Clyden Erol's POV
"Clyden, ibili mo nga ang ate mo nang bioflu dyan sa malapit na drugstore tsaka ibili mo na rin siya ng dalandan. Medyo bumababa na ang lagnat niya, juskong ate mo bakit naisipan pang magpabasa ng ulan, ayan tuloy nagkasipon at nagka ubo pa." utos ni mama habang pababa ng hagdan may dalang bimpo at maliit na planggana. Nakaupo kaming dalawa ni papa sa sala habang nanunuod ng TV.Dalawang araw nang nilalagnat si ate dahil sa pagpapabasa ng ulan. Tinanong namin siya kung bakit siya nagpaulan at sabi niya trip lang daw niya kaya nakatanggap siya ng kurot kay mama.
Napailing nalang ako, kasalanan ko din kasi nakalimutan kong iwanang hindi nakalock yung pintuan sa likod akala ko kasi gagabihin nanaman si ate sa paglilinis niya. Pumunta kasi ako sa tent saktong nadatnan ako ng malakas na ulan kaya pinatila ko muna bago ako umuwing bahay.
Tumayo ako mula sa pag kakaupo para kunin ang pera pambili. "Sweetheart painumin mo ng gamot mamaya si Chelshie pagdating ni Clyden at magluluto muna ako ng pananghalian natin" sabi ni mama kay papa."Nakakain na ba siya sweetheart?" tanong niya
"Oo napakain ko na kanina yung niluto kong sabaw, ayaw kumain ng kanin dahil mapait daw ang panlasa niya." Tumingin sa akin si mama. "Bakit nakatayo ka pa dyan Clyden, bumili ka na.""Ma, hindi mo pa binibigay ang pambili." Napakamot ako ng ulo, si mama talaga kahit kailan.
"Ay oo nga pala" tsaka siya tumawa, "oh eto bilisan mo ah" inabot niya sa akin. Kaya tumango nalang ako."Hello po tita ninang and tito!" nagulat kami sa biglang pagsulpot ng maingay na kaibigan ni ate sa sala. "Bibisitahin ko lang po si bestie, nagtext po kasi siya sa akin sabi niya may sakit daw po siya. Nagdala din po ako ng cupcake pinadala po ni mama." Derederetsong sabi niya at inabot kay mama ang dala niya.
"Ay naku salamat inaanak, pasabi kay kumare salamat kamo. Saktong may pang meryenda na kami." Masayang sambit ni mama."Psh. Usong kumatok" medyo malakas kong sabi para marinig niya. Kaya napatingin siya sa akin at ngumiti.
"Hi baby Erol! I miss you!" lalapit na sana siya sa akin pero agad kong hinarang ang kamay ko dahil kukurutin na nanaman niya ang pisngi ko.
"Hindi kita miss and don't call me baby, hindi na ako bata." Nakapoker face kong sagot. Para naman makita niya na ayaw ko ang presensya niya.
"Hay iha wag mong masyadong intindihin 'tong bunso ko, may topak lang yan." Sabat ni papa. "Puntahan mo nalang si Chelshie sa kwarto niya baka sakaling gumaling agad siya." Natatawang dagdag pa ni papa."Naku tito sanay na po kay baby Erol" nakangiting pang sabi niya. Nakakairita talaga kapag tinatawag niya akong ganyan. Maka alis na nga lang bago pa ako mabadtrip at makalimutang inaanak siya ni mama at bestfriend siya ni ate.
"Bye baby Erol!" sigaw pa niya kaya sinarado ko ng malakas ang pinto. Nakakaasar at ang ingay pa niya, paano kaya siya naging kaibigan ni ate sabagay si ate mabunganga din.Lumabas ako ng subdivision namin para bumili ng mgapinabibili ni mama nakalimutan ko palang itanong kung ilang bioflu at ilangkilong dalandan tsk bahala na ipagkakasya ko nalang ang binigay ni mama napambili, nakakatamad namang bumalik malayo na ako sa bahay namin at ayaw ko nading marinig ang maingay na bunganga nung bestfriend ni ate.
BINABASA MO ANG
That being a Fangirl
FanfictionIlusyonada, adik, baliw at ambisyosa yan ang ilan sa mga katangian ng isang die hard fan, medyo harsh pero yan ang totoo. Ang babaing ito ang magpapatunay dahil makikita niyo talaga sa kanya at sa bibig niya pa mismo nanggaling. Siya pa ang nangung...