Clyden Erol's POV
Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang sinabi sa akin ni ate. Minsan naweweirdohan ako kay ate at madalas hindi ko naiintindihan yung mga trip niya sa buhay. Mabuti nalang ako tamang tanim at alaga lang ng mga iba't ibang klase ng halaman at mga bulaklak, ang gaan at sarap lang sa pakiramdaman na makita silang lumalabong.
Nandito ako ngayon sa tent na ginawa ko, dito ako tumatambay kapag wala na akong ginagawa at nasa likod lang ito ng bahay namin. Presko kasi dito, walang mangiistorbo at makakapag isip isip ka pa.
Nakaharap ako ngayon sa laptop ko na nakapatong sa maliit na lamesa habang ako naka upo sa bangkito, alam nyo yun yung maliit na upuan. Napagtanto ko kasi nitong mga nagdaang araw pa weird ng pa weird si ate.
Hindi na siya lumalabas ng bahay na dati naman hindi makukumpleto ang araw niya hanggat hindi nakakalayas sa amin. Hindi ko talaga alam kung bakit siya nagkakaganun, kaya nacucurious akong malaman ang dahilan pero at the same time kinakabahan baka dahil yun sa pag punta niya sa katapat naming bahay. Sabi ko na nga ba hindi maganda ang kutob ko sa bahay na yun kaya ayaw kong nagpupunta doon feeling ko kasi may nagmumulto doon, takot pa naman ako sa mga multo kahit naman lalaki ako takot pa rin ako sa mga ganun.
Naalala ko rin pala yung sinabi sa akin ni ate bago siya nabaliw at iwanan akong naguguluhan. Galstone ba yun? O Gas straw? Saan nanaman kaya niya nahagilap ang mga ganung salita tsk. Sabi ko naman kasi kay ate magtanim tanim nalang siya para naman umaliwalas ang isip niya hindi yung kung ano-ano ang lumabas sa bibig.
Nung naalala ko yung mga salitang yun agad akong nagtype sa keyboard at sinearch ang Galstone at Gas straw pero wala namang lumalabas at wala akong makitang kahinahinala. Nagisip pa ako kung anong madalas bukang bibig ni ate.
Ang gwapo talaga ni Astro baby...
Tama! Sinearch ko ang Astro baby pero ang lumabas baby as in mga bata may sanggol, may one year old, may bagong panganak. Ano ba yan! ito ba yung sinasabi ni ate na gwapo? Baby ba yung Astro? Sinubukan ko namang tanggalin yung word na baby, halos malaglag ako sa kinauupuan ko.
What the plants! Bakit puro mga lalaki!? Kahit saan ko pindutin mga lalaki ang lumalabas pati images. Pinindot ko ang isang link, yung sa KakabogChizzBuzz at binasa ng mabuti.
GALXTRO – is a boy band comprises of seven members. They started at young age and known as the Elite Kings of Music. They became popular globally because of their georgous looks and being a monster in stage.
The Seven Members:
Gavin Zech Wyvern – first member and one of the main vocalist of GalXTro.
Astro Arles Lemberg – second member of GalXTro. He is one of the main vocalist and guitarist of the boy band.
Ito yata yung tinatawag ni ate na Astro baby.Layrix Carson Wales – third member and one of the main rappers of GalXTro
Xenon Izmir Castleford – forth member of GalXTro. He is the leader, composer and drummer of the boy band.
Teiwon Oxus Verene – fifth member of GalXTro. He is one of the lead dancer and the youngest among the group.
Razor Keiv Hamilton – sixth member and he is a group's main dancer and known as dancing machine of GalXTro.
Orlean Dayton Florence – Seventh member of GalXTro. He is one of the main vocalist and pianist of the boy band.
BINABASA MO ANG
That being a Fangirl
FanfictionIlusyonada, adik, baliw at ambisyosa yan ang ilan sa mga katangian ng isang die hard fan, medyo harsh pero yan ang totoo. Ang babaing ito ang magpapatunay dahil makikita niyo talaga sa kanya at sa bibig niya pa mismo nanggaling. Siya pa ang nangung...