Chapter One

1K 117 11
                                    

Hi!Ang storyang ito ay galing sa idea ng chinese novel.Pero may mga twists din naman at may mga iniba ako.Please enjoy reading!

================================

GINO

Pagmulat ko ng aking mga mata ay sakit agad sa ulo ang aking naramdaman pati na rin ang sakit sa aking buong katawan.Nasaan ba ako?Bwisit naman!

Inangat ko ang aking mga kamay upang tignan kung mga sugat ba doon at nagulat ako ng makita kong sobrang liit ng mga kamay ko.Anong nangyari saakin!Bakit ganito?!

Kinapa-kapa ko ang aking katawan at muntikan ng mapaiyak ng malamang sobrang liit ko na.Para akong bumalik sa pagkabata.Ano bang nangyari?

Sinubukan kong alalahanin ngunit ang huling naaalala ko lang ay hinamon ako ng isang mayabang na gangster na makipagkarera.Ano nga kayang nangyari?Napakamot ako sa aking batok.Ang gulo.

Doon ko lamang napansin ang aking kalagayan.Punong puno ng sugat ang munti kong katawan na hindi ko naman alam kung kanino.Sa tingin ko din ay nakabaliktad ang bagay na sinasakyan ko at talagang ngayon ko lang napansin na may dalawa akong kasama.Teka,sino ba ang mga ito?

Dahan-dahan akong lumabas ng karwahe at inilabas din ang mga katawan ng dalawa kong kasama.Sinubukan kong damhin ang pulso nila ngunit wala na akong maramdaman.Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng lungkot.

Sinubukan ko uling alalahin ang mga nangyari sa'akin o dito sa batang katawan na ito.At ngayon ko lang nalaman na napunta pala ang kaluluwa ko sa isang mundong hindi ko inaakalang nage-exist.

HALOS dalawang oras na akong naglalakad ngayon sa mapunong lugar na ito.Mapuno ang daan kahit noong galing pa ako sa karwahe.Inilibing ko na din ang mga katawan ng mga magulang ng katawang ito o sabihin na nating mga magulang ko.

Syempre katawan ko na din ito ngayon.Kinuha ko ang mga bagay na naroon sa karwahe na maaaring magamit ko.Kailangan ko pang palakasin ang katawang ito.Dahil binigyan ako ng pangalawang pagkakataon na mabuhay,pahahalagahan ko na ito at sisiguraduhing magiging makabuluhan ang aking existence sa mundong ito.

Tumigil muna ako at umupo sa isang malapit na puno.Kanina lang ay napagdesisyonan kong pumasok sa kagubatan.Dahil nga kakaiba ang mundong ito,mas lalo akong nasasabik na lumakas.Mabuti na lang at madunong ako sa martial arts.Ang problema lang ay ang katawan ng batang ito.Sobrang hina.Sobrang baba pa ng cultivation level nito.

Isa pa lamang siyang Five Star Dou Diciple.Kunsabagay bata pa naman ito at mahina ang resistensya.Hoo!Ang swerte ng katawang ito at magiging malakas siya!

Nagsimula na akong maglakad muli sa  kagubatan.Hindi pa ako nakakalayo ng may mamataan akong isang baboy ramo.Bigla akong nakaramdam ng gutom.Siguro ito na ang simula ng pagha-hunting at pagpapalakas ko!

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa 4th Rank Red Boar na nalaman ko lang dahil sa alaala ng katawang ito.Mas malakas ito saakin ngunit alam kong may advantage ako.Isa yata akong martial artist.Yun nga lang napunta ang kaluluwa ko sa isang mahinang bata.Hays.

Kinuha ko ang bronze sword ng tatay ko at mabilis na sinaksak ang likod ng baboy ramo na mabilis niyang nailagan.Medyo inasahan ko na iyon dahil mas malakas nga siya sa saakin.Sorry na lang at maalam ako sa pakikipaglaban.Muli kong sinugod ang baboy at sinalubong naman ako ng sungay niyang kay pangit tignan.

°°°°°°

INABOT ako ng halos isang oras para mapatay ang baboy ramong iyon!Ang dami ko na ding sugat pero hindi ko 'yon ininda dahil sa gutom ko.

Sa alaala ni Gin,oo Gin ang pangalan ng bata.Malapit na malapit sa pangalan ko.Pero balik tayo,sa alaala niya ay biniyayaan siya ng Blue Alchemy Flame na isa sa pinakaimportanteng bagay para sa isang Alchemist.At kung sinuswerte ka nga naman,ang apoy ko ay ang pinakamagandang kalidad ng apoy sa Alchemy na halos isa sa isang libong taon lang makikita.Astig!

The Ascension Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon