Tatlong araw na ang lumilipas simula ng mapanaginipan ko ang sinabi ni lolo. Tatlong araw na rin ang lumilipas simula nung may ginawa akong kagagahan kay Astro baby. At tatlong araw na rin ang lumipas na hindi ako lumalabas ng bahay.
For Pete's sake!
At oo sa tatlong araw na yun hindi pa ako nakakahingi ng sorry. Nahihiya at kinakabahan na ewan ang nararamdaman ko. Ayaw kong magpakita sa kanila, sa kaniya!
Kaya as much as possible, hindi muna ako lumalabas ng bahay.
Nasa kusina ako ngayon at naghuhugas ng mga pinggan. Iniisip ang pwedeng gawin. Mabuti nalang hindi pa alam ni mama, pero nakapagtaka ah bakit hindi pa alam ni mama ang kagagahang ginawa ko? Diba dapat mag nagsumbong na sila? Pero baka naman binibigyan lang nila ako ng panahon para makasama ko pa sila mama at pagkatapos nun ipapakulong na nila ako huhu. Hindi ko na alam kung ano ng iisipin ko sa mga panahong ito.
Dapat pala tiniis ko nalang yung gutom ko edi sana ang saya saya ko ngayon pero nasa huli talaga ang pagsisisi bakit kaya hindi nalang nila nilagay sa una hayyys I'm doomed!
"Bakit kaya nakatunganga nanaman ang maganda kong panganay?"
Isa pang inaalala ko si bestie, hindi pa niya alam ang ginawa kong kagagahan. Pinatay ko kasi cellphone para makapag isip pero wala pa rin akong maisip. Napabuntong hininga nalang ako. Tumakas kaya ako hehe
"Chelshie! anak!"
"ay tumakas!" nagulat ako sa biglang sumigaw, agad akong napalingon sa gilid ko. "papa naman eh, bakit ka nanggugulat? Magkakaheart attack ako sayo" nagcrossed arm naman si papa at tumawa.
"Ay mabuti naman at napansin na rin ako"
"Hindi ka kasi nagsasalita dyan, kanina pa kita tinatawag. Ang lalim lalim yata ng iniisip mo anak? Tatlong araw ka ng nakatunganga parang wala sa sarili kinakabahan na nga kami ni mama mo at baka nababaliw kana. Nag dudrugs ka ba anak? Kasi sabi mo kanina tumakas ibig sabihin hinahabol ka ng mga pulis? Ano bang nagawa naming mali at nagkakaganyan ka" madramang litanya ni papa. Hinawakan niya pa ako sa braso habang natataranta. Napatampal nalang ako sa noo. Ang OA OA talaga ni papa."Papa, wala naman po akong masyadong iniisip baka guni-guni mo lang yun hehe at papa hindi po ako nababaliw okay? lalong hindi po ako nag dudrugs at mas lalong hindi po ako hinahabol ng mga pulis. Wag na po kayong mag alala okay lang po ako" naka ngiwing sabi ko habang nagpupunas ng kamay, tapos ko ng mahugasan ang mga pinggan.
Tinanggal naman ni papa ang pagkakahawak sa braso ko at kumakalma na siya. "Ay ganun ba, okay sige" ngumiti naman si papa pero napalitan yun ng nanunudyong ngiti. Napakunot ang noo ko may naiisip nanaman siyang iba nyan eh. "Baka iniisip mo lang nyan ang boyfriend mo, tama ba ako anak?"
"Papa, wala po akong boyfriend!" pagtatama ko sa sinabi niya at mali niyang iniisip. Humalakhak naman si papa na akala mo kinikiliti siya. Ang bilis talaga magbago ng mood.
"wala nga ba?" ngumisi si papa. Ang weird lang ngayon ni papa ganyan ba kapag galing sa baguio? Napailing nalang ako, malala na rin si papa.
"Wala nga po, promise" sabi ko at nangunot ang noo. Nagkibit balikat nalang si papa parang hindi pa naniniwala sa sinabi ko. Naglakad na siya palabas ng kusina pero huminto siya at humarap sa akin. "Ay nak, si Venice pala kanina ka pa niya hinihintay sa kwarto mo. Nakalimutan kong sabihin hehe" sabi ni papa at mabilis umalis sa kusina.
BINABASA MO ANG
That being a Fangirl
Fiksi PenggemarIlusyonada, adik, baliw at ambisyosa yan ang ilan sa mga katangian ng isang die hard fan, medyo harsh pero yan ang totoo. Ang babaing ito ang magpapatunay dahil makikita niyo talaga sa kanya at sa bibig niya pa mismo nanggaling. Siya pa ang nangung...