Eight na hehehe.Alam kong medyo magulo or magulo talaga ang storyang ito.Pero aayusin ko na hehe.May babaguhin ako pero hindi ko pa alam kung ano.Anyways,sa mga nagbabasa ng storyang ito.Thank you ulit!
================================
GIN
ISANG araw matapos ang subatsa ay nakahanap na kami ng matatayuan namin ng bahay at negosyo.May kalakihan ito at kasya na ang dalawang building.
"Gin,diba bibili ka pa ng ibang lote?Gusto mo bang ako na lang ang maghanap para makapagpahinga ka."sabi ni Vin at umupo sa tabi ko.
Narito kami ngayon sa harap ng construction site.Nakahanap na din kami ng mga construction workers na gagawa ng bahay at ng restaurant.Nae-excite na nga ako eh.
Nginitian ko si Vin at tinapik ang balikat."Sige.Malaking tulong 'yun.Pero sa susunod na lang siguro ako magpapahinga kapag tapos na ito.Kailangan ko pang ituro sakanila ang gusto kong disenyo."
Napatango ito."O'sige.Kung ganun ay mauuna na ako."
Umalis na si Vin habang ako naman ay tinawag ang nangangasiwa sa mga construction workers.
"Ginoong Lon,nais ko sanang gawing ganito ang bahay at kainan........"
****
Nang matapos kong i-discuss kay ginoong Lon ang gusto kong mangyari ay agad nitong sinabi sa kanyang mga kasama ang plano.Hmm sigurado akong maganda ang kalalabasan nito.
Maya't maya pa ay nagdesisyon akong umuwi muna sa apartment at maghanda ng meryenda ng mga trabahador.Nang makarating ako sa apartment ay nabungaran ko si Nanay na tapos na palang maghanda ng meryenda.
"O Nay!Ayos na pala ang meryenda.Ako na po ang maghahatid."sabi ko at inabot ang tray pero inilayo ito saakin ni Nanay.
"Hindi,pumasok ka sa kwarto at magpahinga o maglinang.Ako muna ang bahala sa mga trabahador."striktong saad niya kaya't napakamot ako ng batok.
"Sige po."sabi ko at pumasok na sa kwarto.
Imbes na maglinang ay kinalkal ko na lang ang aking memorya at inaral ang mga martial arts na magagamit ko.Dahil dou saint na ako ngayon ay pwede na akong mag-aral ng sampu pang dagdag na martial arts maliban sa mga martial arts ko dati.Buti na lang at may photograpic memory ako.Lahat naman ata ng tao rito ay meron nun ang kaso lang ay kulang sa talento.
Nang magkalkal ako ng memorya ay may nakatawag pansin saakin na martial arts.Hmm makakatulong ito saakin hehe.Lahat ng ito ay nakita ko doon sa kweba.Oo nga pala!Naalala ko na marami ring kulang na mga pahina sa mga libro.Sayang at hindi ko natutunan kung ano ang meron doon.Hays.
Siguro tatlo o lima lang muna ang aaralin kong martial arts tapos magpapataas muna ako ng cultivation level.Kailangan ko din mag-ehersisyo dahil baka mangalawang ako at bumaba ang stamina ko.
Naupo ako sa lotus form at nagcultivate ngunit bago yun ay uminom muna ako ng breakthrough pill.Isa iyong Tier 5 na pill.Nakakatulong para sa isang Dou Spirit cultivator na tulad ko.
Naramdaman ko ang unti-unting pagkatunaw ng pill sa puson ko at ang pagdami ng enerhiya na pumupuno sa dantian ko.Kinontrol ko ito dahil marahas ang paggalaw ng enerhiya sa meridian ko.
Ramdam ko ang pawis na tumutulo sa noo ko habang kumukulo naman ang enerhiya sa dantian ko.Hanggang sa nararamdaman ko ng lumalagpas na ako sa dou spirit realm.
Boom!
Isang maliit na pagsabog ang nangyari at tuluyan na akong nakapag-breakthrough.Dou King na ako!Isang magandang balita hehe!

BINABASA MO ANG
The Ascension
AdventureSi Gin ay isang batang mahina ang resistensya ngunit masasabi namang marami itong kaibigan.Sa kasaamaang palad ay namatay ito kasama ang kanyang mga gulang sa daan patungo sa syudad upang siya ay ipasok sa eskwelahan ng mga cultivator. Samantalang s...