wonwoo's
"woo, mahal kita."
unti unti kong binaling ang paningin ko sakanya habang patuloy padin ang pag-agos ng luha ko sa aking mga mata.
oras na tumingin ako sakanya, nakatingin nadin sya saakin. malungkot na mga mata, lumuluha at higit sa lahat ang ekspresyong nagpapakita na natatakot sya at nasasaktan.
nasasaktan dahil mawawala ang lahat, natatakot sa kalalabasan.
"min, mahal na mahal din kita."
mas lalong tumulo ang luha sa kanyang mga pisngi. ang itaas lang ang nakakaalam kung gaano ko kagustong punasan ang mga luha nya, kung gaano ko sya kagustong yakapin at sabihin na magiging panatag din ang lahat. ngunit hindi ko makakaya, ayokong mawala sya kaagad saakin at ayokong maglaho nalang ako bigla.
balak nya sanang hawakan ako pero naalala nya yata na hindi nya ko mahahawakan.
"d-dito ka nalang. stay by my side woo, i cant lose you."
gusto kong bawiin ang sinabi ko, gusto kong hindi na umalis, gusto kong hindi na lumayo, gusto kong manatili ngunit hindi pwede.
ngumiti ako nang bahagya, "h-hindi pwede min e. s-sinabi k-ko naman sayo diba? magkikita n-naman tayo ulit."
"pero w-woo kelan pa? kelan ulit kita makikita? kelan ulit tayo magiging pwede?"
hanggat maari ay ayokong marinig nya ang paghikbi ko, pero wala na akong nagawa.
tinakpan ko gamit ang aking palad ang bibig ko upang hindi na makapaglabas pa nang kahit anong ingay, pero baliwala dahil kahit anong gawin ko, hindi ko na kayang pigilin pa.
nakita ko ang pagyukom nang kanyang kamao habang bumuga sya nang hiniga sa hangin.
andami kong gustong gawin sakanya ngayon. pero hindi ko magagawa dahil hindi ko sya pwedeng hawakan at hindi nya ako mahahawakan.
"sa s-susunod min. p-pangako sa susunod pwede na t-tayo. m-maghintay ka lang ah, hintayin mo lang ako."
napalakas nadin ang kanyang paghikbi. parehas na kami ngayon nagiiyakan dito sa rooftop.
"ang tagal naman y-yata nyang susunod na yan woo e."
"mahal m-mo ko diba?"
"sobra."
huminga ako nang malalim, "edi h-hintayin mo ko. babalik n-naman ako. basta maghintay ka lang sakin min, babalik ako."
nakipagtitigan sya saakin. parehas kaming nasasaktan sapagkat nasa maling oras at pagkakataon kami inilagay nang tadhanaㅡhindi. hindi tadhana ang naglagay saakin dito upang masaktan kami parehas, ito ang kailangan at nararapat.
ngayong nahanap ko na, sana sa susunod pwede na ulit naming buhayin ang pagmamahal na meron kami sa nakaraan.
"s-sige, kung yun ang par-paraan. basta woo, mahal na mahal kita. handa ak-akong maghintay sayo,"
BINABASA MO ANG
resurrects [meanie]✔
Fanfic[chat series] maybe in this time, we can finally resurrects the love we had before. chat series #5 STATUS: COMPLETED.