Heyow!This chapter is for you to read!Don't forget to vote and comment.Also follow me (;
================================
GIN
HALOS dalawang linggo na ako dito sa kweba at wala na akong ibang ginawa kung hindi mag-aral ng martial arts,mag-cultivate at paminsan-minsan ay maghunt.So far so good naman dahil tatlong beses uli akong nagbreakthrough dahil sa bukal.Hayy iyong bukal na lang talaga na iyon ang tumutulong saakin para lumakas.
Teka,hindi ko pa pala na-check iyong mga storage ring na nakuha ko.Baka mayroong pills doon na makakatulong saakin!Ang tanga mo Gin!Ugh wala kang utak!
Mabilis kong pinadaluyan ng enerhiya ang singsing.Nang mabuksan iyo ay tumambad saakin ang mga kinuha kong gamit sa mga kalansay at ang mga gamit na nakalagay sa mismo sa singsing na ito.Mabilis akong yayaman kung ibebenta ko ang mga ito pero hindi ko gagawin iyon bilang respeto sa mga kinuhanan ko haha!
Kinuha ko ang mga epic grade armaments na storage rings sa loob ng pinakanauna kong nakuhang storage ring.Isa isa kong itong tinignan at laking tuwa ko ng marami akong nakitang pills!Waahhh!!Napakarami!Mabilis kong inilabas ang mga pills at herbs na nakita ko pati na din ang mga mapapakinabangan ko.Itinabi ko muna ang dalawang daan at apat na pu't tatlong storage ring at tinignan ang gabundok na pills sa harap ko at sa tabi nito ay may isang daan mahigit na basket ng herbs.Habang ang mga high-grade at mga epic grade na mga armaments ay nakalagay sa isang tabi at ang mga magic core naman ay nakatabi din kasama ang mga crystal na nakita ko.
Ang mga magic core pala ay mga bilog na kasing laki ng piso at makukuha ang mga ito kapag nakapatay ka ng magic beast.Natutukoy sila sa anim na kulay,iyon ay ang gray,yellow,orange,green,red at blue.Ang magic beasts ay naiiba sa spiritual beast at mythical beast.Ang magic beast ay pinanganak na may sariling lakas at ang lakas na iyon ay hindi na lalakas pa.Kumbaga sila ay nakastay na sakanilang kasalukuyang lakas.Samantalang ang spiritual at mythical beasts naman ay maaari pang lumakas dahil may rank sila.
Matutukoy mo ang lakas ng isang magic beast sa kulay ng kanilang magic core.Nasa kahit anong parte ito ng kanilang katawan.Pwedeng nasa dibdib,sa tiyan,sa noo o kahit saan pang parte ng kanilang katawan.
Pwede palang ibenta ang magic core.Dahil pinakamahina ang grey magic core ay mababa din ang presyo nito.Nasa 20 copper coins ito.Habang ang yellow naman ay 50 copper coins,ang orange naman ay 100 copper coins,ang green naman ay 500 copper,ang red ay 1 silver at ang blue ay 1 gold coins.Dahil ang karamihan na narito ay red at blue magic core na halos dalawang libo ata ang rami ay siguradong yayaman ako!
Alam kong nagiging mukhang pera ako pero syempre pera at lakas ang kailangan ko para umangat.Isa ay may balak akong gawin sa pera upang makatulong sa mga mahihirap.Nalaman ko kasing uso ang slavery pati na din nag racism sa mga mahihirap na angkan.
Dahil nga may balak ako dapat ay bilisan kong mag-ensayo lalo na't gustong gusto ko ng makatulong sa nakakarami.Hindi ko magagawa yon kung mahina ako.Dapat kahit normal cultivator ako ay malakas ako!
KINABUKASAN ay isang magandang ngiti ang bungad ko.Hehehe nakapagbreathrough kasi ako kagabi kaya't talaga namang tuwang tuwa ako!At hindi lang iyon!Malapit ko na kasing maperpekto ang pang-apat na form ng dragon scale technique!Nitong nakaraang araw kasi ang habang pataas ng pataas ang form ng technique ay pahirap din ito ng pahirap.Ang pangatlong form ay inabot ako ng dalawang araw habang ang pang-apat na form ay inabot ako ng limang araw.At sa limang araw na iyon,kalahating katawan lang ang nagawa kong bronze dragon scale.Pero syempre dahil ako si Gin ay hindi ako susuko!
Tuloy tuloy lang ako sa pag-eensayo ng martial arts.Napag-isipan ko sa loob ng dalawang linggong narito ako sa kweba ay dapat kong hatiin sa tatlong ang aking pag-eensayo.Una ay ang pag-eehersisyo,ang pagtakbo ng beses paikot sa kagubatan,ang pag sit-up at ang plank.Habang patagal ng patagal ay padagdag din ng padagdag ang bilang ng ehersisyo ko.Tulad ng pagtakbo,kung noong nakaraang linggo ay sampung beses akong tumakbo paikot sa gubat ngayon ay labing limang beses na.Ganoon ang gagawin ko buong taon.Habang patagal ay dadagdagan ko ang aking mga ehersisyo upang lumakas ang stamina ko at lumakas ang pangangatawan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/226213086-288-k827516.jpg)
BINABASA MO ANG
The Ascension
AdventureSi Gin ay isang batang mahina ang resistensya ngunit masasabi namang marami itong kaibigan.Sa kasaamaang palad ay namatay ito kasama ang kanyang mga gulang sa daan patungo sa syudad upang siya ay ipasok sa eskwelahan ng mga cultivator. Samantalang s...