Chapter Thirteen

1.1K 147 75
                                    

Hello guys!Grabe 200 reads!For me sobrang bilis na ito lalo na at ilang weeks ko pa lang ni-release ang story na ito.Please keep reading and supporting my story.Pagpasensyahan niyo na din kung natatagalan ako sa paga-update.Gusto kasi gawing exciting ang story at gusto kong gumawa ng magandang plot haha.

================================

SIMON

ISANG araw na lang bago kami magpasukat ng aming mga affinities at physical strength.Hindi naman kami kinakabahan.Ang kinababahala namin ay ang kaligtasan ng angkan at pamilya namin.Sa ngayon ay buhat buhat ko ang isang buwang sanggol na hinehele ito.

"Naman!Bagay sayo Kuya!"isang mapang-asar na boses ang nagsalita sa di kalayuan.

Sininghalan ko lang ito na ikinatawa niya.Lumapit siya saamin ni Baby Alesia at linalaro-laro ito.

"Hi baby Alesia.Ako si Daddy Gin hehe.Ako ang gwapo mong daddy.Ang nagbubuhat naman sayo ay ang pangit mong daddy."saad niya.

"Hoy!Bastos kang bata ka!"

Kung hindi ko lang talaga hawak si Alesia ay ibibitin ko patiwarik ang batang ito.Napakasutil!

Ilang sandali pa kaming nagkulitan sa sala ng mansyon bago ko inilapag si Baby Alesia sa crib niya na gawa ni Gin.Ewan ko nga sa sutil na ito.Napakaraming alam gawin.Buti na lang at kapaki-pakinabang naman.Saan kaya niya nakuha ang mga ideya na iyon ano?

Binantayan ni Nanay si Alesia at kami naman ni Gin ay pumunta sa meeting room kung saan naghihintay si Vin.Tsk,siguradong magrereklamo nanaman ang isang yun.Napakabungangero,daig pa palengkera.

Pagkabukas pa lang namin ng pinto ay bumungad saamin ang madilim na mukha ni Vin.Napakadilim!Hehe.

"BAKIT NGAYON LANG KAYO?!ISANG ORAS NA AKONG NARITO!"inis na sigaw niya na ikinapikit namin ni Gin.

"Naging pangit na dragon nanaman siya."bulong ni Gin na mukhang narinig ni Vin.

"Anong sabi mo,bata?"

"Wala,sabi ko ang panget mo na nga,bingi ka pa hahaha!"asar ni Gin na muntikan ko ng ikahagalpak ng tawa.

Sinamaan ako ng tingin ni Vin.Sus,parang babae naman kumilos nito

"Tama na ang biro.Mag-usap na tayo."sabi niya at sumeryoso na.

"Hindi naman lingid sa kaalaman ninyo na ang Dark Dragon ay isang malakas na guild.Pero kung ikukumpara sa atin ay walang wala sila.Kaya naman nakakuha kami ng lead sa madaling paraan.Napakabobo nilang gumalaw at walang kaingat-ingat."

Tumango kaming dalawa ni Gin."Nalaman namin na tanging mahihinang bayan lang ang inaatake nila.Hindi nila kayang makapasok sa mga syudad katulad natin.Pero ang delikado lang ay mukhang may kapit sila.Ngayon Gin,dahil ikaw ang magaling mag-analisa.Ano sa tingin mo ang dapat gawin?"

"Wait and think about all the possible things they might do.Huwag maging padalos-dalos dahil maraming buhay ang nakataya dito.Pag nalaman na ang gagawin nila,doon na kayo magsimulang magplano.First will be the attack plan,kailangan may dalawa o tatlo kayong attack plan o mas marami pa.Ang sunod naman ay escape plan.Wag hayaan na may mamatay.Survive."saad ni Gin na tila ba isang matandang guro.

Namangha ako sa sinabi niya.Isang matalinong paraan!Sa tingin ko ay mas matanda talaga saakin si Gin.Bukod sa mas magaling makipaglaban at mas talentado ay matalino din,mas matalino kesa saakin na mas matanda sakanya.Pero wala lang naman yun saakin.Dahil may mga bagay naman na mas alam ko kaysa sakanya.Hindi din ako naiinggit dahil sinasama niya kaming lahat sa mga plano at tagumpay niya.Binibigyan niya kami ng tyansang magpakitang gilas sa iba't ibang larangan at tinutulungan kami.Kumpara nga sakanya ay mas kilala pa kaming dalawa ni Vin dahil mas pala-labas kaming dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Ascension Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon