third person's
wala sa sariling isinara ni wonwoo ang pinto nang suite nila. sumandal sya sa likod nang pintuan at kinagat nya ang ilalim ng labi nya upang hindi makagawa ng kahit anong ingay, pero kahit anong gawin nya, may hikbi talagang kailangan mong ilabas nang malakas.
pinunasan nya ang kanyang luha sabay tingin sa paligid nya. sarado na ang ilaw, naiwan lang ang ilaw sa may veranda na hindi naman umabot sa salas. inikot nya ang kanyang mata at nakita nya si mingyuㅡna natutulog sa sofa.
mas lalong nanlambot ang puso nya maski ang kanyang tuhod. hindi nya na napigilan ang malakas na paghikbi. ayaw nyang magising si mingyu dahil alam nyang inantay sya nito hanggang sa makabalik sya pagkatapos nilang mag-usap ni eunwoo.
dapat talaga tapos na yun kanina pa, kaso mas pinili ni wonwoo na ilabas ang lahat nang hindi nakikita ni mingyu. but in the end, iiyak at iiyak padin pala sya oras na makita nya ang binata.
"p-pano yun? edi hindi na matutuloy tong project?"
"tu-tutuloy padin. hawak ni mingyu."
napadulas na nang tuluyan si wonwoo sa likod ng pintuan. hindi nya na kaya pa, sobra nang nanlalambot ang kanyang mga tuhod at binti, hindi nya na kayang tumayo sa sarili nyang paa.
tinitignan nya padin ang natutulog na si mingyu sa hindi kalayuan sakanya. he can hear him snoring like a baby, he found it cute but at the same time, naiiyak sya dahil ito ang na yata ang una at huli nyang maririnig na maghilik si mingyu.
hearing mingyu snoring is like the music in his ears. he want to come closer to the latter to hear him more of his snoring, pero ayaw nyang magising si mingyu dahil sa lakas ng paghikbi nya.
"im happy ive got to meet you again, eun. akala ko hindi na kita makikita ulit."
"mine too, won. i was about to fly to seoul kaso inatasan ako ni daddy na ihandle tong site kaya ayun."
"sorry rin pala ah. sorry sa lahat."
"you dont have to won, alam ko naman na si gyu ang true love mo. i should have noticed that more earlier than it was, sana hindi ako nasaktan."
si gyu ang true love mo.
kung si gyu ang true love ko bakit hindi gumana yung halik? hinalikan nya ko ulit pero bakit hindi na gumana? tama ba si mago? wala na bang saysay?
hanggang dito nalang ba talaga?
umiling iling si wonwoo. kahit ayaw nyang maniwala na hindi nga tumalab ang halik, meron padin sa kalooban nyang nagsasabi na maniwala sya dahil hanggang dito nalang ang lahat.
ayaw nyang mawalay kay gyu. nangako sya dito na hindi na sya aalis, na hindi mangyayari yung napapaginipan ni gyu, pero wala e. ito ang sinasabi ng tadhana, ito ang kapalaran nya. na akala nya dito sa tamang panahon mabubuhay ulit ang pagmamahalan na meron sila noon, pero hindi.
dahil mas masakit ngayon dahil parehas na silang tao.
"ill be leaving soon... eternally,"
"h-ha? paano si mingyu? akala ko ba okay na at di ka na nila kukuhanin?"
"yun din akala ko. kaso hindi e. nakakainis diba? ang sakit lang kasi nangako ako kay gyu na hindi ko sya iiwan, na hindi sya masasaktan, pero tangina kasi kahit anong gawin ko mangyayari at mangyayari yun."
BINABASA MO ANG
resurrects [meanie]✔
Hayran Kurgu[chat series] maybe in this time, we can finally resurrects the love we had before. chat series #5 STATUS: COMPLETED.