CHAPTER EIGHT

7 5 0
                                    


Pagkadating ko ng bahay doon lang ako nakahinga ng maayos para kasing nafi-feel kong nawawalan ako ng oxygen kapag nandun sa bahay na yun haaayss. Nadatnan ko pa rin si papa at Clyden na nanunuod kaya dumiretso muna ako sa kwarto ko para tawagan ni Venice. Ilang ring lang sinagot na niya agad.

"Bestie!" masigla kong bungad sa kaniya.

["Oh bestie napatawag ka? May kailangan ka ba? Miss mo na ako noh! Ikaw talaga sabi ko naman sayo wag mo akong masyadong mamiss, alam ko namang maganda ako pero wag mo namang ipahalata na namimiss mo ang beautiful face ko at wag kang mag alala bestie pupuntahan din kita sa in—"] hindi ko pinatapos ang mala novela niyang sasabihin dahil sigurado akong mas mahaba pa dyan.

"Venice! Ayan ka nanaman eh, 'Bestie' palang ang sinabi ko at wala pang kadugtong ang dami mo ng sinabi dyan" narinig ko naman na tumawa siya sa kabilang linya. Baliw talaga mana sa akin.

["Soorrry naman po bestie na excite lang ulit"] natatawa pa rin niyang sambit. ["bakit pala?"] dugtong niya.

"Diba napag usapan natin yung about sa GalXTro tapo-"

["Oo bestie napagusapan natin tsaka oo nga pala nakapag sorry kana ba sa Astro baby mo?"]

"Oo eto nga ang sasabihin ko nakapagsorry na ako sa kanya at-" bitin ko ulit dahil nagtitili siya 

["OMG bestie! I'm so happy for you. Kailan ka nagsorry? Personal mo ba sinabi? O pinasabi mo lang? pero atleast nagkalakas ka na ng loob para harapin ang kagaga—"] pinutol ko ang sasabihin pa niya.

"Bestie naman eh! Patapusin mo muna kaya ako noh bago ka magreact dyan" nakasimangot kong sabi na as if nakikita niya ang reaction ko, narinig kong tumawa nanaman siya.

["Soorrrry ulit bestie na carried away lang. Okay go na hindi na ako sasabat"] natatawang pa ring sabi niya.

"About nga sa GalXTro bestie. Nakita ko silang lahat dahil sila pala ang magiinterview sa akin at hindi si Mr. Teng tapos kanina lang bumalik ako sa bahay na yun para kunin ang cellphone ko na nakalimutan ko dahil tatawagan kita para ipaalam sayo na hindi pwedeng malaman ng mga madlang people out there na nandito sila at sa tapat ng bahay pa namin nakatira." Paliwanag ko sa kaniya. Wala akong narinig na tili o kahit anong ingay kaya napatingin ako sa cellphone kung naputol ang linya at nandyan pa naman.

"Helloo bestie? Pwede ka ng magsalita" natatawang sabi ko. Napakamasunurin talaga ng babaitang 'to

["Eh kasi bestie"] narinig ko munang huminga siya ng malalim. ["Napagsabi ko na. Sorry bestie hindi ko natiis masyado akong naexcite"] sa sinabing iyon ni Venice hindi ko alam kung mababatukan ko siya,  masisigawan o makukurot sa singit.

"What!?" bulalas ko. "Bestie naman eh, bakit mo pinagsabi? Top secret yun ng mga famous.Sikretong malupit yun.. Paano na niyan" naiiyak kong sabi. Hindi ko naman siya pwedeng sisihin kasi hindi ko agad naremind sa kaniya at wala siyang kamalay malay sa mga GalXTro.

["Sorry talaga bestie, nadulas ang dila ko kanina. Yung anak kasi ng pinagdeliveran ko ng cupcake ay fan din ng GalXTro mo tapos pinagmamalaki pa na lahat ng concert ng mga ito ay pinupuntahan niya, nayabanagan ako kaya ayun hindi napagpigil ang precious mouth ko na ipagmalaki ka rin, na kahit hindi ka nakakapunta sa mga concert nila ay nakita mo na sila ng harap harapan dahil sa iisang subdivision kayo nakatira."] Mahabang paliwanag niya at may bahid ng pagsisisi.

That being a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon