Chapter Nine is out!
================================
GIN
DALAWANG linggo na ang lumipas at heto kami,inaayos ang mga kagamitan sa bago naming bahay.Noong natapos ito ay maraming humanga at nagtaka kung ano ba ang gusaling ito.Ang pamilya ko naman ay masayang masaya dahil daw kakaiba at malaki ang bahay namin na hindi nila inaakalang makakamit nila.Ako naman ay sobrang proud sa sarili ko.Bakit?Dahil gwapo ako hehe.
Sa loob ng dalawang linggo ay natapos ang bahay at ang restaurant.Sa ngayon ay inaasikaso muna namin ang bahay.Bumili kami ng mga gamit at inayos ito.Dahil patapos na kami ay sisimulan na din naming ayusin ang restaurant.
"Nay,maari niyo bang bilihin nila Vin at Vincent ang mga isusulat ko sa papel?Habang kami naman ni Tatay ay bibili ng mga gagamitin sa restaurant."sabi ko at binigay kay Nanay ang dalawang mahabang papel.
"Ang dami naman nito,anak.Sige at uupa na lamang kami ng kalesa upang hindi na kami mahirapan."saad ni Nanay.
"Kung ganoon ay tara na po.Bukas na bukas ay bubuksan na natin ang ating restaurant! "masayang ani ko.
"Oo!"sabi nilang lahat.
HABANG naglalakad kami ni Tatay papunta sa furniture shop ay nagkwe-kwentuhan kami ng kung ano-ano.Hindi naman natin maiiwasan na dumaldal ang tatay ko dahil talagang pinanganak siyang madaldal.
"Oo nga pala Tay.Pwede ko po bang matanong ang pamilya niyo?"tanong ko.
"Nagtatanong ka na."pilosopong sagot.
"Tay naman!"
"Oo na!Sige,ano bang itatanong mo?"natatawang sabi niya.
"Nasaan po yung magulang niyo?"
"Ah nasaan na nga uli sila?Hmm kung di ako nagkakamali ay nasa ibang kontinente sila."sabi ni Tatay at ngumiti.
Ako naman ay nagulat."Po?!Eh paano kayo napadpad dito?"
"Mangingisda ang tatay ko.Dahil nga pasaway ako ay sumama ako sakanya.Tapos biglang umulan ng malakas,nasira ang bangka namin.Tapos ayun na.Napunta na ako dito.Hindi naman kasi kalayuan ang kontinente ng Ilipe dito."
Napatango ako."Ah,ganun pala iyon.Eh sino pong nakapulot sainyo?"
"Makapulot ka naman,ano ako basura?Ikaw bata ka,tatay mo ako kaya huwag kang gumamit ng ganyang salita saakin!"sabi niya at pinanlakihan ako ng mata.
Sus para namang matatakot niya ako.
"Isip bata naman kayo Tay,okay lang iyan--aray!"sagot ko tapos binatukan niya ako.
"Para saan naman yun Tay!Ang sakit!Mapipigtas ata ang ulo ko!"reklamo ko habang hinihimas ang ulo ko.
"Walang galang ka kasi!Kanino ka ba nagmana ha?!"
Ngumisi ako."Kanino pa ba Tay?Syempre sainyo,kayo lang naman tatay ko."
"Aba't!"
Mabilis akong kumaripas ng takbo sa nakita kong furniture shop.Pagkapasok ko ay nagtaka ako kung bakit walang katao-tao.Di ko alam na isa palang ghost shop ang napasukan ko.Napakamot ako ng batok.
"Anong ginagawa mo rito?"napaigtad ako ng may nagsalita sa likuran ko.
Lumingon ako sa likod ko at nakita ang isang matanda.Wow!Ang haba ng balbas hehe.Pero nakakapagtaka naman ang sagot niya.Wala bang bumibili rito?
"Ah hehe,magandang araw po!Balak ko po sanang bumili ng mga furniture ninyo!"magiliw kong sabi at ngumiti ng pagkalaki-laki.
Nakita kong natigilan ito."Bakit hindi kayo bumili doon sa kabilang shop.Tutal mas maganda ang kalidad doon."
BINABASA MO ANG
The Ascension
AdventureSi Gin ay isang batang mahina ang resistensya ngunit masasabi namang marami itong kaibigan.Sa kasaamaang palad ay namatay ito kasama ang kanyang mga gulang sa daan patungo sa syudad upang siya ay ipasok sa eskwelahan ng mga cultivator. Samantalang s...