third person's
dalawang araw ang lumipas bago humupa ang ulan sa bayan ng jeju. buong akala nila ay talagang tatlong araw ang bagyo, dininig yata ang panalangin ng isa sa sakanila na mawala na ang bagyo para matuloy na nila ang ginagawa nila. sayang kasi ang mga oras at araw na nawala.
bumaba na si wonwoo sa kanilang hotel at nagtungo na sya sa site. maaga pa at wala pang workers maski ang ama nya ay wala padin. si mingyu naman ay tinatamad pang bumangon sa pagkakahiga nya kaya naisipan ni wonwoo na sya na ang mauna sa lahat.
maingat syang bumaba papunta sa site dahil nadin sa madulas at maputik ang daan dahil sa pagkakaulan ng dalawang magkasunod na araw. hawak nya ang papeles at blueprint nang site. sya kasi ang nagdidikta kung ano ang sunod na aayusin o gagawin ng workers once na may matapos sa pundasyon.
napahinga sya nang malalim ng makita kung gaano kaputik at kadulas ang kanyang dadaanan para makapunta sa mismong site. naka-rubber shoes na nga sya para di sya mahirapang maglakad. kapag kasi leather ang suot nyang sapatos panigurado sira na agad yun at sasama sa sobrang dikit ng putik.
"go jeon wonwoo!"
nagsimula na syang maglakad sa maputik at madulas na daan papunta sa site.
kinokontrol nya ang kanyang sarili. ang dalawa nyang kamay ay parang lilipad ito para mabalanse nya ang kanyang katawan. pagewang gewang sya na parang lasing maglakad at iniiwasan ang mga mapuputik na bahagi pero wala din kasi kung hindi maputik ay madulas naman.
"need some help engineer jeon?"
napairap si wonwoo at kaagad na nabadtrip nang marinig ang matinis na boses ng babae sa likuran nya. hindi pa sya nangangalahati para makarating sa mismong site.
hindi pinansin ni wonwoo si mihyun at nagpatuloy sya sa paglalakad. si mihyun naman ay tinitignan lang si wonwoo habang nakangiti ng nakakaloko.
napahawak si wonwoo sa isang basura sa lupa dahil nawalan sya nang balanse kasi madulas at dumukit ang putik sa sapatos nya. sa pagyuko nya ay nakita nya si mihyun na sumusunod sakanya na nahihirapan ding maglakad.
tumayo si wonwoo at pilit na binabalik ang balanse nang kanyang katawan.
naging mabagal ang paglalakad ni wonwoo, konti nalang ay mararating na nya ang site. pero nahinto sya nang makita na malapit na si mihyun sakanya.
"help me engineer jeon! yung sapatos ko kinakain yata nang putik!"
naparolyo ang mata ni wonwoo. "walang kumunoy dito gaga! just go! i dont want to help you!"
"pero please!"
"ginusto mo yan diba?ㅡyah dont touch me!"
medyo malapit na si mihyun kay wonwoo at nahahawakan nya na ito.ㅡpwede syang hawakan nang kahit sino, maliban kay mingyu.
pilit itinatanggal ni wonwoo ang pagkakapit ng dalaga sa kanyang braso, pero mapilit si mihyun at binabalik at binabalik padin ang kamay nya kay wonwoo.
hindi makaalis si mihyun sa kanyang pwesto kaya marahas na tinanggal ni wonwoo ang kamay nang dalaga at sya naman ay nagsimula nang maglakad ulit. pero dahil dakilang nangiinis si mihyun, hinablot nya padin ang braso ni wonwoo at nadala sya sa ginawang paglakad ni wonwoo.
BINABASA MO ANG
resurrects [meanie]✔
Fanfic[chat series] maybe in this time, we can finally resurrects the love we had before. chat series #5 STATUS: COMPLETED.