CHAPTER TWELVE

6 4 0
                                    


Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Hinawakan ko ang noo at leeg ko mabuti nalang wala na akong lagnat. Ang sakit din na nakahiga ka lang, feeling ko namamaga ang katawan ko. Bumangon ako sa pagkakahiga habang sumisinghot singkot dahil sa sipon ko.

Lumabas akong kwarto para pumuntang kusina dahil gutom na gutom na ako. Napansin ko ang isang basket na may laman ng iba't ibang klase ng prutas na nasa ibabaw ng lamesa kaya nagkunot ako ng noo, kanino nanaman kaya 'to galing at para saan 'to? Nilagpasan ko muna at dumeretso sa kusina para magtimpla ng milo at gumawa ng sandwich saka pumunta sa lamesa at umupo. Habang nginunguya ko ang sandwich pinagmasdan ko ang basket na nakabalot ng cellophane, napansin kong may papel na nakadikit. Get well soon lang ang nakalagay tapos may smiley sa gilid pero wala naman nakalagay kung kanino galing. Para sa akin ba 'to?


"Oh ate gising ka na pala" bungad sa akin ni Clyden saka kumuha ng sandwich sa pinggan ko.

"Ay hindi tulog pa ako, kaluluwa ko lang 'to" sarkasmo kong sabi kaya nakatanggap ako ng masamang tingin. "Nasaan pala sila mama?" tanong ko nalang baka makatanggap pa ako ng sapok.

"Hindi ko lang alam, wala na sila mama nung nagising ako" kibit-balikat niyang sabi habang nginunguya ang sandwich. "Magaling ka na ba ate? Wag ka muna daw tumayo bilin ni papa" dugtong niya.

"Syempre naman ako pa! Lagnat lang yun" pag mamayabang kong sabi tsaka ipinakita ang maliit kong muscle sa braso.

"Talaga lang ate ah, sa pagkakatanda ko hindi ka makagalaw nung nagkalagnat ka dinaig mo pa ang paralisado at ang bigat mo nung binuhat kita, dapat kakaladkarin nalang kita nun kaso lang nakakaawa ka naman." Natatawang sambit niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Tse! Ang sama mo talaga papuntahin ko dito si Bestie eh" nakangisi kong sabi. Nawala agad ngiti niya at napalitan ng poker face. Gotcha! Panalo ako at nasa akin pa din ng huling halakhak. Alam ko kasing bestie ang nakakapagpapikon dito sa kapatid ko.


"Wag kang magkakamali, makikita mo ihahagis kita palabas diyan. Hindi nga ako halos lumalabas ng kwarto nung nandito siya at nawawalan ako ng peace of mind dahil sa sobrang daldal niya. Isa siyang walking speaker at nakakairita" Nakabusangot niyang sabi kaya natawa ako.

"Ang arte mo ah, nung mga bata nga tayo gustong gusto mong laging sumasabay sa amin maligo tapos kapag pinapatulog tayo ni mama kapag hapon gusto mo katabi mo si Venice matulog dahil iiyak kapag hindi mo siya katabi. At noon pa naman ay madaldal na siya ah." Natatawa kong kwento nung maalala ko yun.

"Ang bata ko pa nun kaya hindi ko alam ang nangyayari" sambit niya. 

"Ay ewan ko sayo" irap ko. Napabaling ang tingin ko sa basket. "Para kanino ba 'to Clyden bakit may pa prutas dito?" turo ko sa basket.

"Para sayo daw" mabilis ko namang binuksan at tingnan.

"Eh kanino naman galing? Wala naman kasing nakalagay dito." Nagtataka kong tanong. Hindi naman si bestie dahil kagagaling lang niya dito nung isang araw.

"Hindi ko din alam, dineliver lang yan kanina. Pahinge ako ate ah, kanina ko pa gustong buksan yan" mabilis niyang kinuha ang dalawang green apple. Nagunot ang noo ko at magrerelamo sana ako. "Thanks ate" sambit niya at mabilis siyang tumakbo. Napailing nalang ako.

Kumuha ako ng ponkan saka binalatan at inilagay sa pinggan ganun din ang ginawa ko sa red apple. Umakyat ako sa hagdan papuntang kwarto ko habang daladala ang pinggan. Kung sino man ang nagbigay ne'to isa siyang mabait na nilalang dahil naisalba niya ang tag-gutom kong tiyan.

That being a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon