🔥 97.

183 10 0
                                    

ps: again, this is some kind of boring chapter. but still part of the plot. you can skipped it if you want. ily. :)


third person's

isinara ni wonwoo ang glass door at gintong kurtina nang veranda upang walang makakita sakanya o makarinigㅡlalo na nung kasama nya sa suite na si mingyu. wala dapat makakita sakanya rito.

napatingin sya sa paligid nya at halos manlaki ang kanyang dalawang maliit at matatalim na mata oras na makita nya ang isang babaeng tila unti unting nagiging abo.

napalunok sya sa sarili nyang laway, "c-celeste?"

napatingin ang naghihingalo, nagiging abong si celeste. binigyan nya nang masamang tingin si wonwoo oras na magtama ang kanilang dalawang mata. kitang kita ni wonwoo na galit na galit si celeste.

"m-masaya ka na?! h-ha?!"

"a-anong nangyayari sayo?"

kahit nahihirapan na si celeste ay nagawa nya parang ngisian si wonwoo.

"m-may g-gana ka p-pang magtanong! k-kasalanan mo to!"

"alam mong hindi kasalanan ni wonwoo o nang kung sino man kung bakit ka nagkakaganyan."

nagulat si wonwoo sa biglaang pagsulpot nang isang babae sa kanyang gilid. may katandaan na ang babaeㅡkagaya ni mago, pero hindi ito si mago.

naka-puti rin sya, nakatali ang buhok nya, pero kita roon na yung ibang hibla nang buhok nito ay namumuti na. nasa likod nya ang dalawang kamay nya at ang kanyang dalawang mata ay walang buhay na nakatingin sa unti unting nagiging abo'ng si celeste sa may gilid.

"s-seokyun." may halong takot at kaba ang pagbanggit ni wonwoo sa pangalan ng babaeng kakadating lang.

napalunok ulit sa sarili nyang laway si wonwoo habang nakatingin padin sa matandang babaeng nasa gilid nya.

minsan lang sa isang pagkakataon nagpapakita ang babae na to, at ngayon ay hindi nya inaasahan na si seokyun ang makikita nya rito. may malamig na awra ang babae at masasabi mo nalang talaga na hindi sya mortal na tao. hindi man sya kagaya ni celeste na nagiilaw at halos lumutang na sa ere, pero sapat na para matakot ka sa lamig ng presensya na binibigay nya.

si seokyun, ang nakababatang kapatid ni mago. may halong grim reaper at anghel. ang nangangalaga at may hawak sa sanzu bridge. sya ang naghahatid sa ibang kaluluwa patungo sa langit.

naglakad si seokyun papunta kay celeste ngunit lumingin ulit ito kay wonwoo na hindi padin nawawala ang pagkagulat sa kanyang mukha.

"oras na siguro para malaman mo ang totoo."

"s-seokyun!"

"huwag kang maingay celeste kung ayaw mong mapabilis ang pagkawala nang buhay mo!"

nangunot ang noo ni wonwoo, "a-anong totoo? b-bakit natutunaw si celeste?"

pinasadahan nang tingin ni seokyun si celeste at bumalik din agad kay wonwoo ang kanyang dalawang mata.

"ginamit ka ni celeste." kumuha nang isang hakbang papalapit si seokyun kay wonwoo, nakatingin padin ito sa mata ni wonwoo. "ginamit ka nya para pagtakpan ang kasalanang ginawa nya. pinarusahan sya ng hari dahil sa isang bagay na hindi nya ginawa, at pinasa nya ito sayo."

resurrects [meanie]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon