo harsh pero yan ang totoo. Ang babaing ito ang magpapatunay dahil makikita niyo talaga sa kanya at sa bibig niya pa mismo nanggaling. Siya pa ang nangung...