Chapter Six

675 119 4
                                    

Olryt,kahit walang reader/s ito ay itutuloy ko pa din hehe.

================================

GIN

NGAYONG araw ay balak na naming umalis dito sa Aurora pa maglakbay papunta sa Cleo City.Hindi kami maglalakad dahil marami kaming dala.Gusto ko sanang ilagay sa storage ring ko pero baka magtaka sila dahil ang alam nila ay puno ang dalawa kong storage ring.Ang alam lang kasi nila ay dalawa lang ang storage ring ko kaya nakakapanghinayang at magpapagod pa kaming magbuhat.

Nakita kong napabuntong hininga si Nanay habang tinititigan ang bahay."Apatnapung taon kaming nakatira dito at ngayon ay lilisanin na namin ito."

Hinawakan ko ang balikat ni Nanay."Nay,pwede naman tayong bumalik dito.Pero baka matagalan.Huwag kang mag-alala dahil walang gagalaw sa bahay natin."

Nilagyan ko kasi ng formation array kagabi.Isang defensive at offensive na formation pero simple lang.Siguro at sapat na yun para protektahan ang bahay.

"Nay,tara na po."

Inakay ko si Nanay papunta sa karwahe at tinulungan ko si Tatay na ilagay ang mga bagahe namin sa maliit na lalagyan ng bagahe sa ilalim ng karwahe.Sapat lang yun para sa mga gamit namin.

Sasakay nanaman ako sa karwahe.Medyo nangangamba ako pero kailangan kong balewalain iyon.Nirentahan lang namin ang karwaheng ito pati na din ang maghahatid saamin sa Cleo City.

Nang makasakay na kaming lahat sa karwahe na huminga ako ng malalim.Sana walang sumabotahe saamin.Hindi ko kakayanin kung mawawala ang mga pangalawang magulang ko sa mundong ito.

Habang nasa biyahe ay nagkwe-kwentuhan kaming tatlo ng kung ano-ano.Minsan pa nga ay inaasar ako ng dalawa kung may natipuhan daw ba akong bata sa Aurora at bakit ko daw nagawang iwanan ito.Napapailing na lang ako sa kanilang dalawa.Hindi ako makapaniwala na isang daan na sila mahigit.

"Oo nga pala anak.Pagdating natin doon,ano ba ang una nating gagawin bukod sa pag-upa ng pansamantala nating tirahan?"tanong ni Nanay.

"Ipapapalit po natin ang mga magic core ko at mga crystal pagkatapos ay bibili tayo ng malaki-laking lupa para sa pagpapatayo ng bahay natin pati na din ng magiging negosyo natin.Maganda sana kung makakabili na tayo agad ng tatlong malalaking lote sa iba't ibang lugar ng Cleo City para hindi na tayo maagawan sa oras na magpapatayo uli tayo ng bagong negosyo."mahaba kong saad.

Parehas silang napatango."Isa pa pala,anak.Diba sabi mo ay kukupkupin natin ang mga walang pamilya at mahirap?Saan sila tutuloy?"

"Malaki po ang ipapatayo kong bahay na mayroong maraming silid upang na magkakasya ang apatnapung katao.Kung mas marami naman doon ay magpapagawa pa tayo ng mga bahay.Kaya ang gusto ko ay malawak na lote para magkasya ang ipapatayo natin."

"Ganun ba?Hindi ba't parang madami kang magagasta diyan?"tanong ni Tatay.

Ngumiti ako."Ang pera po ay mabilis mabawi,hindi po ako mangingiming tulungan ang mga nangangailangan katulad po ng ginawa niyo saakin noong una tayong magkita."

"Binata na talaga ang anak ko!Pwede ka ng mag-asawa anak---Aray!"daing ni Tatay ng bigla siyang hampasin ni Nanay ng pamaypay.

"Hoy Leroy!Bata pa ang anak mo!Hindi pa yan pwedeng mag-asawa.Huwag mong itulad yan sayo na nag-asawa na kebata-bata pa!"

"Mahal naman,ginusto mo naman iyon eh---Aray!Aray!T-teka lang,mahal!Masakit!Aray!"puro daing ang naririnig kong lumalabas sa bibig ni Tatay habang ako naman ay napangiwi sa kabrutalan ng Nanay ko.

"Ikaw!Ako,ginusto ko?Sinong may sabi ha?!Para sabihin ko sayo!Pinakasalan kita dahil nagpanggap kang nag-aagaw buhay noon!Aba,kung di ka lang nagpanggap malamang ay nanliligaw ka parin hanggang ngayon!"

The Ascension Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon