Chapter Four

677 111 4
                                    


Chapter four is here!Enjoyyy!!

================================

GIN

PAGKALABAS na pagkalabas ko ng gubat ay sumalubong saakin ang isang daan.Yep iisa lang ang daan dito at straight way siya na makipot at bako-bako.Wala na akong ibang choice kung hindi maglakad dahil wala namang napapadaan dito.Itong daanan na ito ay dadaanan sana namin nila tatay noon ang kaso lang ay naaksidente kami ay namatay sila.

Napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad.Patingin-tingin lang ako sa paligid at pasipol-sipol na naglalakad habang ang dalawang kamay ko ay parehas na nasa batok ko.

Nakalimutan ko palang sabihin sa inyo na pitong taong gulang na ako.Kakatapos lang ng kaarawan ko kahapon.Pero binabalik lamang ng aking kaarawan ang pait ng pagkawala ng aking mga magulang.Dalawang araw kasi bago ng aking kaarawan ay ang 'aksidente' namin na talagang ikinalulungkot ko.Pero wala akong oras para magdusa dahil kailangan kong mabuhay.Kailangan kong lumakas at iyon nga!Ang kweba ang tumulong saakin upang lumakas.

Ilang oras ng paglalakad ay natanaw ko na ang isang bayan.Sa mapang hawak ko ay iyon ang bayan ng Aurora.Ito ang bayan na kasunod ng bayan namin nila Nanay.Medyo malayo ito,mga dalawang daang kilomentro.Aabutin ka ng buong araw kung paglalakad at kalahating araw naman kung may kalesa kayo o sasakyan.Dahil nga galing ako sa gubat ang limang oras ko lamang ako naglakad.

Habang naglalakad ako ay naawa ako sa mga tao.Lahat sila ay abala sa kani-kanilang mga trabaho.Ang kanilang mga suot ay pawang madudumi na at sila ay naliligo na ng pawis ngunit wala silang pakialam.Wala silang pakialam sa maalinsangan at nakakapagod na trabaho dahil iyon lamang ang paraan para mabuhay sila.Para akong naiiyak habang tinitignan ang kanilang ginagawa.Nakatigil lamang ako sa gitna ng daan at tulala dahil sa awa sakanila ng may biglang bumanggan saakin na ale na may hawak na bilao na naglalaman ng iba't ibang gulay.

"Nako!Pasensya na bata.Ayos ka lang ba?Nasugatan ka ba?Pasensya na talaga."paghingi ng paumanhin 'nung ginang saakin

Ngumiti ako."Ayos lang po!"

"Teka,nasaan ba ang magulang mo?Nawawala ka ba?Hindi kasi pamilyar ang mukha mo saakin bata,tagasaan ka?"tanong nito at inaya ako sa lilim ng isang puno at pinaupo ako sa isang bato.

Napayuko ako."Wala na po akong nanay at tatay.Palaboy-laboy na po ako sa daan."

Mukhang nahabag ito sa aking itsura.Nasabi ko na bang sobrang cute at gwapo ko?Mayroon akong kulay asul na mga mata at kulay pilak na buhok.Maputi din ang balat ko at makinis.Oy hindi ako mukhang babae pero talagang gwapo ako!

"Kay gwapo-gwapo mong bata ngunit palaboy-laboy ka?Wala ka bang kamag-anak?Maari ka naming ihatid ng aking asawa doon."malambing ang kanyang boses.

Sa totoo lang ang aleng ito ay maganda ang aleng ito.Siya ay may kayumangging kutis at kulay lupang mga mata.Ang kanyang buhok ay natatakpan ng tela at gusgusin na din ang kanyang damit.Ngunit ganon ay maganda pa din siya.Alam niyo bang mabagal tumanda ang itsura ng mga cultivators?Pwes ngayon alam niyo na hehe.

Umakting ako naiiyak."Malupit po ang mga tiyo at tiya ko.Lagi nilang akong nipapalo.Ayoko po sakanila.Di po nila ako gusto,sabi nila yon saakin."

Umigting ang panga niya at nangangalit ang kanyang mga mata."Ang kapal ng apog nilang ipagtabuyan ang ke-gwapo gwapong batang tulad mo!"

Napangiwi ako.Effective nga ang acting ko.Nagalit siya sa non-existent na tao hehe.

"Gusto mo bang saamin ka na lang tumuloy?"mabilis ako tumango at ngumiti

"Opo!Opo!"

"Kung ganoon,halika na.Iuuwi na muna kita bago ako muling magtinda.Mula ngayon ang tawag mo na saakin ay Nanay.Siguradong matutuwa ang asawa ko dahil may maaalagaan na kami!"maligayang sambit nito na ikinangiti ko.

The Ascension Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon