Chapter Seven is out!
================================
GIN
INABOT na kami ng gabi kakahanap ng matutuluyan dahil halos lahat ay tinanggihan kami mabuti na lang ay may isang lalaking naawa saamin at pinatuloy niya kami sa apartment niya.Mura lang din dito at kaunti lang ang tao dahil medyo malayo sa sentro ng syudad.
"Maraming salamat po sa tulong Mr.Ken."ngiti ni Tatay
Ngumiti din pabalik si Mr.Ken."Wala iyon,masaya na akong makatulong.O'sya bababa na ako ha?Bumaba na lang kayo at kumatok sa pintuan ko kung may kailangan kayo."
May dalawang kama sa kwarto.Parehas na sakto lang ang laki.Kulay puti ang dingding at medyo malawak.Maganda na ito para sa 2 silver coins.Ang mura hindi ba?
"Maligo muna kayo mga bata.Mamaya na kami maliligo ng Tatay niyo."sabi ni Nanay at minuwestra ang CR sa loob ng kwarto.
Naunang maligo si Vincent,sunod si Vin tapos ako.Mas matanda si Vin saakin ng tatlong taon pero sabi niya ay tawagin ko na lang siyang Vin samantalang mas matanda ako kay Vincent ng apat na taon kaya ang tawag niya saakin ay Kuya.
"Matutulog ba kayo mga anak o magc-cultivate?"tanong ni Nanay habang tinutuyo ang kanyang buhok gamit ang towel.Si Tatay ay naliligo pa sa banyo at minsan ay sumisigaw sa lamig ng tubig.
"Ako po ay magc-cultivate Nay!"sabi ko sabay taas ng kanang kamay.
Tapos bigla ding nagtaas ng kamay ang dalawa.Kaya napalingon ako sa kanilang dalawa. "Kami din po!"
Napatawa si Nanay."O'sya sige.Ako at ang Tatay niyo ay matutulog.Mas mabuti kung simulan niyo ng maglinang ngayon upang mas marami kayong maipon na spiritual na enerhiya sa dantian niyo."
"Opo!"sabay sabay naming sagot at umupo sa lotus form.
Isang oras pa ang lumipas at kanina pa nakatulog si Nanay at Tatay.Kinalabit ko ang dalawa at binigyan ng pills.Napansin ko kasing
one star dou diciple pa lang si Vincent at two stars dou practioner naman si Vin.Sa mga normal na bata ay normal ito pero para saakin ay sobrang bagay niyan."Kainin niyo yan.Tinatawag ko ang mga iyang Disciple Energy Levelling Pill at Energy Practioner Levelling Pill.Makakatulong yan para mabilis madagdagan ang spiritual na enerhiya sa katawan niyo at ito naman ang kakainin ko.Ang Energy Spirit Levelling Pill na katulad ng sainyo ay makakatulong din saakin para makapagpataas ng lebel."
"Ibig sabihin ba ng sabi mo ay mabilis madadagdagan ang stars ko!At isa ka ng Dou Spirit Cultivator!"
"Oo haha!Sige na,magsimula na uli tayong mag-cultivate."
KINABUKASAN ay maaga akong lumabas ng bahay para maghanap ng auction house.Pero bago yun ay bumili muna ako ng maayos na damit.Mamaya ko na lang bibilhan ng damit ang mga kasama ko.
"Ate,nasaan po ang subatsahan rito?"tanong ko sa cashier ng pinagbilihan ko ng damit.
"Ah bakit mo natanong?"tanong niya.
Ngumiti ako ng inosente."Pupunta raw po kami doon ng Tatay ko."
Napatango-tango siya."Ah oo,doon lang.Pangatlong istratukra mula sa sentro.Mainam kung pupunta kayo doon mamayang gabi dahil mas madaming tao mamaya."
Yumuko ako."Salamat po!"
Mabilis akong umalis sa tindahan na iyon at pumunta sa bahay para ibalita ito sa mga kasama ko.
"Nanay!Tatay!Alam ko na po kung saan natin maaring ipasubatsa ang mga crystal!"masayang sabi ko at ngumiti ng abot tenga.
Napapalakpak si Nanay at ngumiti naman si Tatay."Mabuti iyan para makapagsimula na tayo ng negosyo at makatulong na din kami saiyo.Nakakahiya na kasi anak,lagi ka na lang gumagastos."

BINABASA MO ANG
The Ascension
AdventureSi Gin ay isang batang mahina ang resistensya ngunit masasabi namang marami itong kaibigan.Sa kasaamaang palad ay namatay ito kasama ang kanyang mga gulang sa daan patungo sa syudad upang siya ay ipasok sa eskwelahan ng mga cultivator. Samantalang s...