Chapter Two

775 102 6
                                    

Okay!Here's the second chapter.Hope you'll like it!

================================

GIN

NAGISING ako ng papasikat na ang araw.Isang magandang ngiting ang binungad ko sa bagong umaga.Syempre dapat ay magdasal muna tayo pagkagising natin. Pagkatapos kong magdasal ay nagtampisaw ako sa bukal at naramdaman ko ang spiritual na enerhiya na pumapasok sa katawan ko.Dahil sa dami nito ay nahirapan akong kontrolin dahil na din sa aking postura.

Napagdesisyunan kong lumusong sa bukal at maglotus form.Nakakagulat nga dahil nakakahinga ako sa ilalim hehe.Agad kong kinalma ang aking sarili at kinontrol ang enerhiya papunta sa aking dantian.Katulad kahapon ay mabilis itong napuno kaya't nagbreakthrough ako matapos ang isa oras.Wews!Two stars dou practioner na ako.

Sabi doon sa libro ng cultivation ay maari ka daw mag-aral ng martial arts kapag tumungtong ka na daw sa Dou Master ay pwede ka ng mag-aral ng lima hanggang pitong Martial Arts Skills.Samantalang kapag Dou Practioner ka naman ay isa hanggang dalawa lang ang pwede mong pag-aralan kung hindi at baka sumabog ang meridian mo.

Umahon na ako sa bukal at lumapit doon sa gilid ng bukal kung saan ko iniwan noong isang araw ang mga gamit ko na galing doon sa kalesa.Napayuko ako at nakaramdam ng kalungkutan.Hindi kasi ako sanay na mag-isa.Noong nasa Earth ako ay may limang akong kaibigan at masasabing kong totoo sila lalo na't kasama ko sila mula pagkabata.

Nagpalit na ako ng damit na galing sa bag at lumabas muna ang kweba upang maghunt.Mabuti na lang at wala na ang dalawang ahas na iyon sa labas ng kweba kungdi mapapasabak nanaman ako sa habulan.

Alam kong hindi ko na kakailanganin pang kumain dahil sa spiritual na enerhiya ngunit dahil kailangan ko pa ng dagdag enerhiya ay kailangan kong kumain.

Mag-aaral kasi ako mamaya ng Martial Arts kaya't siguradong nakakapagod iyon.Hindi naman pwedeng iasa ko lahat sa spiritual kong enerhiya.Kailangan ay malakas din ko kahit walang tulong ng spiritual na eneriya.

Nakita ko sa di kalayuan ang isang 4th Rank Spiritual Beast.Grabe naman ang gubat na ito.Halos lahat ba ng mga beast dito ay fourth rank pataas?Wala na bang mas mababa diyan.

"Wala akong choice."

Maingat akong gumalaw habang hawak hawak ang bronze sword na binigay saakin ni tatay.Hindi ko pa magamit ang ibang weapon na nakuha ko sa mga kalansay dahil may kabigatan sila.Hindi iyon makakatulong sa oras na kailangan kong tumakbo.

Nang tama na ang distansya ko ay in-aim ko agad ang leeg nito upang mabilis itong mawalan ng buhay ngunit sadyang matalino ang mga hayop na ito at umiwas.Talaga nga naman.Papahirapan pa ako.Pero mas maganda dahil matutulungan ako nitong pataasin ang experience ko.

Dahil nga isa akong martial artist sa nauna kong buhay ay ginamitan ko ito ng mga moves ko.Natataaman ko naman siya pero dahil sa kunat ng balat niya ay wala talagang panama itong maliit kong katawan.

Medyo lumayo muna ako pero ang hayop na ito.May crush ata saakin at sobrang bilis na tumakbo papunta saakin.Mabilis ko siyang inilagan at pinaghihiwa at pinaghahampas noong sword.Anong magagawa ko eh hindi ko naman alam kung paano gumamit ng sword.Noong nasa earth kasi ako ay puro mano-mano ang naging laban ko.

Inabot din ako ng isa't kalahating oras sa pakikipagbuno sa baboy ramong ito.Isa itong 4th Rank Green Boar na mas malakas kaysa sa Red Boar.Pero wala na akong pakealam.Ang gusto ko lang ay kumain!

Naglakad na ako pabalik sa kweba habang kinakaladkad ang baboy ramo.Nang makarating ako ay inilagay ko muna ito sa gilid ng bukal at umupo ako sa tabi nito.Kanina ay nakapulot na ako ng panggatong at dalawang bato kaya't ito ang ginamit ko para gumawa ng apoy.

The Ascension Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon