CHAPTER TWO

24 5 0
                                    


Nandito na ako sa rent house namin na pinapalinis ni mama, may taga linis talaga dito kaso lang dahil bakasyon ay nagbakasyon din sila sa kani-kanilang probinsya. Sa tapat lang din ito ng bahay namin, kung makareklamo ako kanina akala mo kabilang subdivision pa ang pupuntahan ko. 

Paano ba naman kasi ngayon ang labas ng album nila at live pa yun ipapalabas! First time kong hindi yun mapapanood dahil kadalasan ako ang nauuna, kumbaga papunta palang sila pabalik na ako pero ngayon hindi na.

"Kainis talaga!!" sigaw ko, wala namang makakarinig kaya ayos lang.

Nilibot ko ang buong bahay, hindi naman masyadong madumi may konti lang na alikabok kasi wala namang masyadong nag rerent, nasa loob kasi ng subdivision kumbaga pang exclusive lang. Mayaman siguro ang magrerent. Mas malaki ito kesa sa bahay namin, dalawang palapag din may tatlong kwarto sa taas at dalawang kwarto sa baba. Kompleto din ang kagamitan kasi mayaman daw ang may ari nito dati sabi ni mama.

Kwento ni mama, bago daw mamatay ang may-ari ng bahay ipinagbilin daw ito kay papa, ayaw ipagiba dahil importante raw ito sa kanya. Sinabi pa ng matanda na si papa na raw bahala kung anong gusto niyang gawin sa bahay basta wag lang daw niya ipagiba, kay papa niya ipinagbilin kasi para na rin daw tatay at anak ang turing nila sa isa't isa, kaya ayun naging rent house nalang.

Hindi ko lang natanong kung bakit ayaw ipagiba kasi hindi naman ako tsismosa.

Inumpisahan ko muna sa pagwawalis sa sahig para siguradong mawala mga alikabok.Pagkatapos ay isinunod ko nag pagmomop.

Habang nagmo-mop ako ng sahig biglang nag ring cellphone ko, kinuha ko at agad sinagot ang tawag.

["Chels!!! Tara sama ka punta tayong mall!"] agad kong inilayo ang cellphone sa tainga ko baka biglang mabasag eardrum ko sa ingay ng babaitang ito.

"Venice Camilo! Pwede ba wag kang sumigaw kung nandito ka lang binatukan na kita" may diin kong sabi sa kanya habang hilot-hilot ang sentido ko.

["hehe sorry naman bestie, naexcite lang. oh ano tara na?"] mabuti naman at huminahon na ang gaga.

"Ano bang gagawin mo doon? Hay naku kung isasama mo ako para para samahan ka sa mga blind date mong yan. Wag nalang" naalala ko nung sinama niya ako sa blind date 'daw niya' tapos ako yung pinakilala niya doon sa lalaki.

["Kyaah! Hindi bestie noh! Hindi ko na yun uulitin!"] Inilayo ko nanaman ang cellphone.
["Magpapasama lang sana ako sayo bumili ng makeup"]

Napabuntong hininga ako

"Sorry bestie,hindi ako pwede ngayon" malungkot kong sabi "pinapalinis sa akin ni mama yung house rent namin" dugtong ko pa.

["ay ganun sayang naman"] tapos natahimik siya. Tiningnan ko naman yung phone ko kung nasa linya pa siya.

"Hello be-"

["Hala bestie!! ibig sabihin hindi mo napanuod ang kina adik adikan mong GalXTro?!"] sigaw niya sa kabilang linya na parang natataranta,mas grabe naman ang reaksyon siya dinaig pa ako.Siya 'tong hindi fan pero kung makareact ang wagas.

"Yep, paano mo nalaman? Fan kana rin ba nila?"  At alam ko na ang reaction ng mukha niya.

["Nope bestie! Hindi ako nagugwapuhan sa kanila.Kaya nalaman ko lang dahil nabasa ko kanina nung nagscroll scroll ako sa instagram"] dagdag pa niya.

That being a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon