ps: this chapter is some kind of boring pero kasama sya sa plot. you can skip it if you want :) thank you. ilyall.
third person's
"cELESTE I SUMMONED YOU! LUMABAS KA DYAN! MAGPAKITA KA SAKIN!"
"cELESTE!"
hingal na hingal na tinatawag ni wonwoo ang pangalan ng taong kailangan nyang kausapin. ngunit ilang segundo ang lumipas, walang celeste na nagpapakita. tanging ingay lang ng alon nang dagat ang maririnig mo.
pinunasan ni wonwoo ang kanyang luha at hinigpitan nya ang pagkakahawak sa saklay nyaㅡremember na sprain yung kanang paa nya at hindi sya makalakad nang maayos. buti nalang at may pinahiram na saklay ang clinic sa hotel na tinutuluyan nila.
he walked all the way here to reach for the beach, not to relaxed himself or to be out of the stress, kundi para tawagin ang babaeng kailangan nyang kausapinㅡang babaeng nagbigay sakanya nang isa pang pagkakataon para makapiling muli si mingyu.
madilim na ang piligid, walang tao, malamig, at nakakatakot. pero hindi nya iyon pinansin lahat, hindi nya inisip kung mag-aalala ba si mingyu dahil hindi sya nag-paalam na lalabas sya at medyo malayo layo ito sa hotel. wala syang pake, ang gusto nya ay makausap ang babae.
"cELESTE! LUMABAS KA DYAN!"
humampas ang malamig na tubig sa dalampasigan at naabot nito ang paanang bahagi ni wonwoo. iniwas nya ang kanyang paa dahil ang sabi nang clinic ay hindi pwedeng malamigan ang na-sprain nyang paa dahil lalo itong mamamaga.
malamig na ang tubig, malamig pa ang hampas nang hangin, at madilim pa ang paligid.
"celeste!"
"hindi mo na ko ginalang!"
napatingin si wonwoo sa kaliwang gilid nya at nakita nya ang babaeng nagliliwanag.
mahaba ang buhok nito at itim na itim. nakausot ito nang puting bestida, may hindi kalakihang nakatuping pakpak sa likod nya, may korona ito sa bandang ulo nyaㅡngunit hindi halo upang masabing isa syang anghel. ito ang babaeng napaginipan ni mingyu noon na kinukuha si wonwoo. sya din ang babaeng balak kuhanin si wonwoo noon nung namatay ang puno.
makinis ang balat nito na parang isang porselana. may kung ano-anong desenyo na nakasabit sa kanyang katawan. at nagliliwanag ang babae. at higit sa lahat, si wonwoo lang ang nakakakita sakanya.
"tinatawag mo ako sa maling pamamaraan! wala kang galang!"
napangisi si wonwoo. "bakit? ako ba ginalang mo?"
aambahan sana ni celeste ng kanyang kapangyarihan si wonwoo nang magsalita ulit ang inhinyero.
"eto na gagalangin ka na. prinsesa celeste."
ang prinsesa naman ngayon ang napangisi at minatahan nya si wonwoo mula ulo hanggang paa sabay humagalpak nang tawa.
nainis si wonwoo dahil pinagtatawanan ng isang prinsesa ang kanyang kalagayan. kaya hindi ginagalang ni wonwoo ang nasa harapan nya dahil first of all, hindi deserve nang babaeng ito tawagin bilang isang prinsesa. walang ibang ginawa kundi magpahirap sa mga nangangailanganㅡkagaya nya.
BINABASA MO ANG
resurrects [meanie]✔
Hayran Kurgu[chat series] maybe in this time, we can finally resurrects the love we had before. chat series #5 STATUS: COMPLETED.