Chapter Five

661 122 6
                                    

Okay guys!! Chapter Five na tayo!!

================================

THIRD PERSON

ISA muling magandang umaga para sa pamilya nila Gin.Maagang nagising ang mag-asawa para mag-trabaho at asikasubin ang kanilang anak na si Gin.

"Gin!Anak!"pagtawag ni Amelia sa kanyang anak.

Minulat ni Gin ang kanyang mga mata ng marining ang tawag ng kanyang ina.Saktong kakatapos lamang niya sa pagc-cultivate.Napangiti si Gin at inisip kung ano ba ang gagawin niya ngayon.Nasa peak na pala siya ng Dou Spirit Realm.Malapit na siyang maging Dou King.Kaunti na lang ngunit siguradong aabutin siya ng dalawang buwan bago makalagpas sa bottleneck.

Talagang nanghihinayang siya doon ngunit di niya naisip na mabilis siyang nagpapataas ng lebel kumpara sa kanyang mga kaedaran.Isang walang pasensiyang bata na matanda ang pag-iisip.Muling naisip ni Gin na trenta na pala niya sa Earth kung hindi siya namatay.

Buti na lang pala at namatay ako hihi

"Nariyan na po!"sagot pabalik ni Gin sa kanyang ina.

Inayos niya ang kanyang higaan at pumunta na sa kusina para masilayan ang kanyang itinuturing na mga magulang.Sa nakalipas na tatlong taon mula ng dumating si Gin sa mag-asawang Amelia at Leroy ay naipaayos na nila ang kanilang barong-barong.De semento na ito at hindi na pinagtagpi-tagping kahoy.Isa pa ay tumaas na ang ranggo ni Leroy dahil sa pill na ginawa ng kanyang anak.Ang Core Breaking Pill.

Sabi ng anak na ang pill na ito ay nakakasira ng dantian ngunit dahil may lason na nakasara sa dantian niya ay iyon ang sinira nito.Kaya abot langit ang pasasalamat niya na dumating ang anak niyang si Gin.

"Oh,kumain ka na."sabi ng ina at iminuwestra ang upuan

Mabilis namang umupo si Gin at natakam sa mga niluto ng kanyang ina.Mula din ng dumating si Gin ay mas masarap na ang kanilang kinakain sa araw-araw.Hindi na din kailangang maglako ni Amelia sa daan dahil mas marami ng nakikita ang kanyang asawa at anak.

Oo,nagt-trabaho din si Gin.Ipinagpaliban niya muna ang pagpasok sa akademiya dahil kailangan niya munang tulungan ang kanyang pamilya.Kahit na nabalitaan niyang tapos na ang pagsusukat ng magic at physical strength ay hindi siya nanghinayang.Bakit?Malalaman niyo rin.

GIN

"Nay!Una na po kami na tatay."sabi ko at hinalikan siya sa pisngi ganun din ang ginawa ni tatay.

Lumabas na kami ni tatay sa bahay at naglakad na patungo sa kagubatan ng aurora na malapit lang sa aming bahay.Habang naglalakad ay di ko mapigilang mapangiti sa aking plano.Hoo!Mamaya ay kakausapin ko sila tatay para sa aking mga plano tutal ay marami na kaming magic core at marami din akong malalaking high-grade crystals.

Nang makapasok kami ni tatay sa kagubatan ay nagdahan-dahan na kami sa paggalaw.Sa oras kasi na maramdaman ng magic beast o spiritual beast na may panganib ay mabilis nilang itataas ang kanilang depensa.Kung ganoon ang mangyayari ay mahihirapan silang humuli.

Sa hindi kalayuan ay namataan naming mag-ama ang isang red grade magic beast na obvious naman na red ang magic core na nagkakahalaga ng 1 silver coins.Marami na rin yung mabibili hehe.

Dahan-dahan kaming lumapit ngunit nagulat kami ng magsipaglabasan ang iba pang kauri nito.Mga lobo pala ang mga ito.Mukhang mahihirapan kami.Ang isang red grade magical beast pati na rin ang 5th rank spiritual beast ay kasing lakas ng Dou Spirit cultivator.Ang advantage lang namin dito ay may gamit kaming weapon.

Ang weapon na gamit ko ay ang bronze sword na kinuha ko sa totoo kong ama.Noong pinakita ko nga ito kina nanay Amelia at tatay Leroy ay nagulat at tinanong kung saan ko nakuha.Syempre ang sinagot ko ay napulot ko lang kung saan.Medyo naniwala sila dahil nga inosenteng inosente pa ang dating ko.

The Ascension Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon